28

13 0 0
                                    

"Gusto mo bang ipagmaneho kita, anak?"

Pati ang mga kanina pa sinasabi ni papa ay hindi ko halos naririnig dahil sa mga iniisip ko. Pagkaalis ni Leedo papasok sa trabaho kanina, hanggang ngayon na isang oras bago sya makauwi, nagtatalo parin ang utak ko kung gagawin ko ba ito.

"..."

"Huwag na po, 'pa. Malapit lang naman po iyon, kaya ko na to."

Hinaplos lamang ako ni papa sa ulunan nang maiabot nya sakin ang susi ng kanyang 4x4 pickup truck. Mabuti at wala syang lakad ngayon kaya't mahihiram ko itong sasakyan. Kapag hindi kasi sya kukuha ng supplies para sa shop ay sa pagbisita lamang nya sa mga kumpare nya ang gamit ng truck na ito. Luma na pero hindi nya papalitan, dahil ito ang unang naipundar nila ni mama bago ang bahay namin.

"..."

"Baka lang naman hindi ka marunong gumamit, dahil hindi automatic iyan na kamukha ng sa asawa mo."

High school pa lamang ako ay tinuruan nya na akong magmaneho sa mismong truck na ito at ngayo'y sya mismo ang magsasabing hindi ako marunong? Ang papa talaga.

Kung bakit ko hiniram ang sasakyan ay dahil pupuntahan ko ang asawa ko at hihintayin syang lumabas ng opisina.

Kung iyon lamang ay pwede naman akong mag-bus.

Pero gusto ko syang sundan at kailagan ko syang makita. Kailangang makita mismo ng mga mata ko na hindi nagiging tapat sa akin si Leedo. Dahil kung nasa bahay lamang ako at nag-hihintay parati ng kanyang uwi, ay iyon lamang talaga ang gagawin ko na parang walang mali sa relasyon namin.

Mahal, mahuhuli ako ng uwi mamaya. May tatapusin pa kasi ako sa opisina. Kumain ka ng marami at mauna ka na matulog, ha?

Hindi ko na sana itutuloy ang bagay na ito, maliban nang matanggap ko ang message na iyon mula sa kanya kanina. Ilang madalas na gabi na ba nyang sinasabing mayroon syang overtime? Kung hindi ko pa nabasa ang mga chat ni Ate Solar sa kanya ay matutulog parin ako ng mahimbing sa gabi habang nasa ibang bahay sya.

Tama ba itong ginagawa ko?

At kung may makita man ako sa pagbabantay kong ito? Anong gagawin ko? Lalapitan sila at pauuwiin ang asawa ko? Si Leedo? Anong mararamdaman nya? Magagalit sya sa akin at hindi nya na ako mamahalin pa. Tuluyan na syang mawawala sa akin at babalik na kay Ate Solar?

"..."

"N-nasa...grocery ako, iwanan mo na lamang sa pinto, Keonhee. Ako na'ng bahala mamaya pag-uwi."

Mahina ang boses ko habang kausap si Keonhee. Tumawag lamang sya para isauli ang hiniram nyang mga coat kay Leedo noong nakaraang linggo.

May sasabihin pa syang kasunod pero mabilis kong ibinaba ang tawag nang makita kong lumabas si Leedo sa glass door ng building. Makalipas ang mahigit dalawampung minutong pag-iintay sa kanya.

Hindi nya makikita ang kinaroroonan kong sasakyan dahil hindi naman ako nagparada sa loob ng property. Pumasok sya ng kotse at wala pang ilang sandali ay nagsimulang magmaneho.

Pero hindi sya lumiko sa kalye pauwi sa Jung district kung saan kami nakatira.

Tama ako.

Wala pa mang nakikita ang aking mata, ay nauuna na ito sa pangingilid ng luha. At wala akong ibang nagawa kundi huminga ng malalim at i-start ang truck para sundan ang kotse nya.

At ang daan ay papunta ay sa Nowon-gu.

Wala syang dahilan para pumunta sa distritong iyon, dahil kilala ko ang mga tao sa paligid nya at wala sa mga iyon ang nakatira sa Nowon.

Maliban kay Ate Solar na ang alam ko ay pansamantalang kumuha ng rental house dito lamang din sa Seoul. Kagaya noong kolehiyo pa sya, dahil wala syang kamag-anak na matutuluyan dito.

"..."

Nararamdaman ko ang panunuyo ng aking lalamunan. Nagmaneho lamang ako saglit pero nakuha ko pang simpatyahan ang sarili ko. Kaya't heto, hindi ko mapigilan ang kung anong pakiramdam at pag-iyak lamang ang makapagpapakita kung ano iyon.

Kaba.

Takot.

Galit.

At pagmamahal na kapwa nagpapabilis ng bawat kabog sa dibdib ko. Lalo na nang ihinto ng aking asawa ang kotse sa harap ng isang bahay sa hanay ng mga paupahan.

Nawalan ng lakas ang mga binti ko.

Habang narito sa labas at nakamasid sa kanila...

Sa pag-iisip pa lamang kung sino ang sasalubong sa kanya sa pagbukas ng pinto matapos syang magdoorbell... Sa pag-iisip kung paano nya ngingitian nito at kukuhain sa kanyang kamay ang kanyang office bag...

Para akong sinasaksak ng kutsilyong hawak ng sarili kong kamay.

Bumukas ang pinto ilang segundo matapos pindutin ng aking asawa ang bell. At umupo para abutin ang lebel ng taong sumalubong sa kanya.

"Pa---pa! "

"..."

Kahit hindi ko nakikita ang mukha ngayon ni Leedo...alam kong nakangiti sya. Nararamdaman ko iyon sa boses nya. Dahil kaharap nya ngayon ang kasiyahang hindi ko kayang ibigay sa kanya.

"How's my pretty girl? "

Iyon na ang huling narinig ko sa lalakeng sinundan. Malayo na ang kinaroroonan ko para marinig pa ang mahihinang usapan nila.

Pero ang pag-buhat nya sa bata, nakikita ko parin dahil hindi pa tuluyang naisasara ang pinto.

Gayundin ang pagkawit ni Ate Solar ng kanyang kaliwang braso sa bewang ng aking asawa...habang karga-karga ang kanilang anak.

Ganoon rin sana kami kasaya.

Dahil ganoon kami sa imahinasyon ko.

Ako...si Leedo...at mga anak namin.

Ilang segundo ko pa silang pinagmasdan bago ko tuluyang malasahan ang luhang kanina pa nagpipilit. Ito ba ang kapalit ng paghiling kong sana ay maging maayos ang pamilya ni Ate Solar? Kasama ba doon ang sarili kong asawa?

Sumara na ang pinto.

Isinara ko na rin ang bintana ng sinasakyang truck.

Kung ano man ang mga mangyayari sa loob ng bahay, hindi ko na kakayanin pang malaman. Hindi ko na gugustuhin pang malaman.

Wala akong nakita at masilip na tama sa mga nakita ko. Ganoon ba dapat talaga ang nangyayari? Ganito ba talaga dapat ang nararamdaman ko sa pagitan naming tatlo?

Mainit ang aking mga pisngi pero pakiramdam ko'y nagyeyelo ang aking kamay sa kambyo.

Ang asawa ko...si Ate Solar parin ang mahal nya.

Ako... Paano na ako?

Mahal na mahal ko si Leedo...mahal na mahal ko sya.

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now