59

5 0 0
                                    

"Bakit narito ka?"

Kagaya ng unang bungad ko nang makarating sa Starlight, ganitong-ganito rin ang unang sinabi ni Hwanwoong ngayon.

"Yonghoon hyung, anong nangyari?" -Tanong sa akin ni Woong na nginitian ko lamang. Malamang nagtataka sya kung bakit ganito ang pakikitungo ko sa isang taong narito.

Kalahating oras na syang late. Nakapag-paliwanag na lamang ang may sala ay kadarating lamang nya. Kung hindi pa sya dumating ay sya lamang ang wala sa inumang ito. Maliban sa kambal na kagabi lamang lumipad pa-Macau.

"Ang kapal rin naman ng mukha mong umupo dyan na parang walang nangyari."

"Ano ka? Anak ng Dyos?"

Kung hindi ko pa alam ang pagiging lambutin nitong si Hwanwoong ay baka kabahan ako sa pagtatantrums nya.

"Woong. Calm down. Maupo ka na rito."

"..."

"Nakausap na namin si Gunhak." -Si Ravn nang akbayan ang katabing lalake. Pero wala paring pagbabago ang matalim na ekspresyon ng nakababata.

"Alam mo ba kung ano ang mga nangyari habang wala ka?"

"..."

"Si Henna... Alam mo ba kung anong mga pinagdaanan nya?"

"Ng mag-isa?"

"---Woong, please. Alam kong malaki ang pagkakamali at pagkukulang ko sa kaibigan mo."

"Kaya nandito ako para ayusing lahat ng nagawa ko. Mahal ko si Henna, alam mo yan."

"Wow."

"Just wow, Hyung. Naririnig mo ba ang sarili mo?"

"Umalis ka ng walang paalam, hindi ka nagparamdam, tinalikuran mo ang responsibilidad mo sa mundo. Tapos babalik ka kung kailan mo gusto dahil alam mong mahal ka ni Henna at palagi kang may babalikan."

"Woong, tama na iyan. Pakinggan mo muna si Leedo."

"Hindi, Hyung. Wag mo muna akong pakialaman nagsasalita pa ako." -Wala ring nagawa si Ravn nang maging sya ay patahimikin ni Hwanwoong.

"Wag kang mag-alala, Hyung..."

"... Sa akin wala kang atraso. Pero Hyung... Sa asawa mo... O kahit sa biyenan mo nalang, Hyung. Hindi ka manlang ba nahiya sa pagkalalake mo nang magtago ka?"

"..."

"Hyung."

"Ano man ang dahilan mo. Hindi ko pakikialaman."

"..."

"Pero sana ayusin mo ang buhay ni Henna. Sana makita ulit namin syang masaya."

Akala ko ay kung ano pang sermon ang sasabihin ni Woong. Pero mabuti at kumalma na sya tsaka mahinang tapikin si Leedo sa likuran. Hindi ko sya masisisi. Isa sya sa mga taong nakakita kung gaano naging mahirap kay Henna ang lahat. Mula noon, hanggang ngayon, sya ang nag-iisang taong hindi nagbabago ang pakikitungo sa kaibigan nya. Malaki ang ambag ni Woong sa pagkatao ni Henna.

"O halika na kayong dalawa. O ikaw, Leedo. Marami kang utang sa amin, ha? Ihanda mo yang atay mo."

Sabi ni Ravn na hinigit ang ball chair sa tabi nya para kay Woong. Kung hindi lamang magkaibigan ang dalawang ito, baka isipin kong may relasyon sila. Bagay kasi sila. Hahaha.

"Sus, ikaw lang naman parati ang mahina at sumusuka sa inuman, e." -Buska ni Seoho sa nakatatanda.

Mukhang maalwan na ulit ang samahan ng dalwang ito ah. Bumalik na sa dating bangayan. Iyon bang healthy'ng bangayan na gawain nila noon pa.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now