47

7 0 0
                                    

"Bakit ba tulala ka nanaman dyan?"

Kagaya ng palagi nyang ginagawa sa tuwing lumalapit sa akin, inabutan nya nanaman ako ng cartoned drink. Mula kanina ay wala syang ginawa kundi sundan ako habang pauli-uli sa buong lugar. Sa pag-aasikaso ng guest book, sa pagkuha ng maiinom at makakain ng mga bisita at lalo na sa pakikipag-usap sa mga hindi ko naman kakilalang mga tao.

"Lalabas na kasi ng ospital si Ate Henna."

"Inabot pa sya ng halos apat na araw sa pagpapagaling."

"..."

"Siguradong..."

"...Dito sa papa nya ang diretso nya, diba?"

Sa totoo lamang ay sinabi ng professor kong mahigpit ang attendance ngayong linggo. Next week kasi ay university meet na kaya't hinahabol ngayon ang mga subject courses at summatives na dapat ay pang next month pa. Pero hindi ko kayang pumasok ngayon dahil maiiwan ang utak ko sa bahay...at sa problema ng pamilya namin.

Wala na si ninong.

At ito na ang huling araw na makakasama namin sya.

Noong nakaraang araw lamang ay hinatiran ko pa sya sa bahay nila ng ginawang pudding ni mama. Pagkatapos ay sinabi nya sa akin na kainin ko raw ang lahat ng ginagawang pagkain nito para sa akin. Kahit na nakakasuka ay huwag raw akong magreklamo.

Magbestfriend ang mama ko at ang mama ni Ate Henna. Sinabi ni Ninong na makailang beses raw na bumagsak si mama sa cooking school. Makailang beses at hindi na ito nagtapos ng kolehiyo hanggang ikasal na lamang sila ni papa.

Bigla tuloy akong nalungkot at nakonsensya, dahil hanggang ngayon ay hindi parin magaling magluto ang mama.

Pagkauwi ko nang araw ring iyon pagkagaling kay Ninong...tinikman kong lahat ang laman ng mga tupperwares at canisters sa refrigerator.

Hindi parin talaga masarap magluto ang mama ko.

Pero susubukan kong hindi na mag-reklamo.

"Hoy, Jin Saga. Ano bang iniisip mo?"

"..."

"Kanina pa ako salita ng salita dito, hindi ka naman pala nakikinig."

Nag-snap pa nga daliri si Dongju sa mukha ko. Tsaka pinisil ang aking pisngi para iharap ako sa kanya.

"Ang sabi ko, napili na ang mga sasama sa Busan para sa university meet."

"Ipinost na si Sir. Huhgak sa social media."

"Wala ang pangalan natin."

"..."

"Pero mabuti na rin iyon para..."

"...Makapag-aral tayo pagkatapos mailibing ni Tito, ano sa palagay mo?"

"Aishh---Hindi ako mapalagay dahil sa presensya mo, Dongju."

"Di ka ba napapagod kasusunod sakin?"

Napakamot ulo nalang si loko nang marealize ang kabaliwan nya. Pati tuloy si Myeong kanina ay nagtanong sa akin kung nag-away kami ni Dongju dahil sa ginagawa ng kakambal nya.

"Aba'y nakakapagod na nga e."

"Kita mo ha, naiinis ako kapag nasa bahay at inuutusan ni papa na ikuha sya ng tsaa."

"Tapos ngayon... lahat ng kumpare ni tito, ng papa mo at ni papa... ikinukuha ko ng tsaa."

"At di lang yon, ha. Nag-request pa ng lemon!"

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now