54

7 0 0
                                    

"Eto. Keep the change."

Kung hindi seryoso ang mukha ni Ravn Hyung, malamang ay matatawa ako dahil ang hambog ng tono nya. Bibihira ko syang makitang mag-bayad nang iniinom rito pero heto at akala mo ay napakalaki ng naibigay nya. Alam ko namang gusto lamang nyang talikuran ang bagong dating na tinabihan pa sya sa harap ng bar counter.

"Ano, Hwanwoong? Sasama ka ba o hindi?"

Pati ako ay pinagtaasan nya ng boses. Bakit ba pati ako ay naiipit sa awayan nilang mag-bestfriend? Imbis si Seoho hyung ang kasa-kasama nya sa mga gantong layasan, ako tuloy ang ginagawa nyang side kick.

"Bakit isasama mo sa pagwa-walk out si Woong, wala naman iyang hinanakit." -Kung ako kay Seoho hyung ay hindi na ako iimik pa.

Naka-inom na si Ravn hyung, baka kung ano nanaman ang mangyari. Malilintikan nanaman kami.

"Ako ba ang kinakausap mo?" -Naku---ito na nga ba ang sinasabi ko.

"E sino pa ba? Ikaw lang naman palagi ang tumatalikod kapag dumadating ako, hindi ba?"

Hindi naman dating ganito magsalita si Seoho hyung, siguro dahil kabisado na nyang mas mabilis mapikon ang kaibigan nya kumpara sa kanya na hindi naiinis.

"Tumatalikod ako dahil hindi kasing kapal ng mukha mo ang mukha ko." -Ravn hyung.

"Ganun ba?"

"Hindi ba pwedeng tinuturuan lang ako ng nanay kong maging proud kapag ako ang pinili?"

"Palibhasa tinalikuran ka na. Kaya sanay ka na ring talikuran ako."

Magkakasunod na banat ng pang-aasar ni Seoho hyung. Dahilan para magtikom ng mga palad si Ravn hyung at halos magsalpukan ang mga kilay sa kausap.

"Lee Seoho talagang---!!!" -Naudlot na sabi ni Ravn hyung nang sumabat si Yonghoon hyung.

"---Teka nga muna, kayong dalawa!"

Makailang beses ring pinagsalit-salit ni Yonghoon hyung ang tingin sa dalawang lalake. Tsaka nag-panggap na galit nang ibagsak ang dalawang doubles sa harap ng mga ito. Mabuti at sya ang nasa counter ngayon nang mag-tagpo ang dalawang ito.

"Mag-uusap kayo ng maayos o sisingilin kong lahat ng ininom nyo at kinain mula nang itayo ang bar na ito?"

"Isasama ko na rin ang mga basong nabasag mo, Lee Seoho at mga napunit mong uniporme ng magagandang waitress namin dahil sa ka-manyakan mo, Kim Youngjo."

"..."

"O baka naman gusto nyong ipakita ko kay Chijoo ang litrato nyong parehong hubad at mag-kayakap?"

"Ilang linggo na kayong ganyan. Para kayong mga babaeng may regla."

"Nababanasan na ako sa mga parinigan nyong dalawa."

"Walang uuwi. Pag-usapan nyo yan dito at ngayon mismo sa harap ko."

Hindi magaling mag-galit galitan si Yonghoon hyung pero pwede na dahil iginagalang naman sya ng dalawang ito. Dapat lang dahil sya ang pinaka-matanda sa aming magkakaibigan. Kahit na kung minsan ay sya rin ang pinakang-isip bata.

"Ikaw, Lee Seoho. Magsalita ka. Hindi ka pa nagpapaliwanag sa amin kung anong totoong nangyari."

Nakita ko namang mas kumalma si Ravn hyung at kahit padabog ay naupo syang muli katabi ng kaibigan. Sumimsim ng kaunti sa inihain na doubles ni Yonghoon hyung.

"Wala na kayong relasyon ni Chijoo bago mo pa makitang halikan ko sya."

"Kaya wala akong dapat ipaliwanag."

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now