55

8 0 0
                                    

"Huwag na po kayong mag-abala, ako na lamang ang pupunta para makita kayo."

Ibinaba ko ang dalang bag sa sahig nang makapasok ako sa bahay. Sakto namang dumating ang tawag na ito. Ilang araw na ring humihiling ng meeting ang ginang na ito. Kaya't ilang araw na rin akong nag-iisip isip tungkol sa alok nya.

"Kung saan ka magiging komportable ay gawin mo. Isesend ko na lamang sa iyo ang aking address, hija."

"Basta...aasahan kita, ha?"

"At aasahan ka rin ni Kyung."

Mahinang oo lamang ang isinagot ko sa ginang. Pagkatapos ay kusa na nyang ibinaba ang tawag. Iniligpit ko muna ang sinuot na sapatos sa lagayan nito malapit sa pinto. Tapos ay naupo sa lumang sofa para magpahinga saglit at huminga.

Ilang minuto pa ay dinukot ko ang phone sa loob ng aking bag...minasdan iyon pero wala namang dadating na mensahe kahit na maghapon ko pa itong masdan. Binuklat ko rin ang wallet para pag-isipan ang kakasya pa sa budget na iyon.

Humigit-kumulang 70,000 won na lamang ang narito. Kasya sa dalawang linggong pamamalengke. Pero dahil halos hindi ako kumain ay aabot pa ito ng tatlong linggo.

At kung magka-pera ako sa trabahong inaalok ni Mrs. Park, hindi ko na magagalaw pa ang pinagbentahan ng bahay na ito. Kahapon rin ay nag-bayaran na kami ng nakabili. Hindi ko man nahawakan ang pera ay hindi na mahalaga, ang importante ay naka-imbak iyon sa bangko. At kung may pag-gagamitan, hihigpitan ko paring magastos iyon.

"O? Halos tapos ka na pala e." -Hinubad ni Woong ang suot na jacket at isinampay iyon sa bangkong kahoy. Gayundin ang ginawa ni Keonhee na kasama nyang dumating.

Siguradong narito sila para tulungan akong mag-ligpit.

At mag-impake.

"Ang iba ay iiwan ko na lamang dito."

"Wala naman akong...paglalagyan ng mga iyan e."

"O ano kaya kung ibenta ko na rin para magka-pera ako, no?"

Hindi ko alam kung biro ko lamang iyon dahil iyon lang rin naman ang pagpipilian ko. Ang tinutukoy ko ay ang mga mabibigat at lumang muwebles na narito. Kagaya nitong sofa at mga upuan, mga cabinet, kama at refrigerator.

"Bakit hindi mo muna itambak sa bahay nyo ni Leedo hyung?" -Keonhee.

Kinuha ko ang natitira pang puting tela at itinulukbong iyon sa rocking chair ni papa. Ilang yarda pa nito ay mag-mumukha nang horror house dito sa dami ng gamit na ibinalot sa puti.

"Kay Leedo ang bahay na iyon at hindi sa akin."

Kahit na asawa ko sya, wala naman akong nai-ambag nang lumipat kami roon. Meron. Taga-linis. Paano kung isang araw, umuwi sya roon at datnan ang mga gamit ni papa?

Paano kung umuwi sya roon...na may kasamang iba. Mahihirapan akong pag-taguan sya dahil iintindihin ko pa itong mga gamit na ilalagay ko sa bahay na iyon.

"Asawa mo parin sya, may karapatan ka parin sa mga pag-aari nya." -Ngayon naman ay binubuklat ni Keonhee ang photo album na nakuha nya sa loob ng katabing kahon.

Sa ngayon... hindi naman karapatan ang gusto kong makuha. Dahil mas nawala sa akin ang dignidad para sa sarili ko. Bilang asawa o kahit bilang babae manlang.

Kung tinalikuran ba ako o pinagsawaan?

Ilang linggo na rin ang lumipas. At kahit ano mang dahilan... pareho lamang naman ang itatawag sa akin, diba? Iniwan.

"Kamusta nga pala yung... alok sayo ng dati mong art prof?" -Si Woong.

Ang ginang na si Mrs. Park ang itinatanong ni Hwangwoong. Noong nakaraan kasi, sya ang unang kumausap rito nang tumawag ito't wala ako. Kaya't nai-kwento ko sa kanyang lahat. Noong una ay nagalit pa sya sa akin... proud na proud kasi sya sa mga nai-pinta ko, at sa nai-kuwento ko sa kanya ay hindi nya akalaing magagawa ko raw iyon sa sarili kong sining.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now