Time is Gold

161 18 2
                                    

Title: Time is gold

Topic: Time management ng mag-aaral at manunulat

Written by: risingservant

Sabi nila, "Time is gold!" Kaya dapat nating pahalagahan ang bawat oras, minuto o segundo nito.

Bilang isang mag-aaral, paano mo nga ba dapat ginugugol ang oras mo?

Pagkagising sa umaga, dapat magdasal muna tayo. Kung ang pasok natin ay 7am, dapat 6am ay gising na tayo upang hindi tayo ma-late. Then, morning rituals.

Pagdating sa school, aral dito, aral doon. Sulat dito, sulat doon, listen dito, listen doon. Kapag nasa school, aral muna! Focus po sa inyong topic sa school dahil sayang ang ipinambabayad ng ating magulang para sa ating tuition.

Pagkauwi sa bahay, tumulong tayo sa mga gawaing bahay at huwag tatamad-tamad.

Then kinagabihan, study ng kaunti para sa next lesson kinabukasan o kaya review kapag exam o quiz at gawa na rin ng homework.

Kapag sinabing mag-aaral, hindi lang aral ang dapat mong gawin. Gawin mo rin ang hobbies mo sa gayon, hindi ka nababagot.

Ako kasi, habang nag-aaral ng aking leksyon kailangan may music lagi para mas ma-enjoy ko ang pag-aaral ko.

Bilang isang mag-aaral at manunulat naman, kailangan balance ang oras mo. Ganito..

Kung ikaw ay isang manunulat dito sa wattpad, dapat ay magpost ka ng update kahit isang beses man lang sa isang linggo. Iyon ay kapag masyadong hectic ang schedule niyo.

Kapag medyo maluwag naman, kahit three times a week ok na. May mga time kasi na mahaba ang vacant natin kaya kung wala tayong ginagawa, sulat-sulat din. Pero kung hilig mo talaga ang pagsusulat at anytime, any where ay kaya mong gumawa ng update, aba! Kahit araw-araw ay kayang-kaya mo!

Kung ano ang sinimulan mo, dapat mong tapusin. Kaya sa mga stories na ginawa natin, tapusin po natin ito. Hindi po mahalaga kung gaano kadami and reads, votes at comments ng isang story, as long as nag-eenjoy kayo sa pagsusulat, sulat lang nang sulat. Bonus na lang po kapag maraming nagkagusto sa stories niyo.

Bilib po ako sa mga manunulat na kahit wala silang net sa bahay ay gumagawa sila ng paraan para lang maipost ang update nila. Hindi po biro ang ganun. Kadalasan, maghahanap ka pa ng free wifi, piso net o internet cafe mapaligaya lang mga readers niya.

Sa mga may trabaho naman po, bilib din ako sa inyo sapagkat kahit na pagod kayo ay nakakahanap pa rin kayo ng time para masatisfy niyo ang sarili niyo at ang readers niyo.

Hindi po biro ang pagiging manunulat. Kailangan mo talagang pag-isipan ang bawat flow ng story na gagawin mo. At isa pa, wala pong sweldo ang mga manunulat sa wattpad kaya para na silang sumahod kapag maraming tumatangkilik ng stories nila.

Bakit mo nga ba naisipang magsulat dito sa wattpad?

Ako po kasi, kapag walang ginagawa sa bahay ay tinatamad ako kaya nagsusulat na lang ako. Opo, hinangad ko ring sumikat at makapagpublished at gawing movie ang stories ko pero noon iyon. Halos lahat naman po ay ganiyan rin ang hinangad. Pero isang quote ang nabasa ko upang mawala ang aking inggit sa mga well-nowned writers...

"It's better to be faithful, than to be famous."

Ang masarap dito sa wattpad, nagkakaroon ka ng chance na makipagcommunicate sa iyong mga readers at sa mga co-writers mo. At makakatagpo ka rin dito ng mga kaibigan kahit na virtual lang.

As a writer and a student like me, huwag po nating hahayaang bumaba ang grades natin nang dahil sa wattpad. Kailangan balance! Habang nag-eenjoy ka sa pagsusulat sa wattpad, nag-eenjoy ka rin sa school dahil matataas na grado ang iyong nakukuha.

WattMag: Spooky November IssueTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang