True to Life Scary Experience

307 26 5
                                    

Topic: True to Life Scary Experience

By: JustThirdy

Nasubukan nyo na bang maligaw sa Gubat? Makaranas ng hindi makapaniwalang pangyayari at Makadiskubri ng ibang bagay tukol sa iyong sarili?

Marahil hindi nyo nakikita tong katatakotan. Pero ako? Sa sarili ko. Ou. Natatakot parin ako. Hindi ko alam kong bakit. Pero, sadyang natatakot lang ako sa karanasan ko hanggang ngayon.

Ang gubat na yun...

Ang mga kaibigan ko...

 At ang Sarili ko...

Ito ang Kwento ko... ang tunay kong kwento...

***

Pitong taon pa ako nun nung nangyari ang karanasan kong yun sa Isla ng Camotes. Nakatira kami sa isang baryo na hindi masyadong marami ang mamamayan. Ang alam ko umuulan nun biyernes at nilalagnat ako.

Nakadungaw lang ako sa bintana nun sa kwarto ko habang pinagmamasdan ang ulan na umaagos sa bintana ng aking kwarto. Umaasang titila para makapaglaro ako sa mga kaibigan ko.

Habang nagnanunuod ako sa ulan ay bigla kong naisip ang pusa ko. Isang kulay orange na pusa. Alam kong ayaw ng mommy ko na mag alaga ako ng pusa pero dahil sa makulit ako ay nagkaroon ako ng labing tatlong pusa sa bahay.

Pero paborito ko talaga ang pusa kong si Giggy. Kasi sya lang ang ampon ko. Nakita ko sya dati nung papauwi ako galing sa school. Muning pa sya nun at marumi, hindi pa nga dumidilat mga mata nya nun. Naawa ako kaya kinuha ko at inuwi ko sa bahay. Malaki na si Giggy ngayon. Malago ang balahibo at mataba. Palagi nya akong tinatabihan tuwing gabi sa kama at kalaro ko na rin sa bahay.

Pero, ang pinagtataka ko ngayon ay hindi ko man lang sya nakita. Siguro hindi pinapasok ni mommy dahil may sakit ako. Kaso, nababagot talaga ako nun kaya hinanap ko sya sa buong bahay. Pero wala talaga. Wala sa kwarto. Wala sa sala. Wala sa kusina. Wala kahit saan. Tinanong ko mommy ko kaso hindi nya rin daw nakita kanina pa.

Sumuko ako sa paghahanap kaya para hindi ako mababagot ay lumipat nalang ako sa sala para manuod ng TV.

Malakas parin ang ulan nun halos diko marinig ang pinapanuod ko. Nang mabaling ang atensyon ko sa bintana ay nakita ko ang mga kaibigan kong mga bata na naglalaro sa ulan. Ang saya nila tignan. Gusto ko mang sumali kaso may lagnat ako at kahit naman wala akong lagnat di rin naman ako papayagan. Stikto kasi mga magulang ko. Kaya bihira lang ako lumalabas ng bahay nun.

Hapon na nung tumila ang ulan. Alas saes na nun at pinapakain na nila ako ng hapon para makainom na ako ng gamot at makapagpahinga narin. Nang naiwan na ako sa kwarto at nakaidlip sandali ay nagising ako sa ngiyaw ng pusa ko. Si Giggy!

Agad akong bumangon at ginala ang aking paningin sa paligid. Pero wala. Naisipan kong humiga nalang ulit kasi akala ko guniguni ko lang yun. Ilang minuto pa ay narinig ko ulit ang ngiyaw nya. Ang pagaakala ko baka sa ibang pusa yun. Pero nung narinig ko ulit alam kong si Giggy yun. Kaya bumangon ako at sinundan ang boses. Bumaba ako sa kama at lumabas sa kwarto ko. Nagtataka ako kong bakit walang tao. Kasi kapag ganung oras nanunuod lang naman ng TV ang mga tao sa bahay. Baka nagpahinga narin at na tulog dahil sa malamig na panahon.

Lumabas ako sa likod ng bahay namin. Medyo madilim narin ang paligid. Pero nakikita ko pa ang bundok at gubat malapit sa bahay namin.

Nakita ko sa likod ng aming bahay ang mga kaibigan ko kaso diko na matandaan pangalan nila. Basta alam ko tatlo sila at malapit lang ang tirahan nila sa bahay namin. Hindi ko alam kasi minsan ko lang naman sila nakikita kasi hindi ako pinapalabas ng bahay.

WattMag: Spooky November IssueWhere stories live. Discover now