49

8 0 0
                                    

"Anong problema, Mahal?"

Sinadya kong iyon ang itawag sa kanya. Kahit na hindi nya ako pinakikitaan ng anumang interes at pagmamahal. Gusto kong maramdaman nya ang totoong laman ng puso at isip nya sa ilang taong nakalipas. Bago nya ako kinalimutan. Bago sya naikasal.

"Tulog na ba ang bata?" -Tanong nya at hindi inialis ang pagtanaw sa labas ng bintana. Iniangat nya sa barandilya ang tasang iniinuman at sumimsim dito.

"Katutulog lang."

"..."

"Kinausap ko pa si Chansik kaya natagalan akong bumaba."

Paliwanag ko sa kanya kahit na alam kong hindi sya mababahala, banggitin ko man ang pangalan ng boyfriend ko. Noon pa man, hindi seloso si Leedo. Ganoon rin naman ako.

Ganoon rin ako. Noon.

Dahil ngayon, wala akong ibang nararamdaman kundi iritasyon at selos sa tuwing babanggitin nya ang pangalang Henna. Inaamin ko iyon sa sarili kong lahat. Kahit na halos pantay kami ngayon ng karapatan para kay Leedo...nakakaramdam ako ng malaking insekyuridad.

"Is he aware you're having sex with me? Again?" -Walang preno nyang tanong sa akin. Kagaya ng nakasanayan kong pagiging prangka nya noon pa man.

"Iyon ang pinag-usapan namin kanina lang." -Paliwanag ko sa kanya.

Iyon ang totoo. Nang unang kinailangan naming magsiping ni Leedo, alam na lahat iyon ni Chansik. At ngayon ay pinaalam ko rin dito. Hindi dahil gusto kong tapat ang relasyon namin. Pareho kaming may law professions, we are hoped to lie. Sinasabi ko iyong lahat sa kanya dahil umaasa akong iiwan nya ako.

I don't love him the way I love the man that's infront of me.

Kahit na hindi galing sa mataas na pangalang pamilya si Leedo. Noo'y sinabi nya sa aking maayos naman ang ikinabubuhay nila kahit sa negosyong pangingisda lamang. At kabaligtaran iyon ng pamilyang pinagmulan ng isang Gong Chansik na may ilang firms na at kilala sa propesyon nila. Hindi ang mga iyon ang dahilan kung bakit naghiwalay kami.

Kundi si Henna.

I am not blaming her the last time I remember, but Leedo. Maliban ngayon. Hindi ba't sya naman talaga?

"Maganda ang lugar na ito."

"..."

"You could raise her well here."

Hindi parin nya ako nililingon. Pero mas kalmado na sya mula nang huli naming pag-uusap kahapon. Kagabi, ilang minuto ang lumipas na magkatabi kami, hindi kami nag-usap manlang. Maliban nang sabihin nyang hubarin ko ang aking suot at matapos iyon ay bihisan ko ang sarili ko.

"This was my grandparents' house."

Ni minsan ay hindi ako na-intrigang tirhan ang bahay na ito. Masyadong malayo sa tao at lahat ng pangangailangan. Halos nasa bingit ng bangin kung wala lamang maliit na palaruan sa bandang unahan. Kahit na maganda at tanaw ang malawak na karagatan at halos abot-kamay ang mga ulap sa kapal ng hamog, hindi ako ang klase ng taong pipiliin ang lugar na ito.

"I could hide and live here forever with you and Rumi, Leedo."

Hindi ako ang klase ng taong pipiliin ang lugar na ito.  Maliban kung kasama ang mga taong pinakang-malapit sa akin.

Sa huli ay hindi manlang sya nag-abalang sulyapan ako.

"Solar."

"..."

"Hm?"

Sa katabi nya habang nakatingin sa malaking bintana ay tumabi rin ako at hinawi ang manipis na kurtinang bahagya pang nakatabing rito.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now