Epilogue

7 0 0
                                    

"Ilang taon na rin ang nakalilipas, hija."

"..."

"Pero ikaw lamang ang napag-kwentuhan ko ng mga ito."

Patuloy sya sa mabagal na pagsasagwan. Ang balat nyang halos mangitim na sa pamumula dahil sa pinaghalong sikat ng araw at maalat na tubig dagat. Gayunpaman, hindi nito maitatago ang maganda nyang mukha. At asal. Mula noon, hindi nag-bago ang pakikitungo sa akin ng dalagang ito.

Palagi syang sakay ng aking bangka.

Isang beses isang linggo?

O dalawa sa isang buwan.

Pabalik-balik sa kabilang isla para makisaya sa ibang turista. Kung minsan ay mag-isa, pero madalas ay may kasama. Ano mang araw, magaan palagi ang takbo ng pakikisama nya sa akin. Komportableng makipag-usap kahit na... isa lamang akong bangkero.

"Sino na lamang po ang..."

"...kasa-kasama ninyo sa buhay, manong?"

Sa pagtatanong nya'y nakikita kong mayroon parin syang interes sa kanina ko pa ikinu-kuwento. Matagal na kaming nakakapag-usap usap. Pero walang minsang naroon ang usapan sa mga buhay namin. Kaya't kanina nang itanong nya ang kaunting tungkol sa akin... ay napa-kuwento na lamang ako.

Bakit raw ako mag-isa at nasaan ang aking asawa.

"Ang aking nakababatang kapatid ay maayos ang trabaho sa Anyang."

"Gayundin ang mga..."

"...kaibigan ko sa sentro."

"..."

"Wala man akong kasama ngayon...mayroon parin akong mga itinuturing na pamilya."

"Kaya't... hindi ako mag-isa, hija."

"Pinili ko ang ganitong tahimik na buhay."

Hindi nya alintana ang sikat ng araw, sa lahat ng turistang naisakay ko...iba ang batang ito. Pinipili nya ang aking luma at mahinang bangka kahit na mayroon namang de-motor na higit na mas mabilis at ligtas.

Isa pa, ang ngiti nya ay parang sa liwanag ng kasisikat pa lamang na araw sa silangan.

Maliban ngayon.

Sa dami ng beses na sumakay sya sa bangkang ito, ngayon lamang sya nag-ligaw ng usapan para hindi ko mahalatang mayroon syang problema. Isa pa ay puro tungkol sa aking nakaraan ang itinatanong nya.

Hindi ko huhulaan pero sa palagay ko ay may kinalaman ang dinadala nyang iyon sa kanyang pag-ibig.

"..."

"Kung gayon ay hindi nyo na binalikan pa ang una nyong girlfriend at ang inyong anak?"

Si Solar ang tinutukoy nya.

Bago sagutin ang dalaga'y tiningnan ko kung kaunti na lamang ang sasagwanin ko.

Natatanaw ko na ang pampang ng isla, pero may kinse minutos pa bago marating iyon ng aking bangka.

Kapag nagkaka-edad kasi ay medyo lumalabo na ang mata. At aaminin kong medyo bumagal na rin ang aking pag-kilos.

"Hindi na."

"..."

"Nang makausap ko sya ulit noon,nalaman kong namatay ang bago nyang sanggol nang isilang nya ito. Ang batang... ako rin sana ang ama."

Sinabi lamang sa akin iyon ni Solar isang taon bago ako lumipat dito sa Busan. Iyon na ang naging huli naming pag-uusap. Iyon na rin ang huli naming pagkikita.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon