20

14 0 0
                                    

"Gawin lang natin ito ng...mabilis."

Nasabi ko sa kanya nang makalabas sya ng shower. At kahit nang maupo sya sa gilid ng kama ay hindi naalis ang mata sa akin.

"..."

"Isn't that...a little unfair to me?" -Sya sa akin at naupo sa harap ng tokador.

Alin ang unfair? Ang hinihingi kong idaos lamang namin ito sa mabilis na paraan at walang anumang emosyon? Kung pwede nga lang na ibigay na lamang sa kanya ang similya, pero sadyang mababa ang tsansang mabuo iyon. Hindi ba't ito na lamang talaga ang huking pagpipilian?

Kunsabagay, ano man ang maramdaman namin, hindi mababawasan ang sakit na naiwan sa aking asawa.

Maliban sa kasiguraduhan sa sarili ko na walang ibang mamamagitan sa amin ulit ni Solar kundi ang responsibilidad ko bilang ama sa aming anak.

Sana lamang ay nararamdaman iyon ni Henna.

"Hindi ba pwedeng..."

"...Kahit na kaunti ay maramdaman mo rin ang gabing ito?"

"..."

"I-I mean..."

"...Babae ako at...katawan ko ang gagamitin mo."

"...Even with our daughter's condition...

"...My body is still not a business, Leedo"

Anong ibig nyang sabihin?

"Kung ganoon, anong tingin mo sa asawa ko?" -Hindi ko napigilan ang itanong sa kanya.

Kung ang ipinupunto nya ay pahalagahan ko ang gabing ito dahil importante ang pagkababae nya, anong tingin nya sa asawa kong nag-iisa ngayon sa bahay?

"Sa palagay mo, hindi unfair sa kanya ang gagawin nating ito?"

"..."

"..."

"Sana naiintindihan mo..."

"...Na bukod sa anak natin, responsibilidad ko ring ingatan ang nararamdaman ni Henna."

"..."

"I-I...I'm sorry." -Sya.

"I was careless..."

"I even told her not to tell you about our child's condition."

"Ayaw ko kasing ma-guilty ka sa marriage nyo dahil sa anak natin."

"But...our daughter needed your help, Leedo. And it leaves me no choice but to tell you."

Sinubukan kong huminga pa ng mas malalim para lumalim rin ang pag-iisip ko at huwag unahan ng anumang konsensya. Ako na rin ang lumakad palapit sa kinaroroonan nya. At nang magkaharap kami ay kusa syang tumayo sa kinauupuan

"Then let's do this now."

"..."

"..."

"Pero hindi mo kailangang maghubad." -Dagdag ko pagtapos ng isang buntong hininga.

Sinabi ko sa sarili kong hindi ko hahayaang lumapat ng matagal ang mga kamay ko sa katawan ni Solar. Lalo ng hindi ang halikan sya sa labi. Hindi ko gagawin iyon dahil lang iginagalang ko ang pagkababae nya. Kundi para wala akong dalhing guilt na naging pribilehiyo ang gabing ito sa akin.

Lalake ako at hindi ko maipapangakong kay Henna ko lamang isusuko ang ganitong pakiramdam, pero sigurado akong kay Henna ko lamang gagawin ito ng may pagmamahal.

"Higa." -Nasabi ko para itigil nya ang pagbubukas ng mga butones ko at ang sarili ang intindihin nya.

Mabagal ang pag-akyat nya sa kama, at kabaligtaran ng kabog ng dibdib ko iyon. Kabaligtaran rin ng sinabi kong huwag na syang maghubad ang kasunod nyang ginawa. Maingat na kinalas ang laso ng suot nyang roba at bahagyang itinago pa ang kahubaran sa akin.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now