32

7 0 0
                                    

"M-magkano po...ang kailangan kong ihanda...doktora?"

Naitanong ko na ito noon sa kanya. Kahit ilang beses kong itanong...hindi bababa ang halos daang libo na isasagot nya sa tanong ko.

Mayroon kaming naitabi ni Leedo sa bangko pero wala pa sa kalahati iyon dahil iilang buwan pa lamang kaming nagsisimulang mag-ipon. Saan ko kukuhain ang halos kalahati pa ng halaga ng presyo?

"Kapag handa ka na, Mrs. Kim... I-i-ischedule ko kaagad ang operasyon mo."

"Gaya ng sabi ko...pinakamagandang ngayong linggo mismo natin mai-perform."

"..."

"..."

"Pero gaya rin ng sinabi ko sayo noon..."

"...trenta porsyente lamang ang inaasahan nating fertility."

"...kahit na gaano ka kalusog, kahit sabihin mong napakabata mo pa, kahit na isinuggest ko na sa iyo lahat ng treatment including IVF-ET. After  your laparoscopic surgery... katawan mo parin ang mag-aadjust kung para sa inyo ni Gunhak ang magkaroon ng anak, Henna."

"I am not discouraging you, Henna. You know how dedicated I am to help you, dahil sa lahat ng pasyente ko...ikaw ang pinakang...pinagtutuunan ko."

"Kaya no matter what... sana huwag mong sukuan ang kondisyon mo. I know... and I believe God will give you the most wonderful family you deserve."

Likas na masungit si Doktora Hwasa kapag naaabutan ko syang ibang pasyente ang kausap. Palaging nakasimangot. Pero kapag ako ang nasa harapan nya, hindi ko alam kung bakit pero lumalambot ang pakikitungo nya. Marahil ay dahil sa hindi nalalayo ang edad namin? Sa tantya ko'y matanda lamang sya ng isa o dalwang taon kay ate Solar. O di kaya nama'y ako nga siguro ang paborito nyang pasyente. O baka...sa lahat ng pasyente nya, ako ang walang pag-asa.

"..."

"Pa...ako na lamang po ang bahala kay Gunhak."

Pangalwang tsaa na ni papa ang tasang nasa kamay nya. Nakikita ko sa disposisyon ng kanyang pagkakaupo ang discomfort sa mga naririnig sa akin.

Sinabi ko na'ng lahat sa kanya, pati ang pinag-usapan namin ni doktora kanina. Sinabi kong napakababa ng kakayanan kong magdala ng sanggol sa sinapupunan. Halos dalawang taon ko na itong itinatago sa kanya at ngayon lamang ako nagkalakas mg loob na sabihin.

Dahil bukod sa amin ng asawa ko...si papa ang unang taong nag-aabang kung kailan lalaki ang tyan ko.

At ngayon.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now