12

20 2 0
                                    

"Ang lunch mo."

Kinuha nya mula sa kamay ko ang bag kung saan ko palaging isinisilid ang kanyang pagkain sa tuwing maraming trabaho sa opisina at wala syang oras kumain. Ipinatong nya naman iyon malapit sa kanyang phone para hindi nya makalimutan.

"Bakit ka nakatingin, may kailangan ka, no?" -Kasalukuyan syang nagsusuot ng tie nang mapansin ang pagtitig ko sa kanya.

"Ang gwapo-gwapo mo kasi." -Panimula ko at natawa lamang sya ng matipid.

"..."

"Mas gwapo naman sa iyo si Hwanwoong at Xion."

"...At kung sa porma, mas metikuloso si Ravn."

"...Mas mabait sayo si Seoho."

"...Mas maappeal si Keonhee."

"..."

"Pero bakit ikaw ang pinakang perpekto sa kanilang lahat?"

Paunti-unti syang humakbang palapit sa akin hanggang sa maramdaman ko ang paghawak nya sa aking dalawang balikat. Mabagal na hinaplos ang kahabaan ng aking buhok sa likuran at inilapit ng husto ang sarili sa aking harapan.

"..."

Hinahalikan nya ako.

Hinahayaang paglaruin ang kanyang maliliit at malambot na labi sa akin. Magkahalong pang-aakit at pag-aalaga ang naramdaman ko mula roon. Hanggang sa ilang segundo ay huminto sya. At mula sa pagmulat ko ay nakita ko syang malawak ang ngiti.

Inaasar nya nanaman ako.

Palibhasa alam nyang palagi parin akong kinikilig sa tuwing hinahalikan nya ako. Lahat ng kilos nya, para sa akin ay espesyal at nakakakilig.

"May kailangan ang asawa ko, ano yon?" -Sya at hindi pa rin inilalayo ang labi sa akin.

"Hm---yung...w-wala na tayong grocery. Kailangan ko nang mamili mamaya, iwanan mo ako ng pera." -Mas lalo naman syang natawa sa ipinakita kong pagkabuyo. Lalo na nang mahina ko syang naitulak palayo sa akin.

"Yun lamang pala, akala ko may iba ka pang gusto. Ayaw mo ba, mamayang gabi---."

"Kim Gunhak! P-Pumasok ka na mahuhuli ka na."

"Biro lang. O, eto." -Dalawang kamay pa ng kunin ko sa kamay nya ang iniaabot na pera.

Hindi ako magastos.

Kung may isang bagay na alam kong magaling ako, iyon ay ang humawak ng perang pinaghirapan ng aking asawa. Madalas ay si Leedo pa ang nag-aakit na magluwag kami kung minsan sa gastusin.

Hindi rin naman kami kinakapos, ang lahat ay sakto lamang at hindi rin nagkukulang.

"..."

"Kapag nagkaroon ako ng malaking komisyon sa susunod, simulan na natin ang renovation ng bahay?"

Tumikhim ako sa sinabi nya.

"Magiging malaking pamilya na tayo sa susunod na mga taon, kailangang mas malaki na rin itong bahay, diba?"

Nagpatuloy sya sa pag-aayos ng mga gamit sa pagpasok. Habang ako ay nanatiling walang imik.

Noon pa man ay sinabi nyang bago ako mag-buntis ay kailangang napaayos na nya ang bahay. At gusto ko syang suportahan doon.

Maliban sa pag-asa nyang lalaki pa ang pamilya namin.

Na umaasa pa syang magkakaroon kami ng anak.

"Wag mong kalimutang kumain ha? At wag mong i-share yan sa mga officemates mo, niluto ko lang yan para sayo."

Sana ay hindi nya mapansin ang pagbabago ko ng usapan.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now