A Thank-less Job

140 17 2
                                    

Title: A Thank-less Job

Topic: Caregivers

Written by: _StarsAndSkittles_

"I dont deserve to be treated like this. I care about my job, SIR. I care about you!!!"

Isang pamosong linya mula sa isang sikat na pelikula, “Caregiver”. Isang trabahong mahirap ngunit kinakaya ng karamihan, kumita lamang ng malaki.

Naranasan ko na rin maging tagapag-alaga hindi nga lang bilang “caregiver” na napanood ko sa isang pelikula kung hindi bilang isang “nurse”. Mahabang pang-unawa at pasensya ang kailangan. Bilang isang nars, hindi lang ang pasyente ang bibigyan mo ng attention, nandyan din ang mga doctor na kailangan sundin. Sabi nga sa pelikula “You have no idea how much I have to give up just to get this thank-less job”.

Is it really a thank-less job?

Mahirap ang maging isang caregiver. Ang tingin ng iba, alila ka nila. May masasakit na salita kang maririnig mula sa kamag-anak ng inaalagaan mo ngunit kailanman ay hindi ka nila makuhang pasalamatan sa pag-aalaga mo sa minamahal nila.

Masarap makarinig ng isang pasasalamat sa mga taong inalagan o minsang natulungan mo. Kahit sa simpleng araw lang na may nagawa ang isang tao sa iyo ay dapat tayong magpasalamat.

Being a caregiver is a really hard job. Kung minsan ay hindi ka na nakakain o maka-ihi man lang, magampanan mo lang ang tungkulin bilang tagapag-alaga. Uunahin mo ang kapakanan ng  ibang tao kaysa sa sarili mong kapakanan.

“Someetimes when you least expecting it,  someone will come onto your life to make it feel less lonely, less alone. For me, it is you. You care for person and give what they lose in life. Thank you.”

WattMag: Spooky November IssueWhere stories live. Discover now