Sidekicks: Hindi Bida pero Sikat

194 16 2
                                    

Title: Side kicks: Hindi bida pero sikat

Topic:  Sikat na Sidekick sa Wattpad

Written By: @MissHeartBreaker18

Sidekicks are mostly known as the protagonist’s companion, buddy, friend, confidant, a partner and someone who supports the main character of a story. But how will sidekicks shine on their own way if the spotlight was always on the protagonist?

Maraming sidekicks sa mga pelikula at libro na sikat, bakit nga ba sumisikat ang mga sidekicks?

Unang una sa lahat, sila yung characters na laging nakadikit sa bida, sila yung kadalasang kaeksena ng mga main characters. Maaaring bestfriend sila ng bida, basta malapit sila sa bida. Kaya naman hindi talaga maiiwasang madalas silang nasa eksena at mabilis silang matatandaan ng mga manonood o mambabasa.

Isa din sa dahilan kung bakit sila sumisikat ay dahil sa pambihirang karakter nila, may mga sidekicks kasi na interesting din ang karakter katulad ng  bida. Kilala niyo ba si Jared “RED” Dela Cruz? Ang sidekick sa story na Talk Back and Your Dead. Si Red ay bestfriend ng bidang lalaki doon na si TOP. I know na marami sainyo ang nakakakilala sa kanya. I have to be honest na nung nabasa ko ang TBYD mas nainlove ako sa character ni RED kasya kay TOP.  Eh si Kaizer Maxwell Lamperouge? May mga MHIAMB reader ba dito? Si Kaizer ay isang nakakainlove at nakakatuwang character na kahit puro pagpapapogi at kalokohan ang alam ay mahahalata mo pa ring may concern siya sa kaibigan. Sina RED at Kaizer para sa akin ay isang halimbawa ng isang mabuting kaibigan.

Hindi porket sidekick ka lang ay hindi ka na magiging kainte interes sa mga mambabasa, nakadepende din kasi ito sa author ng isang story kung paano niya bibigyan ng kulay ang role ng mga sidekicks sa story. Yun bang hindi lang sila puro sunod sa bida, laging nakatago sa anino ng mga bida. Dapat ay may sarili din silang shadow, kung saan marerecognize sila at maihihiwalay sa anino ng isang bida.

Ang mga sidekicks ay pwedeng magkaroon ng kwento, yung kwentong sarili nila kahit hindi sila ang bida. Isang kwento ng sidekick na nakakainspire yung SHARM’s side ni @pilosopotasya . Kilala niyo ba si Sharm? Ang babaeng hindi bida sa isang kwento kundi isang sidekick. Pero nagkaroon ng sariling kwento si Sharm at nagkaroon ng sariling lovelife.

WattMag: Spooky November IssueWhere stories live. Discover now