17

13 0 5
                                    

"Saga. Anong problema?"

Kaagad kong inigkas ang kamay ng lalake sa aking pisngi. Siraulong to. Yabang-yabang. Nagsama pa ng alipores. Isa pa tong kaklase kong magaling na ipinain pa ako sa leader nilang mukhang rapist.

"Dongju!" -Mabilis akong lumapit kay Xion at nagtago sa likuran nito.

Swerte ko na lamang talaga dahil napalilibutan ako ng mga kaibigang lalake. Hihihi. Mainggit kayo dahil daig ko pa ang prinsesa sa dami ng magpoprotekta sa akin sa ganitong mga pagkakataon.

"Yan oh. Yang lalakeng yan kasi e." -Para akong tangang nagsusumbong ngayon kay Dongju.

"..."

"..."

"Kim Wooshin."

Kim Wooshin? Magkakilala sila nung lalakeng mayabang?

"O, Xion. Anong ginagawa mo rito?" -Iyong lalakeng tinawag na Wooshin ni Dongju ang sumagot.

T-teka...bakit sila nagfifist bump?

Hoy Son Dongju? Anong meron?

"Kamusta? May bago ba?" -Xion.

"..."

"..."

"Wag kang mag-alala, Dongju. Alam mo namang...nangunguna ka kung mayroon man. Hindi ba?"

Ano bang---teka---ano ba kasi yon?

"Ayos yan. Nga pala, Wooshin..."

Lumayo sa akin si Dongju at inakbayan ang lalakeng kanina lamang ay nagpakulo ng aking dugo.

Ano bang pinag-uusapan nila? Na-etsepwera ako ah.

Binastos ako, hoy. Anong pinag-gagagawa mo dyan? I need defense, man!

"...Pwede bang arbor ko nalang itong si Saga? Wag nyo na sanang pakialaman ang isang to, sabihin mo sa mga alaga mo. Medyo...type ko kasi ito e."

Ngayon nama'y pareho nya kaming inaakbayan ng lalakeng iyon. Ano bang nangyayari at bakit nya ako inaarbor? Anong tingin mo sakin? Graduation picture!

"Psh. Kahapon lang ay nireject rin ako nung waiter sa kabilang bar, tapos ngayon aarborin mo naman itong type ko?"

Aray ko, gago yata tong Dongju na to. Nakikinig pa ako sa usapan nila'y binitiwan na ako. Gusto pa yata akong balian ng braso. Sakit nun ah.

"..."

"Wag si Saga, 'Shin. Kababata ko na kasi yan e."

Wala namang masama kung marinig ko iyon mula sa kanya. Dahil totoo namang halos magkadugtong na ang pusod naming tatlo nina Dongmyeong.

Pero bakit ganito?

Bakit parang ang seryoso ng usapan nila? Nacu-curious tuloy ako. May hindi ba ako alam sa gagong to?

"Magandang gabi sa atin. Nga pala guys...Salamat sa lahat ng narito ngayong gabi, kasama namin."

"..."

"Hayaan nyo at...marami kaming inihandang kanta ngayong gabi para sa inyo."

Magkasunod kong narinig ang boses ni kuya mula sa stage. Magsisimula na sila. Pumunta lang naman ako dito para kay Cya e. Pero dahil wala sya at mag-isang gitarista si kuya Kanghyun, makalayas na nga lang.

Hindi ko na nilingon pa si Xion at yung lalakeng hambog. Lumapit ako sa counter para kunin ang ipinaiwan kong backpack roon.

"O bakit uuwi ka na?" -Boses iyon ni Kuya Seoho dahil malapit lamang ang mesa nila palagi sa counter.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now