60

8 0 0
                                    

"Heto, kumain ka pa. Marami akong inihandang hapunan."

Wala nang mas gagaan pa sa pakiramdam na ito. Ako sa harap ng hapag-kainan...at ang aking asawa sa kusina kung saan ko sya paboritong makita. Suot ang apron...at hawak ang sandok na kahoy.

"Hindi pa rin ba marunong mag-luto si Ate Solar?"

"Siguradong hindi ka nakakakain ng lutong bahay, nabawasan ang muscles mo, o."

Kahit na malalim ang mga mata nya, hindi nya iniaalis ang mga ngiti sa akin. Itong ngiting pinakang totoo sa lahat. Ang parehong ngiting nagbibigay sa akin ng discomfort sa mga pakikitungo nya.

"Kapag gusto mo pa..."

"...Mayroon pa sa ref."

Mula nang umuwi ako dito sa bahay mag-aalas nuwebe kanina...nang pagbuksan nya ako ng pinto, ang akala ko'y lalabas sya matapos akong makita roon. Aalis at tatalikuran ako. Kagaya nang ginawa nya nang mag-kita kami noong nakaraan.

Pero kabaligtaran noon at katulad ng dati, magaan nya akong pinapasok sa bahay namin. Humalik sa aking pisngi. Kinuha mula sa kamay ko ang dala kong bag. Hinubad ang suot kong sapatos at binigyan ako ng panloob na tsinelas. Nag-reklamo sa amoy alak ko kaya't inihanda kaagad ang aking pan-ligo. At pag-labas nang banyo'y may inihahanda sya sa kusina.

Para akong nang-galing sa isang mahabang bangungot at ngayon lamang ako nagising.

"Pag-tapos mo riyan, sumunod ka na sa kwarto."

"Mukhang kailagan mo nang matulog, hindi ka pa nahuhulasan."

Nasabi nya matapos sa huling platong tinutuyo. Ibinalik nya ang mga iyon sa cupboard at ako nama'y hindi na nya hinintay sa pagse-segregate ng mga labahin mula sa dalang bag.

Bakit hindi sya nag-tatanong?

Ayaw kong kimkimin nya sa sarili ang lahat habang nagpapanggap na maayos kami...pero hindi ko kayang sirain ang atmosphere ngayon. Sa loob ng isang buwan...ito ang pinakang maayos kong kain. Ito rin ang unang beses na hindi sya nagtanong kung anong gusto kong kainin.

Dahil lahat ng paborito ko...narito at inihanda nyang lahat na punong-puno ng pagmamahal.

"Tingnan mo ang kisame..."

"...Kailangang mapinturahan na ulit, diba? Binubukbok na iyan."

Kasabay nang pagturo sa akin sa itaas ay kinuha nya ang aking braso at inunanan iyon.

"Ang door knob naman..."

"...Mahina na ang kagat at hindi na nagla-lock kaagad. Kailangan pang diinan para sumara."

Ang bawat salitang lalabas sa bibig nya ay nagbibigay sa akin ng ibang pakiramdam. Hindi sya napapagod sa pag-ngiti at ang kaba ko nama'y hindi maipaliwanag. Mayroong mali. Pero bakit nagkakaganito?

"Mahihina pala ang pagkaka-kabit ng mga tiles sa banyo?"

"..."

"Kapag inaapakan ko, nag-aalsahan na e."

"Isa pa yung mga pinto ng cabinet sa ilalim ng lababo at stove..."

"...Maluluwag na yata ang mga turnilyo. Dalawang pito na ang...nakaangat e."

Bakit ba ang mga iyon ang gusto nyang pag-usapan? Kapag gugustuhin kong banggitin ang pangalan nya, mabilis nya akong kinokompronta para sa ibang bagay. At kagaya lamang din ng dati, pinalalampas nya ang mga problema nang hindi napag-uusapan.

Bagay na hindi pupwede ngayon. Dahil kailangan naming mag-usap.

"Na-miss ko ang ganito."

Kumikinang ang mga mata nya matapos humalik sa aking labi. Malawak ang ngiti. At hindi rin sya nangilag nang ako naman ang ginustong mahagkan sya. Gusto ko syang halikan ng matagal. Kahit iyon lamang ngayong gabi at sa mga susunod pa.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now