27

12 0 0
                                    

"Hi. Sino sila?"

Inipit ko pa sa aking kili-kili ang hawak na brown bag kung nasaan ang itinake-out kong burger at fries. Sa isang kamay ko kasi ay ang bag at grading sheet ng mga estudyante ko kaya't wala akong libreng kamay para sumagot ng tawag.

"Hello? Sino sila?"

Tanong ko ulit nang walang magsalita sa una kong bati. Chineck ko pa pabalik kung pamilyar ang number pero talagang wala akong maalala.

Nang walang sumagot sa kabilang linya ay pinatay ko na iyon at inisip na baka naligaw lamang.

Isinukbit ko ang susi ng motor malapit sa pinagsabitan ko ng hinubad na jacket. Pagkatapos ay ipinatong ang inuwing pagkain sa mini wooden counter ng aking kusina.

Kung hindi sana ako naghatid kay Gunhak ay may maayos akong hapunan ngayon. Sana pala ay kumain na ako nang alukin ako ng asawa nya, masarap pa namang magluto si Henna.

Mabilis lamang akong nagbihis ng komportableng damit at sumalampak na rin sa single sofa para idaos ang literal na fast-food ko ngayong hapunan.

Hindi pa nag-iinit ang puwit ko sa kinauupuan ay tumunog na muli ang phone ko. Pero tinatamad akong tumayo kaya't pilit kong inabot iyon mula sa kinauupuan. Hehe.

Hm?

Itong number nanaman?

Sino ba ito?

"Hello, may kailangan ka ba?" -Ako habang nguya-nguya ang lamang burger ng aking bibig.

Naririnig ko ang kung anong tunog mula sa tawag kaya't alam kong sadyang ayaw nya lamang na mag-salita. Hanggang sa marinig ko rin ang isang buntong-hininga.

"Seoho."

"..."

"Sino sila?"

Ako nga si Seoho pero hindi ko aaminin yon, baka mamaya sindikato pala ito e. Isa pa, hindi ako basta Seoho, Gunmin rin ako 'no. Hehe.

"Ako ito."

"..."

"..."

"Si Kao."

T-tama ba ako ng pandinig?

"..."

"Ako si DJ Kao."

Pero hindi ako kilala ni Dj bilang Seoho kundi Tori. Paanong sasabihin nyang sya si Kao habang alam nya ang pangalan ko?

Oo---medyo kaboses nga nya si Dj... Pero imposible parin. Isa pa, bakit naman nya ako tatawagan gayung wala naman sya sa trabaho ngayon?

"H-hindi ako si Seoho. At wala akong kilalang Kao. Wrong number ka."

Iyon lamang ang sinabi ko at hindi ko alam kung saan nagmumula ang kabang ito. Siguro naman ay napaniwala ko syang hindi ako si Seoho bago pa ko pa man maibaba ang tawag.

Malamang ay pinagtitripan nanaman ako nitong si Ravn at Yonghoon. Sila lang naman kasi ang nakakaalam na gusto ko ang DJ na iyon. Di lang nila alam na hindi naman Seoho ang pangalan kong ibinigay roon. Nagkamali sila ng alimangong niloko.

"..."

"Bago mo ako babaan ay makinig ka muna sa akin."

Iyan ang una at mabilis na sinabi ng babae sa pangatlong tunog ng cellphone ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagtutoothbrush nang tumawag syang muli.

At hindi ko alam kung matatakot o maniniwala ako sa kanya.

"Makinig ka muna."

"..."

"..."

"P-pwede mo ba akong tulungan?"

Kung saan man nakuha ni Ravn ang babaeng ito para lang pagtripan ako, malapit na akong maniwala dahil kaboses nya talaga ang Kao na halos kabisado ko pati tono ng pananalita.

"Tenement Q, 808 Zigzag Street, Seongdong-gu."

Address ang ibinigay nya sa akin at alam ko ang eksaktong lugar na iyon. Pero hindi manlang pumasok sa isip ko na pumunta roon. Sa sobrang delikado ng mundo ngayon, bakit ako magtitiwala sa tawag na ito? Isa pa...hindi naman ganito ka-seryosong tao ang kilala kong Dj Kao. Dahil masayahin sya.

"Hoy miss."

"..."

Paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi sya maooffend kahit na punong puno ako ng hinala sa trip nyang ito?

"Hoy miss, ha."

"..."

"..."

"Marami pa akong gagawin, kaya pwede ba, wag mo na akong pagtripan pa?"

"Isa akong matandang byudo at yagit kaya wala kang mapapala sa akin, kung yan ang gusto mo."

"Good night, bye bye."

Naku naman, wrong number lang pero kinakabahan pa ako. Lee Seoho, hindi iyon si Dj Kao, kaya wala kang dapat ipanghinayang.

Pagkaligpit ko ng sipilyo ay sakto namang tunog ng chat notification mula kay Yonghoon nang pabalik na ako sa kama. At hindi ako nagkamali kumbakit napa-chat nanaman ang taong yon. Dahil kung hindi suporta sa banda nila ay laklak lang naman lagi ang pakay nya sakin.

Hoy, Lee Seoho. Nasaan ka? Shot tayo, nandito si Ravn, nag-aakit nanaman.

Hiniwalayan na pala ni Chijoo to, hahaha. Ayaw na raw nya mabuhay, bilisan mo.

Jusko namaaaaan, sinasamantala talaga lagi nila ang pagiging mabait kong kaibigan. Taga-uwi ng mga lasing at wasak kong barkada. Lalo na itong si Ravn, na ako palagi ang taga-akay kapag lasing at niloloko sya ng mga babae mula pa noong high school. Sana lang talaga suportahan rin nila ako pag nagkalove life ako, diba?

Kapag sinipot ko itong mga to, late nanaman ang time-in ko bukas panigurado. At kapag hindi naman, konsensya ko pa itong si Ravn dahil magkakalat nanaman ito sa kalsada. Ng suka at kahihiyan. Hehe.

Hindi naman ako nagrereklamo, ha. Mabait naman sakin yung gagong yun e. Noon nga, kapag kapos ako sa allowance ay sagot nya ako palagi at ni wala akong narinig na kung anong salita sa kanya. Ilang buwan rin akong nakituloy noon sa unit nya nang ipambili ko ng laptop at mga gamit sa engineering course ang kita ko sa part time. Wala tuloy akong pambayad sa dorm.

At dahil pinuri ko nanaman sya sa isip ko, ano pa nga bang magagawa ko, kundi makipag-lunuran nanaman ng atay kasama ang mga sirang yon.

Alas dyes pasado na ng gabi, may pasok
pa ako bukas. Kayang-kaya mo na yan.
Pareho naman kayong pogi.
sent

Anong kaya? Di kaya ng tao to.
Bilisan mo na, kailangan nito ng
gabay mo, gago. Hahaha.
10 : 13 pm

Ano pa nga ba? Basta abangan mo ko
sa labas ha.Type kasi ako nung guard nyo,
lagi nalang nakasimangot sakin yun e.
sent ✅

Alangan namang ngitian ka. Di ka
kasi nagbabayad ng entrance, gago.
10 : 17 pm

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅On viuen les histories. Descobreix ara