45

9 0 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?"

Maayos at pormal ang suot nya na hindi katulad kung paano ko sya nakikitang magdamit noon. Itim na bestida, at may laso sa bandang likod ang hindi kahabaan nyang kulay caramel na buhok.

"Alam mong nandito si Ravn. Baka magkasagutan nanaman kayo."

Mababa lang ang tono ko sa pangangausap sa kanya. Sabagay, palagi naman akong ganito, diba? Gusto ko sanang baguhin ang paraan ng pakikitungo sa kanya. Pero huli na. Dahil ganito nya na ako nakikilala.

"Alam ko."

"Hindi naman sya ang ipinunta ko dito..."

"...Kundi ang papa ni Henna."

"..."

"Marami ring naibigay na advice sa akin ang papa nya kaya... gusto kong makiramay sa pagkawala nya."

Tama sya.

Alam ko iyon dahil naririnig ko mismo ang mga sinasabi ni Tito sa kanya sa tuwing nagpupunta kami sa bahay nila para makapag-inom. Mga words of wisdom na para sa relasyon nila noon ni Ravn.

Ang iba ay biro, pero karamihan ay talagang kaprangkahan at matututo ang mga kabataan sa mga sinasabi nya.

"Pwede mo na ba akong paraanin?"

Maging ako ay nanibago nang makita sya dito. Hindi dahil sa suot nya kundi dahil alam nya ang nangyari nang huli silang magtagpo ng kaibigan ko.

Hindi iyon naging maayos at alam kong hindi nya na gustong makita ulit na ganoon ang ex-boyfriend.

"Sandali, Chijoo."

Nakatikom ang mga palad ko sa loob ng bulsa ng aking pantalon. At dahil iyon sa kabang hindi ko alam kung saan nagmumula.

Kasabay ng pagtawag ko sa pangalan nya ay hindi naman sya nag-atubiling lingunin ako pabalik bago sya tuluyang makapasok sa hall.

"Oh, bakit?"

Kahit pala madalas ay mukha akong tatanga-tanga, may nahuhugutan rin ako ng kapal ng mukha para sa mga ganitong pagkakataon, hehe.

Wala namang mawawala kung ita-try kong maglakas-loob ngayon, diba?

"Chijoo."

Sige na, Seoho.

Magsalita ka na. Noong nakaraan mo pa gustong pakawalan sa dibdib mo iyan, kaya magsalita ka na.

"..."

"..."

"Pwede ba kitang makausap?"

T-teka---B-bakit ganoon ang tingin nya? Tama ba ang sinabi ko? Baka kung anong isipin nya---Hindi. Nagtatanong lang naman ako---hindi nya pa alam kung ano ang mga sasabihin ko.

"Sa taas."

Iyon lamang ang sinabi nya bago tumalikod at saka lumihis ng daan papasok sa kwarto kung saan nakalagak ang papa ni Henna. Sa halip ay lumiko sa malapit na hagdan at doon naunang umakyat. Nilingon pa nya ako pabalik para senyasang sumunod sa kanya.

Saan ba sya pupunta?

Ang kasunod na palapag ay chapel at wala ng kasunod pa kundi ang mismong rooftop.

Hindi ko na sya naabutan nang maghagdan akong kasunod nya. Pagkarating sa ikalawang palapag ay may iilang taong puro itim ang suot at mula sa pakikiramay. Nang hindi ko makita sa mga iyon si Chijoo ay nasiguro kong umakyat na sya sa pinakang tuktok. Kaya't dumiretso na rin ako roon.

"Ano bang sasabihin mo?"

Hindi ko pa sya nakikita sa huling hakbang ng hagdan, alam kong boses nya iyon dahil kilala ko ang boses nya.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now