46

9 0 0
                                    

"Sa oras na lumabas ka ng pintong yan..."

Pinili kong huminga ng malalim kasabay ang pag-higpit ng hawak sa siradura. Hindi ko nakikita ang mga ekspresyon sa mukha nya, bukod sa iniiwasan kong mamuong pilit ang galit sa tuwing titingnan ko sya...iniiwasan ko ring matapos ang usapan namin sa desisyong para lang sa kanya.

"...wala ka ng babalikan pa."

Ilang araw na ba nila akong kasama? Mula noong nakaraang araw nang iuwi nya dito sa Busan si Rumi mula sa matagal na pagkaka-ospital, hindi nya ako hinayaang makabalik ng Seoul. Natatakot syang mag-isa, natatakot sya sa adjustments ng bata.

"Napag-usapan na natin ito, Solar."

"Ano pa ba ang kailangan kong gawin para sa inyo ni Rumi?"

Kinuha nya ang bata mula sa pagkakaupo nito sa carpet at kinarga. At hindi galit kundi ngiti ang isinalubong nya sa akin nang lapitan ako. Ano man ang sabihin nya, alam kong pakikinggan ko sya. Alam kong mapapaikot nya ako.

"Rumi..."

"..."

"...Say, i love you papa. Anak, dali."

"Say, i love you papa."

Nakatingin lamang ang bata sa akin habang mahinang inaalog ng kanyang ina sa pagkakakarga. Hawak nya ang piraso ng biscuit na syang nangalat sa kanyang pisngi at natuyo.

"Awabyu...papa.."

Sinabi ni Rumi pagkatapos akong subuan ng hawak nyang pagkain. Maliit ang boses nyang tumusok sa dibdib ko. Alam ni Solar na hindi ko matitiis ang bata. Alam nyang pinaghihinaan akong magdesisyon sa tuwing kaharap ko ang anak namin.

"Solar..."

"..."

"Kailangan ako ng asawa ko ngayon."

"Hindi ko alam kung anong sitwasyon nila ngayon ni papa."

"Please."

"Kailangan kong umuwi."

Maging kanina nang mag-file ako ng leave sa opisina, sinamahan nya ako para masigurong sa Busan parin ako uuwi kasama silang mag-ina. At dahil halos walang signal ang bahay na tinuluyan namin ay kanina ko lamang din natanggap ang mga messages ng kapatid at mga kaibigan ko.

Kasama na roon ang nangyari kay papa.

Sa totoo lamang ay pwede ko na syang iwanang mag-isa sa kotse para puntahan ang totoong pamilya ko. Pero dahil nangako ako sa kanya ay tinupad kong babalik ako sa Busan kasama sya. Kapalit noon ang hinihingi kong hayaan nya akong umuwi para kay Henna.

"Rumi, anak..."

"..."

"Say, papa don't leave."

"Say, mama is sad."

"Solar, please."

"Don't do this to Henna. Kailangan nya ako."

"Pamilya ko rin sya."

Kagabi nang pilitin kong umalis at lumuwas pabalik ng Seoul, nag-kasagutan lamang kami. Sinabi nyang kailangan kong pumili dahil hindi pupwedeng dalawa ang pamilya ang aakuin ko. Kahit na sinabi ko sa kanyang kaya kong isabay ang suporta sa bata sa relasyon namin ng asawa ko, hindi nya gusto ang ganoong setup. May ama o wala ang bata, ang mahalaga sa kanya ay pumili ako.

Sa lahat ng kondisyon nya, na itago nanaman sa akin si Rumi kapalit ang pag-pili ko kay Henna... Pinilit nya akong ito ang piliin ko... Pero sya parin ngayon ang pumipigil sa akin gamit ang responsibilidad ko sa bata.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now