37

19 0 0
                                    

"Opo, Sister. Maraming salamat po."

Pagkatapos yumuko bilang pasasalamat sa kaharap na madre ay naramdaman ko ang haplos nya sa ulunan ko. Sa mga oras na ito, dapat nagpapahinga ako para sa operasyon ko mamayang gabi. Pero hindi rin naman mapapahinga ang utak ko kapag nasa bahay lamang ako at naghihintay na maubos ang oras.

Isa pa, kapag naroon ako ay baka mag-isip lamang ako sa pagtatalo namin kagabi ng asawa ko.

Pagkaalis ni Leedo papasok sa trabaho ay nag-train kaagad ako pa-Busan. Kagabi ko pa pinag-isipan ito, at baka matagal pa ulit bago ako makabalik sa orphanage.

"Pero...huwag po kayong mag-alala, ang mga benta ng piyesa ko ay para parin po sa mga bata."

"...hindi ko po ititigil ang suporta sa ampunan, Sister."

"Napamahal na rin po sa akin ang mga bata."

Kahit na hindi naman malaki ang naitutulong ko sa ampunan, maayos ako kung tanggapin nina Sister at ng mga bata. Kung bakit ako nagdesisyong magkaroon ng koneksyon sa gawaing ito...ay dahil rin naman sa kondisyon ko.

Alam ng asawa ko na mayroong isang batang palaging kumukuha ng atensyon ko dito. Ang batang sinabi ni Sister ay espesyal sa lahat. Na sana ay ang nag-iisang pag-asa ko kung sakaling hindi parin ako pagbigyan ng medikasyong ginagawa ko.

"Alam mo, Henna, anak..."

"...palagi kong ipinagdadasal na...sana ay biyayaan na kayo ng supling ng mahal na Panginoon."

"..."

"At sa desisyon mong ito ngayon..."

"...malakas ang pakiramdam kong...pinakikinggan ka na Nya."

"...alam kong pagkakalooban na Nya kayong mag-asawa."

Mainit ang kanyang mga palad na syang sumakop ng sa akin rin. Sinabi ko sa kanyang...hindi ko na gusto ang kumupkop pa ng bata mula rito. Sinabi ko sa kanyang gusto kong bumuo ng pamilyang isa mismo ako sa pundasyon. At gusto kong ang pamilyang iyon ay may ambag ng sarili kong dugo at laman. Gusto ko ng sariling anak.

At naniniwala akong ibibigay sa akin iyon.

"..."

"Huwag kang mag-alala, sigurado naman akong marami pang darating na pagkakataong magkaroon ng kikilalaning pamilya itong si Luna...Salamat sa iyo ha? Napakabait nyong mag-asawa."

Pagkasabi ay syang tingin nya sa batang karga. At kahit na hindi pa naman nila nakikilala ang asawa ko,  palagi itong kasama sa pinasasalamatan nila. Palagi rin kasing nagpapadala ng sulat si Leedo para sa mga bata, na sya namang binabasa ko sa mga ito.

"..."

"Pero Henna...pwede ba akong humingi ng pabor sa iyo, anak?"

Mabilis lamang akong tumango kay Sister. Ang madre naman ay nangiti sa akin. Hindi pa sya gaanong maedad pero isa sa sya mga madreng unang nadestino at tumagal dito sa ampunan.

"Pwede bang..."

"..."

"...dalhin ni Luna ang pangalan mo hanggang sa lumaki sya at makahanap ng mga magulang?"

Hindi ito malaking pabor. Isa pa ay nasanay na rin naman akong iyon ang itinatawag sa kanya. Noon ay pinangarap kong madala rin nya ang apelyido ng asawa ko kung sakaling malegalized ang adoption namin sa kanya. Pero ngayong hiniling ni Sister, hindi ko ito ipagdadamot pa.

Yang Luna.

"T-talaga ho? W-walang problema, Sister. Hindi po ito isang pabor... kundi isang appreciation para sa akin. Salamat po."

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now