Horoscope: Habulin Mo Ko Edition

218 20 16
                                    

Horoscope: Habulin Mo Ko Edition

By: EGStryker

Aries (March 21-April 19) - Supportive ang mga kaibigan mo sa'yo. Lagi silang nasa tabi mo, handa kang damayan sa kahit ano pa 'yang pinagdadaanan mo. Ingat ka na lang, baka hindi na sila humiwalay sa'yo. Baka mamaya maging obsessed sila sa'yo na kahit kailan ay hindi na hihiwalay.

Taurus (April 20-May 20) - Wala ka namang tinatagong sikreto, pero hinahayaan mong pribado ang bagay sa iyong buhay. Lingid sa iyong kaalaman ay may stalker ka. Andyan lang siya sa tabi-tabi, naghihintay ng tamang tiyempo para umatake.

Gemini (May 21-June 21) - Maging maingat sa mga binibitiwang mga salita. Hindi mo alam eh nakakasakit ka na. Maaari mo kasing masira ang pagtitiwala ng isang taong malapit sa'yo, eh hindi mo alam may sa mambabarang 'yang mga 'yan. Waahh! Wala akong sinabi dito. Baka mamaya may lumabas na lang na ipis sa bunganga ko.

Cancer (June 22-July 22) - May tiyansa kang makapunta sa ibang lugar. Nakanaks naman oh! Out of town siya, oh kaya out of country. Sosyal! Out of country pero sabit lang sa eroplano, o kaya standing. Tuwang-tuwa naman siya. Kaso ingat, baka sa ibang dimensyon ka mapunta. Awhoo!~

Leo (July 23-August 22) - Piliing mapagkumbaba. Hayaan mo na lang 'yang mga taong nang-aaway sa'yo. May kilala akong mambabarang. Ipabarang na lang natin 'yan. Friends na kasi kami nung mambabarang na sinabi ko doon kay Gemini.

Virgo (August 23-September 22) - Medyo malapitin ka ngayon sa gulo. Lalo na sa kwarto mo. Para nang dinaanan ng bagyo. Nagkalat na ang damit, hala ka! Kapag iyan eh nakita ng kras mo, turn off 'yon pre! Linisin mo na 'yan. Huwag ka na lang magtaka kung isang araw ay madatnan mo ang kwarto mong magulo ulit at parang may exorcist na naganap.

Libra (September 23-October 23) - Maging maingat sa paglalakbay. Doble ingat din sa kalusugan. May aso kasing umaalulong sa may kanto ng tinitirhan niyo tuwing hating gabi at hindi iyon magandang senyales. Mayroon ding pusa diyan sa lugar niyo na sa tuwing gabi ay walang ginawa kung hindi ang mag-MERRRNNNNYYAWWWWRRR!!

Scorpio (October 24-November 21) - Magagamit mo ngayon ang hilig mo sa makabuluhang gawain, tulad ng pagnenegosyo. Iyang hilig mo sa pananahi ay magagamit ko. Tahiin mo nga 'yang bibig ng kapitbahay namin. Noong isang gabi pa 'yan dumadaing sa videoke. Nakakarindi na. Susuwelduhan kita. One hundred per mouth.

Sagittarius (November 22-December 21) - No comment na lang. Ayaw ko nang masabihan ng bias. Eh hindi naman talaga ako bias. Pero seryoso, ang mga kapatid nating Sagittarius ang labis na bibiyayaan at poproteksyunan mula sa mga masasamang nilalang. "Swiper no swiping, swiper no swiping" ang kataga natin for the month. Ah, I mean "niyo" for the month. Hindi nga pala ako Sagittarius. Hinding-hindi. Muntik na naman akong madulas. Bakit ba ang dulas dito? Hindi na naman ba naglinis si Maria? Eh si Leonora? Si Teresa nasaan? HABULIN MO KO!

Capricorn (December 22-January 19) - Wag masyadong mag-alala sa mga bagay-bagay. Chill chill ka lang. Sa halip, ituon mo na lang ang atensyon mo sa makabuluhang bagay. Tara, sama ka sa amin ni Scorpio. Mananahi tayo. Mananahi tayo ng bibig ng mga tsismosa't tsismoso sa kanto.

Aquarius (January 20-February 18) - Isang raket ang hindi mo aasahang darating ngayong buwan. Lalagpak kasi sa bakanteng lote malapit sa inyo ang raket na pinalipad noon. Hindi ako nagjoke. Shhh!!

Pisces (February 19-March 20) - Ihanda ang sarili sa pagsalag sa mga hamon ng buhay. Huwag mawalan ng pag-asa. Pagkatapos ng unos ay magliliwanag ang iyong buhay. Darating kasi ako para sagipin ka. *winks*

WattMag: Spooky November IssueNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ