25

13 0 0
                                    

"Anong problema, hyung?"

Hindi kaagad nakasagot si Yonghoon hyung kay Dongmyeong kahit hanggang nang maibalik nya ang phone sa bulsa.

"Sinong tumawag?" -Si Dongmyeong parin iyon at nanatili lamang ang tinanong na nakatatanda sa malalim na pagtitig nito sa isang kambal.

"Ang mama mo."

Ang mama ng kambal ang kausap nya kanina lamang? Sa itsura ni hyung ay mukhang emergency iyon. Pero kung gayun nga, bakit hindi ito kay Myeong tumawag at ipinadaan pa kay Yonghoon hyung?

Hindi pa man naitutuloy ni hyung ang sinasabi nang makalapit sa amin ang nakababatang kapatid nya. Si Saga ang babaeng iyon, at ngayon ko lamang sya nakitang hindi nagpapa-cute sa akin.

Galing sya sa bar counter at nilagpasan lamang nya ako palapit sa kuya nya na parang walang Cya na nakita. Himala.

"Kuya..." -Nasa boses pa nya ang paghingal mula sa pagtakbo.

"..."

"...Si Dongju."

Nang makalapit sa kanyang kuya ay kaagad syang niyakap nito sa isang braso. Hinaplos ang nangungulay kahel na buhok na noong isang araw lamang ay kulay pula.

At saka inalo ng nakakatandang kapatid.

Napaka-OA talaga nitong si hyung sa kapatid nya---teka...ano bang nangyayari sa mga ito?

"..."

"Hyung, ano bang problema? Saga?" -Si Dongmyeong.

Kahit na yakap sya ng kuya nya ay naririnig ko ang hikbi nya. Mas lalo tuloy akong kinakabahan dahil ganito ang pag-iyak ng babaeng ito.

"Myeong-ah."

"Nasa ospital raw ang kakambal mo..."

"..."

"...pinapupunta ka roon nina tita."

Hindi sinasadya ni Myeong nang mapalakas ang pindot sa isang key ng hawak na keyboard. Dahilan para magfeedback iyon sa kalapit na mikropono at magbigay sa mga nanunuod ng masakit sa tengang tunog. Tsaka nya mabilis na hinubad ito sa pagkakasukbit sa kanyang katawan.

"Anong nangyari? Saang ospital, hyung?!"

"Myeong pasama rin---"

"Kuya---s-sasama ako, ihatid mo na kami ni Myeong!"

"Wag mo na kaming ihatid, hyung, hinihintay na kayo sa stage---"

"---Kuya, ihatid mo na kami! Mas impor---!"

"---Tumigil nga kayong dalawa! Naririndi ako sa inyo e!"

"..."

Sa gulo lamang nilang tatlo, nahihiya na akong makiusyoso pa at makitanong kung anong nangyayari. Maski naman sino dito kina Kanghyun at Harin hyung e wala ring nagtatanong.

Kaya't heto at nanghuhula ako sa kung anong pwedeng dahilan at maoospital ang siraulong Xion na iyon at kung buhay pa ba sya.

"Para kayong mga gago. Buhay pa, humihinga pa wag kayong mataranta."

Hindi naman pala malala e.

Hahaha.

May lahi rin talagang demonyito ang bunganga nitong si Yonghoon hyung. Kakambal ni Xion ang kaharap nya pero wala syang preno sa mga sinasabi. Sabagay, paraan lamang nya iyon para kumalma itong dalawang magkaibigang praning.

"Ikaw, Myeong. Heto ang susi ng kotse ko, gamitin mo. Wag kang bara-bara magmaneho ha, kaka-papintura ko lamang non."

"Nasa Yonsei hospital sila. Sige na, sige na umalis ka na, hinihintay ka na nina Tito."

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now