Special Chapter 2

9 0 2
                                    

Lee Seoho's

"E kailan mo ba..."

"..."

"...Balak na mag-retiro?"

Hindi ko sya pinakialaman sa ginagawa nya. Kahapon pa nya sinasabi ang tungkol sa bagay na iyon at heto ngayon, pati ang propesyon ko ay nadadamay.

"Bakit mo ba hinihintay ang pagreretiro ko?"

Matawa-tawa ako nang itanong iyon sa kanya. Kaagad naman nya akong sinimangutan na parang teenager.

"Wala pa nga akong singkwenta anyos ay iyon na ang iniisip mo."

Kamuntik nang matapon sa aking katawan ang iniinom na kape nang magulat ako sa pagdadabog nya. Mabuti na lamang ay hindi nabasag ang katabi nyang vase nang ihagis ang wrapper, tape at gunting.

"Sol Chijoo."

Tawag ko sa pangalan nya. Maging sya ay nagulat sa ginawa at kaagad na pinulot ang mga naibato. May topak talaga sya madalas. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses syang nagtampo sa akin. Na sa huli ay lalambot rin naman kinabukasan.

"Kung hindi ka makakarating, hindi na lamang rin ako pupunta."

"Sasabihin ko na lamang sa anak mo."

Pagkasabi noon ay gaya ng dati, tinalikuran na nya ako. Dumiretso sa kwarto dala ang mga ginamit nya kanina dahil malamang, doon sya magmumukmok.

Hay.

Ang asawa ko talaga.

Tumatandang paurong.

Naaalala ko pa nang mag-buntis sya sa panganay at nag-iisang anak namin. Isang taon pa lamang kaming may relasyon noon. At hindi parin kami naikakasal.

Ikaw ba naman ang tumira sa apartment ng boyfriend mo, tingnan natin kung hindi ka mabuntis. Dahil doon ay huminto sya sa pag-aaral at hindi na nagpatuloy pa. Pati ang part time job nya, hindi ko na sya pinayagan pa.

Naging maayos naman ang pag-bubuntis nya dahil maayos na rin ang pagtuturo ko noon. Licensed professor na ako. At dalawang taon na rin nang matapos ko ang aking doctoral.

Maayos rin ang pagsasama namin. Nga lang ay hindi ko sya napakasalan kaagad noon at inabot pa iyon ng halos dalawang taon.

Wala namang problema kahit na ganoon.

Maliban sa mukhang namana ng aming anak kung paano kami nagsimula ng kanyang mama.

Nakakatawa na wala pa akong singkwenta anyos...may apo na ako.

Ang lokong batang iyon, nakabuntis ng high school student.

"Chijoo..."

"...Buksan mo ang pinto, papasok ako."

Ilang segundo lang matapos kong kumatok, pinagbuksan na nya ako kaagad. Hindi tumitingin sa aking mga mata at naupong muli sa kama para ituloy ang ginagawa.

"Tingnan mo ito."

"..."

"Yan ang dahilan kaya't hindi tayo makakarating para sa birthday ng apo mo."

Ako at naupo rin sa tabi nya at binuksan ang aking leather bag. Kinuha roon ang isang maliit na envelope, gayunrin ang laman nitong papel para iabot sa kanya.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now