41

11 0 2
                                    

"Hyung, wag dito. Nakainom ka."

Ilang minuto matapos tumugtog ang Highlight, narinig ko ang boses ni Ravn hyung sa bandang likuran lang namin. Hindi pa gaanong numinipis ang dami ng tao, pero dito sa kinatatayuan namin ay mangilan-ngilan na lamang dahil malapit kami sa backstage.

"Hyung, uwi na tayo. Marami ka ng nainom." -Si Keonhee'ng patuloy sa paghaplos sa likuran ni Ravn hyung. Mahigpit nya rin itong hawak sa manggas ng suot na jacket para hindi makawala.

"Nasaan ang kotse mo? Si Keonhee na ang magmamaneho." -Tanong ko sa kanya kahit na alam kong hindi sya sasagot dahil hindi sya papayag.

Una ay walang lisensya si Keonhee, pangalawa ay hindi nya pinahahawakan ang manibela sa kahit na sino maliban sa sarili nyang mga kamay. Kaya sinabi ko lamang iyon para mailigaw ang utak nya.

Dahil may galas nanaman sya.

"Hindi ako lasing. Iisang lata ng beer ang ininom ko. Wag nyo akong alalahanin." -Si Hyung at pinagapang ang mga daliri sa kanyang buhok.

Tsaka muling binato ng tingin ang kaharap na babae.

"Woong, iuwi nyo na muna si Ravn. Kanina pa sya umiinom bago magsimula ang fireworks."

Si Chijoo iyon.

Na ngayon ko lamang narinig na binanggit ang pangalan ko. Kasi kahit na nagkakasama kami noon, hindi kami nagkakausap.

"Hindi mo ako pwedeng talikuran hangga't hindi mo ihinaharap sa akin yung ipinagmamalaki mo, Chijoo."

"..."

"..."

"..."

"Sinabi ko na sayo, hindi kita pinakakawalan hangga't wala akong nakikitang dahilan."

"Hyung..."

"Hyung, umuwi na muna tayo, bukas na kayo mag-usap ni Chijoo, sige na, Hyung." -Tiningnan ko sya sa mga mata para maramdaman nyang hindi lamang sila ni Chijoo ang tao sa paligid, dahil nagsisimula na ring magtinginan ang mga tao sa pagtataas nya ng boses.

"Alam ko ang sinasabi ko. Hindi ako mag-eeskandalo kaya pabayaan nyo muna ako, ha?" -Matapos ilibot ang mga mata sa paligid ay mahina nyang tinapik-tapik ang aking pisngi.

"Anong nangyari?"

"Youngjo?" -Nabaling naman ang atensyon namin nang dumating na sina Yonghoon hyung. Gayundin si Ravn hyung na hindi sumagot sa bagong dating.

Mabuti na lamang at narito na sya, kahit papano ay may mas malaki kay Ravn hyung kapag nag-galas nanaman ito. Malaki naman si Keonhee pero takot sya kay hyung. At kung ako naman, pang-figurine lang yung size ko.

"Ravn-ah, tara na muna, palamig muna tayo. Sina Woong na ang bahala kay Chijoo."

"Wag nyo akong intindihin, sige na, iyon na lang munang banda mo ang asikasuhin mo, Hoon."

"Oo, nauna na sila sa pub, kaya nga sumama ka na sa amin at hinihintay na rin nila tayo."

Hindi na nagtanong pa si Yonghoon hyung kung ano ba ang nangyayari. Kilala nya naman ang mga kaibigan nya kapag marami nang naiinom na alak, lalo na si Ravn hyung na talagang noon pa man, sa ulo inilalagay ang alcohol at hindi sa tiyan.

Alam rin ni Yonghoon hyung na si Chijoo lamang naman parati ang dahilan kapag nagkakaganito ang kaibigan.

"Hindi nyo---hik---hindi nyo kasi ako naiintindihan e---hik."

"Tinapakan ang---hik---pagkalalake ko sa tuwing---hik---tinatalikuran ako."

"..."

"Lalo ka na---hik---Chijoo."

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now