36

18 0 0
                                    

"Alas nuwebe na. Bakit ngayon mo pa naisipang umuwi?"

Hindi na ako nag-abala pang sagutin sya. Wala naman akong ginawang ingay nang bumaba pero heto at nagising rin sya mula sa kabilang kwarto. Hindi ko rin alam kung naka-idlip ako dahil sa na-consume na alcohol dahil mabigat parin ang ulo ko. Pero dahil nagising ako, ibig sabihi'y totoong nakatulog nanaman ako sa ibang bahay.

"Naiwan mo yata sa nursery ang sapatos mo. Sandali at kukunin ko."

"Ako na ang kukuha. Matulog ka na ulit."

Nakita ko ang pag-higpit nya sa buhol ng suot na night gown at pagbago ng ekspresyon. Ilang gabi na rin ba akong nagpapalipas ng oras kasama silang mag-ina? At sa tuwing magigising ako sa pag-idlip at makikita ko syang ganoon ang suot, hindi ko maiwasang isipin kung may nangyari sa amin.

"..."

"Bahala ka, kapag nagising ang bata, baka hindi ka na talaga makauwi."

Mahimbing na ang tulog ng bata bago ako bumaba para maghanda sa pag-uwi. Totoong sa maikling buwang nakilala ako nito, madalas ay humahabol na sya sa akin.

Hindi magandang bagay dahil sa akin sya ganoon at hindi sa boyfriend ngayon ng kanyang mommy.

Siguro dahil hindi pa nya ito nakikilala.

Kanina lamang, sinabi nya sa aking may lalakeng nanuyo sa kanya nang saglit syang tumuloy sa ibang bansa dalawang buwan matapos syang manganak. Iyon daw ang nag-iisang koreano sa klase nila at syang nakasama nya hanggang matapos ang ilang buwang review at assessment ng kanilang Law course.

Kahit sinabi nya ritong mayroon syang anak.

Tinanggap sya nito.

"Leedo."

Sa kinauupuan ko ay tinitingnan ko syang ngayon ay naupo sa harapan ko para ilapag ang kinuhang sapatos. Nanatili roon at saka hinanap ang aking palad.

"What are you gonna do?"

"I mean..."

"..."

"..."

"...What will happen to your marriage?"

Anong mangyayari sa kasal ko? Kung ang itinatanong nya ay ang buhay kasama ang babaeng makakasama ko habangbuhay, alam kong magiging maayos iyon. Pero ang pangarap kong buhay kasama ang babaeng iyon...hindi ko alam.

"Bakit ba iniisip mo pa iyon?"

"Ang isipin mo ay ang kalusugan ng anak mo. Problema ko ito. Doesn't include you."

"Kung hindi kami bibigyan ng anak ng asawa ko... it's still marriage."

Nasabi ko, magkakasunod kasabay ang pag-kalas ng kanyang palad sa aking kamay. Tumayo na ako at humarap sa salamin para ayusin ang aking sarili.

"But you want a child, Leedo."

"..."

"Magiging kasiyahan at ipagpapasalamat mo kung mayroon, hindi ba? And she cannot grant you that happiness."

Nakailang sabi na ba sya kung bakit hindi pa ako humiling ng anak kay Henna? Gayung alam nyang ang pagiging ama ang pinanagutan ko sa asawa ko nang unang magbuntis ito noong high school. Hindi ko sya sinasagot kapag ganoon ang tanong nya.

"Ano bang gusto mong sabihin, Solar?"

"May anak tayo at wala kami ni Henna kaya hindi ako masaya sa marriage namin?"

Hindi sya sumagot at hindi rin nag-iwas ng tingin sa akin. Kilala ko sya. Anumang sabihin ko, hindi sya mauubusan ng isasagot dahil sanay syang mangatwiran.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now