Noon at Ngayon

191 19 7
                                    

Title: Noon at Ngayon

Topic: Gaano na ka-moderno si Maria Clara?

Written by: risingservant

Noon...

Maria Clara

Oh Maria Clara kay ganda mong dalaga

Halos lahat sayo'y nahahalina

Sa hubog ng iyong pigura

Mamahalin kang talaga

Totoo ngang konserbatibo kang dalaga

Pagdating sa pananamit mo'y rerespetuhin kang talaga

Pati na rin sa kilos mo

Sadyang kaaaliwan ng kahit sino

Sa pagbungisngis mong kay hinhin

Ito'y sadyang aming iibigin

Ngunit ngayon ay nasaan ka na?

Tila natalbugan ka na ni Mara Maldita

Halos lahat ng sayo'y naangkin niya na

Ngayon ay pinabayaan mo na, na siya ang magreyna

Tila namimiss ko na ang kinagigiliwan kong Maria Clara

Marahil sawa na ako sa pagpapantasya

Ang damit mong kay haba hanggang baba

Ngayo'y mistulang nagkulang pa sa tela ang haba

Ang konserbatibong ikaw

Naging Pilipinang hilaw

Naging wagas ka na rin kung makatawa

Tila ba walang mapaglagyan ang iyong tuwa sa tuwina

Sana'y maibalik ko pa ang tunay na ikaw

Para maging masaya na ulit tayo habang nakasakay sa kalabaw

-----

Ngayon...

Mara Maldita

Oh Mara Maldita napakaarte mong dalaga

Halos lahat sayo'y poot na poot na

Sa hubog ng iyong pigura

Kaiinisan kang talaga

Totoo ngang sosyal at maporma kang dalaga

Pagdating sa pananamit mo'y pag-uusapan kang talaga

Pati na rin sa kilos mo

Sadyang kamumuhian ng kahit sino

Sa pagbungisngis mong pagkalakas-lakas

Mapag-aalaman talaga naming ito'y wagas

Ngunit ngayon, nagrereyna-reynahan ka na

Tila natalbugan mo na si Maria Clara

Halos lahat ng sa kanya ay inangkin mo na

Ngayon ay inaapi-api mo pa siya

Tila sawang-sawa na akong makita ang katulad mong dalaga

Marahil ay nauumay na ako sa pagpapantasya

Ang damit mong spaghetti na ka'y ikli

Tinernohan pa ng short shorts na hindi man lang umabot sa dangkal o maski na daliri

Ang boyfriend ng iba

Inaagaw mo na

Tila Hindi ka na nakuntento

Kaya kung makaagaw ay todo-todo

Sana'y magbago ka na

Upang ang lahat ay makasundo mo sa tuwina

-----

Gaano na nga ba ka-moderno si Maria Clara?

Noon, ang mga babae ay nagsusuot ng mahabang damit. Talagang masasabi mong konserbatibo at karespe-respeto. Sapagkat noon, kapag nakita mo ang sakong ng isang babae, kailangan mo siya kaagad pakasalan.

Ngayon, magugulat ka na lang na kahit saan ka dumako, halos litaw na ang laman at kaluluwa ng isang babae. Kadalasan, dahil sa modernong pananamit, marami ang napapahamak. Ang nakakalungkot lang sa panahon ngayon, nakuha na ng lalaki ang sagradong bagay ng isang babae, hindi pa rin sila nagpapakasal o napapanagutan man lang.

Sadyang napakalaki na ng pinagbago ni Maria Clara sa panahon ngayon. Kung ating susumahin, 10% ang konserbatibo at 90% ang masyado ng moderno.

Sa mga kakabaihan, kung gusto niyong respetuhin kayo ng ibang tao, ayusin niyo ang sarili niyo. Marami ang napapahamak sa panahon ngayon lalo na sa usapang pananamit. Magsuot kayo ng desente at yung karespe-respeto para hindi kayo mabastos kapag dumaan sa mga kanto.

Mas mainam pang masabihan ng baduy at manang manamit kaysa naman ipagsigawan mo, at itambad sa buong mundo ang inyong katawan at pagpipiyestahan ng kahit sinong dumaan.

Our body is the temple of the Holy Spirit kaya pangalagaan natin ito.

WattMag: Spooky November IssueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon