50

7 0 0
                                    

"Henna. Nariyan na ang...funeral service."

Putlang-putla sya. Kabaligtaran ng mapupula nyang mga mata ang halos walang kulay nyang labi. Hindi nya pinansin ang sinabi ni Yonghoon hyung. Sa likuran nya ay naka-alalay ang mama ni hyung. At sa kabilang gilid nya nama'y tumabi ako.

Wala si Leedo hyung.

Isasakay na sa karo ang papa ni Henna para dalhin sa paghihimlayan nito. Hindi dumating si hyung. Kami ang narito para kay Henna. Kami ang makakakita kung paano nya kakayaning lahat ito.

Unti-unting lumapit sa ataul ni tito ang mga kaibigan nya. Gayundin ang papa ni Yonghoon hyung at nina Dongju. Sila ang magbubuhat ng kahong kinalalagyan ni tito.

Kasabay ng pag-sara nito ay ang paghigpit ni Henna sa pagkakapayakap sa larawan ng papa nya.

"Hwanwoong..."

"..."

"...iiwan na talaga ako ni papa."

Dinudurog ang puso ko. Hindi ko matanggap na nangyayari sa kaibigan ko ang lahat ng ito. Sa lahat ng istoryang napag-kuwentuhan namin noon, ang lahat ng malungkot ay tungkol kay Leedo hyung. At ang lahat ng masasaya ay tungkol sa papa nya.

Kung gaano ito ka-old fashion. Kung paano ito pumindot sa screen ng android phone. Kung paano ito pumila sa free tastes. Kung paano ito makipag-payabangan sa papa ni Yonghoon hyung. Kung anu-anong mga pasalubong nito sa kanya sa tuwing dadalaw sa kanilang mag-asawa. Mga herbal at mga ugat ng kung anu-anong halaman. At higit sa lahat ay mga suhestyon nitong puro baduy na pangalan para sa mga magiging apo nya.

"Wala na akong kasama..."

"...mag-isa na lamang ako, Woong."

Wala akong masabi para mapagaan ang loob nya. Hindi lamang ang pagkawala ng papa nya ang dahilan ng lahat ng pasakit nya. Kung narito lamang si Leedo hyung, hindi ganito kabigat ang lahat para kay Henna. Hindi ganito kahirap. Alam kong alam nyang may mali sa kawalang presensya ng taong dapat ay narito. Pero ni hindi nagtatanong si Henna. Sinasarili nya ang lahat ng sakit at kitang-kita ko iyon sa mga mata nya. Ramdam na ramdam ko iyon sa mabagal na pag-agos ng luha mula sa halos hindi kumukurap na mga mata nya.

Maging sa loob ng sasakyan ay hindi ko sya nakakausap. Diretso lamang sa kalsada ang tingin at nakatanaw sa karong kinalalagyan ng kanyang papa. Ilang minuto mula sa pinanggalingan namin kung saan ibinurol si tito, nakarating kami sa pribadong himlayan.

Tumigil na ang sinusundang karo. Pero nanatili parin kami sa loob ng sinasakyan namin. Ang papa ni Yonghoon ang nagmamaneho at katabi nya ang panganay na anak. Sa likuran nama'y ang mama ni Yonghoon hyung, ako at si Henna. Sa pinakang likuran ay mag-isa si Saga hawak ang asong pug nilang si Bbusyeo.

Kung minsan ay hindi ko maintindihan ang babaeng ito, dahil pati aso ay sinuotan nya ng armband sa mismong katawan nito. Regalo kasi sa kanya ito ng papa ni Henna noong mag-18 sya. Kapareho ng regalo din ng matanda kay Yonghoon hyung nang mag-21 ito. Nga lang ay namatay ang pug ni hyung.

"Ibababa na ang papa mo."

"..."

"Tara na?" -ang papa ni Yonghoon hyung na kinakausap lang si Henna sa salamin.

Nagsimula nanamang tumugtog mula sa karo ang kantang kanina ko pa iniiwasang marinig. Na ini-iiwas ko ring marinig ni Henna. Kaya't kanina bago pa ito tumugtog ay niyaya ko na syang umakyat sa kotse. Alam kong mas lalo syang malulungkot kapag narinig nya iyon. Iyon ang eksaktong kantang madalas kong marinig sa talyer nila sa tuwing papasok ako sa eskwelahan.

Sa tuwing gigising ako noon, tatambay ako sa balkonahe ng bahay namin kung saan kita rin ang harapan ng bahay nila Henna. Ang mga kantang ito ang palaging kasama ng malamig na hangin sa umaga.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now