51

8 0 0
                                    

"Dahan-dahan, anak. Nakaka-dalawa ka na."

Mahinang saway ni Solar sa bata. Bakas sa mukha nya ang ngiti at aliwalas na matagal kong hindi nakita. Kahapon, mula sa isang linggo't mahigit na pananatili sa Busan ay bumalik na kami ng Seoul. Tinanong nya ako kung saan namin maaaring ipasyal si Rumi.

At itong mural village na ito ang napili ko.

Hindi ko binanggit sa kanya pero ang dahilan ay dahil paborito ito ni Henna. Ang Ihwa Village na madalas naming puntahan dahil likas syang mahilig sa pinta.

"Leedo, ilang itlog na lamang ang natitira?"

Natatawang tanong nya sa akin matapos iabot sa akin ang basag na shell ng hilaw na itlog. Kasasaway nya lamang sa bata ay saktong nabasag na nito ang pangatlong itlog.

"Isa na lamang ang narito." -Sagot ko sa kanya at ipinasilip ang laman ng maliit na basket.

Alam kong kanina pa kami tinitingnan ng mga tao. Hindi dahil may hawak na itlog ang anak ko kundi dahil hinahayaan namin itong maglaro ng mga ito.

Kahit na hindi iyon paglalaro.

Kasama iyon sa pag-unlad ng sakit ni Rumi. Na-dedelay ang pagdevelop ng buto nya at nahihirapan syang makalakad, gayung sa edad nya ay dapat maliksi na sya.

Nakakalakad sya.

Pero napakabilis nyang madapa at mawalan ng balanse.

Dahilan kaya pinahahawakan namin sya ng hilaw na itlog sa tuwing maglalaro sya sa labas. Sa gayon, mag-iingat syang hindi mabasag ang mga iyon at madumihan ang magagandang baro nya. Maiiwasan rin nyang madapa ng napakadalas at magkasugat.

"Hayaan mo, kapag nabasag itong huli, kakargahin ko nalang sya."

"O kaya ay kumain na muna tayo."

Suhestyon ko habang nasa likuran kami ni Rumi sa paglalakad nito. Kung tutuosin ay malaking improvement ito sa bata, sa nakalipas na mga araw na nasusubaybayan ko sya, pabawas ng pabawas ang mga nababasag nyang itlog.

"Chan look... Ang cute, no?"

"Gusto mo?" -Sagot ng lalake.

"Siraulo."

"O. Sabi mo cute diba?"

"I want three children from you, Ana."

"..."

"Unless you'll want more."

Nawala ang atensyon ko sa bata kundi sa mag-boyfriend na halos katabi lang namin ng tinigilang space. Alam kong si Rumi ang pinag-uusapan nila lalo na nang ituro ng babae ang bata.

Pero hindi ang pinag-uusapan nila ang kumuha sa atensyon ko kundi ang mismong babaeng unang nag-salita.

Kamukha kasi sya ni Henna ko sa ilang anggulo. Kamukha rin sya ng mama nito.

Kahit na anong concentrate ko habang kasama si Solar at ang anak namin, hindi nawawala ang imahe ng aking asawa sa utak ko. Kahit na gustong-gusto ko na syang makita manlang, kailangan kong tapusin ang ipinangako ko sa babaeng kasama ko ngayon.

"Leedo, tingnan mo."

"Mukhang gusto na talagang magpa-karga sa papa nya ang batang ito."

"Ang lansa mo na, anak."

Nilingon ko naman si Rumi matapos akong tawagin ni Solar. Ang hitsura ng bata habang diring-diri sa itlog na sa paanan nya mismo nabasag.

"Halika, may wash room malapit dito."

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now