Missing: Gentlemen

187 19 8
                                    

Title: Missing: Gentlemen

Topic: Paano naubos ang mga Gentleman?

By: TilapiangWriter

Define, gentleman?

Madalas kapag tinatanong ang isang babae kung ano ang kanilang tipo sa isang lalaki, hindi nawawala 'yung sagot na, "Syempre gusto ko 'yung gentleman!".

All girls wanted to be treated gently. Gustong-gusto nila 'yung ipinagbubuhat sila ng gamit, pinagbubuksan sila ng pinto, hindi sila hinahayaang mapagod, hindi hinahayaang nahihirapan. At siguro isa malaking achivement kapag nakahanap nga sila ng kanilang "gentleman". Iyong tipong pakiramdam nila ang haba-haba na ng kanilang buhok.

But now that I've realized, I can't help not to wonder. Why are we so fond of "gentlemen" anyway? Saan ba nag-umpisa 'yun? Sino o ano ang nagtulak sa atin para gustuhin sila?

Well, I really can't tell who the first gentleman is or even the exact origin of it. But I do think it started here in the Philippines a long time ago. Maaring kasabay ng pag-usbong ni Maria Clara, ay ang pag-usbong ng mga kalalakihan'g maginoo.

Noon, ang mga maginoo ay pakalat-kalat lang sa daan. Kahit saang probinsya, bario, maging sa syudad. Lagi silang handang tumulong sa mga kababaihan na nabibigatan sa dalang gamit, minsan kahit hindi namn talaga mabigat o hindi naman talaga nahihirapan ang dalaga, may kusa pa rin silang tumulong. Hindi ba nakakamangha? Buti pa ng mga panahon na iyon, may mga ganoong tipo ng lalaki. Eh ngayon kaya?

Sa pagdaan ng panahon at pagbabago ng generasyon ay tila malaki ang naging epekto sa mga kalalakihan. Kung dati nagkalat lamang sila, ngayon halos wala ka ng makita. At marahil tanggap na rin ng marami ang kanilang pagkawala. Ngunit paano nga ba naubos ang mga gentleman? Ano nga bang nangyari?

When I was in six grade I remember my adviser said to us, one reason why gentlemen are nearly extinct because of us, women. Oo. Dahil rin daw sa ating mga babae kaya sila unti-unting nawawala. Masyado na daw kasi tayong pumapantay sa mga kalalakihan. Hindi nga ba kung ano ang kaya ng lalaki, kaya rin ng mga babae! Naisip daw ng mga kalalakihan na, "Kaya naman pala ninyo 'yung mga ginagawa namin, bakit pa kami nagpapaka-gentleman?" They got sick of us women trying to match their abilities that's why they decided to quit being gentle.

I was 11 or 12 that time and back at then I really do not care! Sabi ko, "So what kung wala ng gentleman?"  but now, I take that back. Sobrang hirap pala na wala na sila! And I do wish that they'll comeback.

Another thing why gentleman became nearly extinct is because of our lack of appreciation to them. Men love being praised for what they've done. It's music to their ears! 'Yung ibang babae kasi, ni "thank you" man lang kapag nagparaya 'yung lalaki sa kanila ng upuan sa jeep hindi pa masabi! 'Yung iba nga iniirapan pa! Meron din'g mga babaeng over sa pagka-assuming, pinaupo lang sasabihin pang, "Wag na. Mamaya ligawan mo pa ko eh!"

See? Men don't like that. Sila na nga 'yung nagkukusa, sila pa 'yung natatarayan saka nababara. Kaya siguro nawalan na sila ng gana. Kahit rin naman siguro ako lalaki, tapos gan'un lang 'yung mapapala ko? Ay h'wag na lang.

And sometimes, men lose their trust on women too. I know a guy, a friend. At siguro siya na 'yung pinaka ungentle na lalaki'ng nakilala ko! He really doesn’t care kahit lumaylay na 'yung balikat ko dahil sa bigat ng shoulder bag ko knowing na madalas kaming nagkakasabay sa hagdan paakyat ng room. Well hindi rin naman kasi ako nagpapabuhat. Basta there was a time na parang nagkaroon kami ng open forum and there he shared the reason why he discreted himself from being a gentleman. Sabi niya kasi gentleman naman daw talaga siya dati lalo na sa ex girflfriend niya. He did everything para iturin'g itong prinsesa and such pero sa dulo, niloko lang daw siya n'ung girl. He got so heartbroken. Kaya narealize niya na, "Anong silbi ng pagiging gentleman kung gagaguhin ka rin lang naman?"

Well maybe he do have a point. Actually I think lahat naman ng posibleng dahilan kung bakit sila nauubos ay dahil rin sa mga babae. Now I can say na tama nga 'yung sinabi ng adviser ko n'ung grade six.

Pero kahit gan'un pa man, nakakamiss talaga ang mga gentleman hindi ba? Tingin niyo babalik pa kaya sila? Hindi ko naman sinasabi'ng they're a hundred percent extinct, very nearly nga lang.

And I hope na 'yung iilang mga maginoo na 'yun ay matutunan nating pahalagahan. Madalas kasi 'yun lang naman 'yung kailangan nila. So let's thank and appriciate them. Iparamdam natin sa kanila na kailangan natin sila.  Dapat din naman kasi natin'g tanggapin na hindi natin kaya lahat ng ginagawa nila. Maaaring may mga pagkakataon talagang napapantayan natin sila at nagagawa natin 'yung mga bagay na gagawa nila pero sana hindi ito maging dahilan para maramdaman nilang tinutulak natin sila palayo. Malay natin di ba? Balang araw, dumami na ulit sila.

WattMag: Spooky November IssueDär berättelser lever. Upptäck nu