Tinamaan ka ba?

207 22 20
                                    

Tinamaan ka ba? (Girls' common lines)

@seulementvous- and @YourWattyRebel

"Hindi ako mahuhulog sayo." Hindi isa sa pinakagasgas na linya ng mga babae pero isa sa mga linya na madalas hindi nangyayari. Hindi mahuhulog pero sa bandang dulo ikaw yung iiyak dahil gusto mo na sya pero wala syang pakialam sa nararamdaman mo.

"Ang korny mo." banat ng mga babaeng pa hard to get pagkatapos sila bigyan ng pick up line ng lalaki. Korny pero kinikilig ka. Wag ka ng magdeny.

"Hindi ako nagseselos." Gasgas. Hindi nagseselos pero namumula na sa galit. May makita ka nga lang na may iba syang kausap nag aalboroto ka na. Minsan magandang magsabi ng totoo para malaman nya.

"Wag mo akong kausapin." Wag kausapin, really? Tapos kapag hindi ka kinakausap lalo kang magagalit? Mga babae nga naman.

"GM." GM, di ba group message 'yun? E bakit sakanya mo lang sinend yang pag eemote mo? Okay lang 'yan. Hindi ka naman nag-iisa dyan sa pagpaparinig mo. Siguraduhin mo lang na hindi manhid 'yang sesendan mo para hindi ka naman lugi.

"Umalis ka na." Sasabihin mo 'yan tapos para kang ewan na iiyak iyak dahil iniwan ka nya. Aray ko bhe.

“Hindi ako galit.” Linya ng mga babae kapag kinukulit sila ng mga lalaki kung galit ba sila dahil sa iba’t ibang dahilan gaya ng nalate sa usapan, hindi nagreply, hindi nasagot ang tawag, lumabas kasama ang tropa.  At pag hinayaan na ng mga lalaki ang nangyari ay magagalit sila. Seryoso? Sinabi mong hindi ka galit tas pag nilet go at hindi ka nilambing magagalit ka. Asan ang hustisya?


“Wala na akong pake sakanya.” O akala ko ba wala ka ng pake? Bakit maya maya ay iiyak ka at sasabihin na sana bumalik na siya sayo. 

“Hindi ko na siya papatawarin.” Akala ko ba hindi mo na papatawarin? Bakit isang beses lang nagsorry sayo okay na agad kayo? Ano ‘to lokohan? Joke joke lang ung sinabi mo? Wag ganun.

“Naiintindihan ko.” Sasabihin mo sakanya na naiintindihan mo siya pero pagkatapos magrarant ka ng magrarant. Magagalit ka, iiyak ka at higit sa lahat pagkakalat mo sa buong tropa. Pero ang lagay naiintindihan mo talaga siya.

“Nakamove-on na ako.” Sasabihin mo sa barkadang tapos na kayo at nakaget over kana sakanya.  Eh bakit parang tanga kang nagbubulag bulagan? Bakit kahit tinataboy kana gumagapang kapa pabalik sakanya? Bakit handa ka pang maging second option niya? Akala ko ba nakamove-on kana?

“Hindi ko na siya papansinin. Swear!” Paswear swear kapa eh isang minuto lang ang nakalipas tinext mo na agad siya at halos mamatay kana ng hindi ka niya replyan.

“Madami akong ginagawa.” Kunwari madami kang ginagawa para kunwari hindi siya special at wala kang oras sakanya,  pero nakatitig ka lang sa cellphone mo para hintayin ang susunod na reply niya.

“Hello sino ‘to?” Sagot mo sa cellphone mo sa gabi pag tumawag siya kunwari hindi mong alam na siya para hindi obvious na excited kang kausapin siya. Ano yan hindi mo nakita sa screen mo ng sagutin mo? Iba ka din.

“Hindi ko siya gusto” Hindi gusto? Ung totoo eh bakit halos mamatay kana kakaselos ng makitang may kasama siyang ibang babae.

“Baba ko na.” Hilig mong sabihin yan pag magkatawagan kayo para pigilan ka niya at sabihin na, wag muna usap pa tayo. Pero madidisappoint ka pag sinabi niyang sige at nauna pa siyang magbaba ng tawag. Wag kang magalit ikaw ang nagsabi na bababa mo na. Wag ka kasing pachix dyan.

“Nahihiya ako eh.” Sinasabi mo yan pag kasama mo barkada mo pero pag magisa ka na lang halos wala ng maiwan sa hiya mo mapansin ka lang niya.

“Sorry napindot lang.” Sigurado ka? Baka naman kasi kanina mo pa tinititigan ‘yung pangalan nya sa contacts mo kaya hindi ka na nakapagpigil at pinindot mo nalang bigla.

“Wrong sent.” Kunwari ka pa. Sinend mo lang sakanya kasi nagpapapansin ka.

Start showing and saying what you truly feel rather than keeping it in yourself then after a minute you’ll freak out. Girls, if your man really loves you he will understand. He won’t make you feel unwanted. He will always make you feel loved. He will make you his queen, the queen of his heart.  

WattMag: Spooky November IssueWhere stories live. Discover now