48

6 0 0
                                    

Bumugad sa akin ang pamilyar na amoy. Kasabay noon ay nang tuluyan nang mahagip sa sulok ng aking mata ang unang bagay na matatanaw sa pagbukas pa lamang ng pinto. Dalawang taon na rin nang huli kong mapasok ang lugar na ito.

Dito mismo sa kwartong ito. Doon mismo sa bandang unahan. Doon mismo ipinuwesto ang ataul ni mama. At ngayon...ay ang kay papa.

"Hyung..."

"Hyung...parang awa mo na, wag dito."

"..."

"..."

"Tama na, hyung."

"..."

"Para kay Henna, please, tama na."

Ang ingay. Ng mga kalantugan ng tasa. Ng mga yabag ng mga mabibigat na sapatos panlalaki. Mga boses na alam kong pamilyar pero pagod na pagod akong pakinggan. Pati mga mata ko'y napapagod at halos ihele ng panlalabo sa nakakasawang kulay itim.

Tatlong oras.

Mayroon na lamang akong ganoong panahon para makasama ang papa. Noon ay napakahaba ng ilang minutong pag-hihintay. Nakakainip. Ngayon ay napaka-ikli ng oras na ito. Napaka-ikli at kahit dagdagan ng isang araw pa ay napaka-ikli parin. Maingay pero naririnig ko ang bawat galaw ng segundo sa orasan. Totoong naririnig ko iyon ngayon.

"Yonghoon, hijo, mag-bihis ka na, ilang oras na lang narito ang funeral service. Henna, anak, maupo ka na muna rito, hija, please."

Hindi ko sinunod ang ginang, gayundin ang anak nyang nagpatuloy lang sa pakikiramdam sa akin. Kahit na wala akong maramdaman. Kundi pamimigat ng dibdib at malalamig na palad at talampakan. Gayundin ang mga paa at braso kong pakiramdam ko ay isinemento sa ngalay at pamamanhid nito ngayon.

Ano mang minuto ngayon...alam kong babagsak ako.

"Ninang, pwede ko na ba syang..."

"...lapitan?"

"..."

"..."

"..."

"Gusto ko nang makita ang papa."

Nilingon lamang ako ng mama ni Hoon. Saka nagbigay ng kaunting init sa aking palad nang idaop nya ang sa kanya.

"Henna. Mamaya na lamang bago sya..."

"...ilibing."

"..."

"Hindi pa magaling ang sugat mo, mapupwersa ka lamang kapag umiyak ka nanaman, anak."

Bakit nagkaganito?

Natulog lamang ako ng saglit at ganito na ang naiwan kong mundo. Kung alam ko lamang ang mangyayari, hindi ko ipagpapalit ang operasyong iyon sa kaligtasan ng papa. Hindi pa ako handa na mawala sya. Ayaw ko pang maging mag-isa. Marami pa akong hindi alam kapag wala ang tulong nya.

Kailangan ko pa ng ama.

Gusto ko may papa parin ako palagi.

"Ilang oras na lamang po."

"Hayaan nyo na akong makita sya ngayon."

Halos malunok ko pabalik ang mga salita dahil ayaw lumabas ng mga iyon sa aking lalamunan. Nananakit dahil sa pag-pipigil kong magsimula  nanaman sa pag-iyak.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon