05

25 3 0
                                    

"Ang ganda..."

Naupo ako sa sahig katabi nya habang hinuhubad ang aking sapatos. Kahit na nakatalikod sya sa akin ay humalik parin ako sa kanyang pisngi. Pagkatapos ay ibinalik ang aking paningin sa bagay na pinagkakaabalahan nya.

"Hmp!---Bakit mo ako hinalikan? Hindi pa ako naliligo, nakakahiya." -Hindi ko mapigilang ngumiti kapag ganito sya makitungo sa akin.

Para syang teenager na nasa dating stage palang.

"Talaga? Edi sabay tayong maligo." -Biro ko sa kanya at lalong lumawak ang kanyang ngiti.

Sa lahat ng tao, ang ngiti nya ang pinakang inosente sa lahat. Asawa ko sya at sya lang ang may kayang mag-tanggal ng lahat ng pagod ko.

"Para sa workhouse nanaman ba iyan?" -Tanong ko habang yakap sya mula sa likuran.

"..."

"Anim na ang natapos ko at may buyer na rin yung iba..." -Punong puno ng saya ang kanyang boses.

Nanatili syang naka-indian sit at nasa ginagawa ang atensyon.

Bagay na bagay talaga ang pangalan nya sa kanya. Henna. Dahil nahilig daw noon sa body paints ang kanyang ina habang ipinagbubuntis sya, kaya iyon ang ipinangalan sa kanya.

Namana rin nya sa ina ang galing nito sa pagpipinta. Kahit nga walang pormal na pag-aaral sa sining na iyon, likas sa kamay at imahinasyon ni Henna ang ginagawa nya.

Pero hindi katulad ng ibang artists...walang kulay ang kanyang mga piyesa.

Dahil lahat ng iyon ay kulay itim at gawa sa itim na henna.

Kung paano iyon nagiging maganda at buhay sa paningin kahit na walang kulay, wala akong ideya, pero ang asawa ko lang ang nakakaalam noon.

"Gusto mo bang samahan kita sa Busan para maghatid ng donasyon?" -Ako.

Dalawang taon na rin syang nagbibigay ng maliit na tulong sa ampunan na iyon. Ibinebenta ang mga piyesa nya at syang inaabot sa mga madre o di kaya'y ibinibili ng gamit ng mga bata.

Hindi ko alam kung bakit naisipan nya iyong gawin.

Ayokong itanong pero malamang ay dahil sa kondisyon nya. Kahit ayokong mawalan sya ng pag-asang magkaka-anak kami... alam kong iyon ang dahilan kung bakit sya tumutulong sa orphanage.

Isa sa mga opsyong iminarka nya sa kanyang utak, ay ang mauwi kami sa pag-aadopt. Alam ko ring higit na napakasakit ng katotohanang iyon para sa kanya.

Natatakot akong pag-aampon ang pinakang huling bagay na pagpipilian nya. Natatakot akong mabawasan ang kompyansa nya bilang asawa dahil lang hindi nya kayang magkaroon ng sanggol.

"Wag na, baka i-deposit ko nalang ito kina Sister. Birthday mo bukas, hindi ba?"

"Gusto mo bang imbitahin sina Ravn? Magluluto ako."

Inilapag nya ang tissue'ng ipinang-alis ng tinta sa kanyang braso at hinarap ako sa wakas.

"Wag ka ng magluto, kumain nalang tayo sa labas."

"..."

"Pero palagi ka nalang tumatangging makipag-kita sa kanila. Palaging trabaho ang inuuna mo, kaya ayos lang na magsaya ka naman kasama ang mga kaibigan mo."

Ingat na ingat syang hindi mamantsahan ng tinta ang aking polo habang inaalis ang butones nito. Tumayo na rin sya sa pagkakaupo at iniligpit ang aking sapatos sa rack. Inilagay ang aking hinubad sa laundry at itinabi ang aking bag.

Kung noon ay prinsesa sya ng kanyang mga magulang, nang ikasal kami ay natutunan nya ang mga bagay ng sya lamang. Lalo na nang mamatay ang kanyang ina at mangapa sya sa mga gawaing bahay.

Hindi ko napansin ang sarili ko kung paano ko sya sinimulang mahalin. Ang alam ko lamang, pati ang pangalan nya ay naging espesyal na sa akin.

"O sige. Basta paborito mong lahat ang lutuin mo ha, para makakain ka ng maayos at tumaba ka. Ang payat na ng asawa ko o." -Ako kasabay ang mahinang pagpisil sa kanyang pisngi.

Pagkatapos umiling sa sinabi ko ay saglit syang yumakap muli sa akin. At itinabi ang kanyang mga henna at brushes.

"Magpahinga ka muna. Maghahain na ako ng hapunan."

Nang sunduin ko sya noong isang gabi, sinabi nyang maayos ang check up at ipinatutuloy lamang ni doktora ang injections ng kanyang gonadotropins. At nang pauwi na ay kinuha ang bayad ng mga nagpapa-personalized ng piyesa sa kanya. Na kaya sya nasa Starlight ay dahil malapit roon ang bahay ng isa nyang buyer.

Kahit na ilang beses akong bumawi sa kanya, hindi mababago noon ang katotohanang nagsinungaling ako sa kanya ng araw ding yon. Hindi si Seoho. Kundi ang dati kong girlfriend ang kasama ko.

Sinabi nyang may sakit ang kanyang anak---aming anak at kinailangang kuhaan ng dugo para magawan ng blood test. Pero natatakot sya dahil unang beses nitong magkasakit.

Noong una ay nagtalo pa ang aking isip, pero nang makita ko ang bata...inaamin kong nakaramdam ako ng sabik kahit unang beses ko pa lamang syang makikita.

Dahil ako ang ama nya.

Pero nawalang lahat iyon nang mabasa ko ang message ng aking asawa ng oras na iyon. Hindi dahil nakaramdam ako ng guilt, kung hindi dahil narealized kong mas matimbang na ngayon ang pagmamahal ni Henna kumpara sa kahit anong bagay... Sa kahit sinong tao.

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang