One of the pillars of WattMag_PH

160 22 5
                                    

Title: One of the pillars of WattMag_PH

Topic: Featured Member

By: mcookie013

VanVoyager.

Does it ring a bell?

No?

How about SelfieDemiGod?

Sa tingin ko kilalang-kilala ninyo iyan.

VanVoyager, SelfieDemiGod, or EJ WP. Nakakalito minsan ang taong ito dahil mas madalas itong magpalit ng username. Pero sino nga ba siya sa likod ng mga pangalang ito?

Si EJ, sa pagkakakilala nating lahat, ay ang EIC ng WattMag_PH. Sa una pa lang humanga na ako sa determinasyon ng lalaking ito. I remembered it well noong first issue ng Mag. Siya at ang ibang taga-AW ang laging puyat kakaisip ng possible topics para sa first issue, isa rin siya sa gumagawa ng articles para sa mag, nage-edit ng mga articles, minsan ay tumutulong pa sa pagpopromote ng mga activities ng Mag. Natatawa na nga ako minsan sa pagkangarag niya sa maraming bagay, binansagan ko pa nga siya noon bilang ang lalaking walang pahinga. Sa pagkakakilala ko sa kanya, masasabi kong si EJ ang klase ng tao na masipag, matapat, walang paligoy-ligoy kung magsalita, at mabuting kaibigan.

Ano ba ang hilig ng isang EJ Wp? Ayon sa kanyang form na ipinasa sa WattMag_PH, si EJ ay mahilig sa JPop/Rock partikular na ang Supercell na banda. Paborito rin niya sina Taylor Swift, Hailey Williams ng Paramore, 1D, at marami pang iba. Mahilig rin siya sa mga anime, isa na rito ay ang Fairytale. Ang ayaw niya naman ay iyong mga taong papansin, mga famewhores kumbaga.

Ganoon ang pagkakakilala ko kay Ej, ano naman kaya ang masasabi ng ilan sa mga miyembro ng WattMag_PH sa kanya? Tinanong ko ang iilan sa mga miyembro ng WattMag at heto ang kanilang mga naging kasagutan:

Mickoy: Hahaha. Medyo unpredictable siya para sa akin. Minsan parang ang seryoso niya na ewan tapos minsan joker. Yung ganon

Nagpaka-Anonymous: Ej… I think nakilala ko siya nung nag start ung Mag pero dati ko na pala siyang nakakausap bilang Dim bulol, character niya sa mga app stories, hahahahah! Di ko talaga alam na the person behind Dim eh siya kase nga may sariling acct si Dim! Malay ko ba jan! Hahahahaha! xD Tas ayun nagkasama kami sa Mag and we started talking kase may GC kami ng mga VPs and dun i got an insight of him… like he is very makulit, madaldal, maloko, may pagka bully! Hahahaha! He's like one of those few people na very dedicated sa mga ginagawa nila, and like he is a very trustworthy person!

Kachuu: At first, makulit? Nagkakilala kasi kami sa isang Dare game sa watty and nabadtrip ako sa kanya nun kasi makulit siya... But mabait siya, thoughtful and kinda sweet? Kahit paano nababadtrip pa rin ako but I am more on laughing kapag kausap ko siya.

Mayroong mga guides si EJ na inilathala sa Wattpad, isa ito marahil sa mga gawa niya na nakakatulong talaga para sa mga baguhang writers. Isa na rito ay ang Weejay's Grammar Lessons. Isa ito sa mga gawa niya na hinding-hindi mawawala sa reading list ko, dito niya tinatalakay ang wastong paggamit ng mga salita tulad ng "ng" at "nang", "din" at "rin", at marami pang iba. Maliban sa mga guides na nailathala niya ay mayroon din siyang kwento na pinamagatang Libertum Belligerence. Kung tama ang pagkakaalala ko ay isa itong character application story, pang-military setting daw ang setting ng kwentong ito. Maliban sa Libertum Belligerence ay mayroon pa siyang ibang mga istorya sa Wattpad, kabilang na rito ang The Abominated (Luhan Fanfiction), Sticky Notes, at Tomorrow's Way.

Masasabi kong isa siya sa mga haligi ng WattMag_PH. Marami siyang nagawa sa first issue pa lamang at alam kong marami pa siyang pwedeng magawa para sa Mag sa susunod na mga issue nito.

WattMag: Spooky November IssueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon