The Dead Crown by Mr_BonBon

213 19 1
                                    

Topic:  Featured Undiscovered Story : The Dead Crowd by @Mr_BonBon
By: SearchandRescue


"They are the nature’s darkest species. They invented the true meaning of war. They swarm, slaughter and infect. They are the 'The Dead Crowd’.”
-@Mr_Bonbon, The Dead Crowd

From the title itself, @Mr_Bonbon’s The Dead Crowd is a story that will take you to a place you'll never want to be. Isa itong kwento tungkol sa mga zombies, at sa pakikipagsapalaran nina Ashel, Mally, and the rest of the crew, na nagsama-sama upang hanapin ang kasagutan sa kanilang mga tanong: Bakit nga ba nangyayari ang ganitong bagay sa kanilang mundo at saan nanggaling ang virus?

Does this undiscovered story have what it takes to shine? I can definitely say, Yes! Sa mga graphic descriptions pa lang, mai-imagine mo na ang mga scenes. Isang normal na araw lang sa buhay ng ating bidang si Ashel ang magpapabago ng buong buhay nya. And as you go through every page, reading it chapter by chapter, lalong nagiging exciting, kaya kapit ka lang at baka malaglag ka dahil siguradong mai-infect ka ng virus ng story na ito.

Sa totoo lang, kung fan ka ng mga zombie games, movies, and stories, talagang mag-e-enjoy ka sa The Dead Crowd. Kung sakaling hindi ka pa nakakapagbasa ng mga kwentong may ganitong genre, masasabi ko talagang you should check this story out.

Maganda ang pacing at transition. Nandoon yung mga tamang description ng mga scenes, and as you read every chapter, mas lalo kang mahu-hook – yung tipong ayaw mo nang tigilan ang pagbabasa…parang nanonood ka na rin ng isang magandang palabas at kailangan mong malaman kung ano ang susunod na mangyayari, lalo na sa mga bida natin. Tatakbo ang iba’t ibang tanong sa utak mo – kung paano nila malulusutan ang mga pagsubok at maililigtas ang lahat, o kung magiging katulad din ba sila ng iba na naging mga zombies na din.

Iilan pa lamang ang mga nababasa kong stories under this genre, pero kung sa bawat babasahin mo ay nandoon ang style ng pagsusulat na tulad ng kay @Mr_Bonbon, masasabi kong mag-e-enjoy ka talaga. Detailed at buhay na buhay ang mga eksena na nagpa-flash mismo sa imagination mo habang nagbabasa. Yung mga ordinaryong lugar na madalas mong puntahan at mga eksenang madalas mong makita, nandoon sila. Simple, pero malakas ang dating. Walang mga uber-deep words pero alam mong pinag-isipan ang bawat chapter na ina-update niya.

Nandoon yung mahuhuli nya talaga ang atensyon mo bilang reader. Ang dapat mo lang gawin ay  basahin siya at parang nandoon ka na rin sa kwento – isa sa mga bagay na dapat isaalang-alang ng mga manunulat ngayon. Yung pacing at quality ng isang kwento; hindi lang basta isang kwento kundi masasabi nating masterpiece.

Kung magbibigay ako ng ratings per issue at per undiscovered story, ranging from 1 to 10 stars, this story deserves nine (★★★★★★★★★).

Bakit nine lang at hindi ten? Kasi hindi pa tapos. But I know mas magiging maganda pa siya at mas mapo-polish pa nya ang story and malay natin…one day we might see it on bookshelves as a published book! Walang nakakaalam ng pwedeng mangyari, pero ando’n yung possibility dahil nararamdaman ko ang passion to express ng story. Nandoon yung effort sa kwento kaya deserve lang talaga ng The Dead Crowd na mag-shine at ma-discover!

Para kay @Mr_Bonbon: Goodluck sa story; just be yourself lang sa pagsusulat. Hindi naman mahalaga ang number of reads; hindi lang yan ang basihan natin para masabing may ibubuga ang kwento. Ang quality at ang mensahe ng kwento mismo ang magdadala nyan. Eventually, magbubunga din ng maganda ang iyong gawa. Always write to express and not to impress. Do it with passion, putting your heart in everything you do!



The Dead Crowd is a story you shouldn't miss! So what are you waiting for? Read it now...

Heto ang link para sa story. You can help this story be discovered!

http://www.wattpad.com/story/8219894-the-dead-crowd-on-hold

WattMag: Spooky November IssueWhere stories live. Discover now