11

18 2 0
                                    

"Ang sipag talagang magpadala ng regalo nyang Tori na iyan, ano?"

Mabilis kong isinara ang drawer kung saan ko inilagay ang regalong iniabot kahapon sa akin ni Wheein. Naupo sya sa mesa ko at ako nama'y inaayos ang broadcast microphone sa aking harapan.

Tori?

Pang-ilang regalo nya na ba ito?

Noong una ay puro tsokolate...bulaklak...mga libro...ballpen... at airpods ang natatanggap ko mula sa kanya.

Pero kahapon ang unang beses na nag-iwan sya ng regalo na may kasamang sulat. Madalas ay nakikisingit lamang sya ng messages at comments sa pagitan ng aking program. At dahil kailangan kong basahin ang lahat ng importanteng messages na natatanggap ko, nalalaman tuloy ng buong Korea ang panliligaw nya sa akin.

Kung minsan ay napaka-corny nya, pero tuwang-tuwa parin sa kanya ang comments ng mga nakikinig sa program.

"Tori? Hindi ba't pang-babae ang pangalang iyon?" -Si Wheein habang kumakain ng snickers sa ibabaw ng table ko.

"Sa bagay, kung kamukha naman ni Amber Liu, ayos lang." -Dagdag nya.

"..."

"..."

"E ano? Hindi ba't panglalake rin ang ibinigay nyo sa aking On-Air name? Kao?" -Hindi ko napigilang magtaas ng kilay sa kanya.

Sana manlang kasi ay pinayagan nila akong gumamit ng totoong pangalan para wala ng hula ng hula kung sino ako. Pakiramdam ko tuloy ay lovelife ko ang inaabangan ng mga sumusubaybay at hindi ang mismong program ko.

"Mabuti nga at Kao lamang at hindi Kaonashi, hindi ba?" -Pagbibiro nya.

"Ano bang pinagkaiba? E pareho naman kaming face-less. Tsaka wag nyo nga akong lokohin, doon din kinuha ni Boss ang pangalang iyon, alam ko." -Bahagya namang natawa sa Wheein sa kaunting pagmamaktol ko.

"Kung hindi ka naging si Kao, hindi mo makikilala yang si... Tori mo. Inlove ka na dyan, no?" -Sya.

"..."

"Anong inlove? Lumayas ka na nga dyan sa mesa ko at magtatrabaho na ako. Tsismosa ka talaga." -Ako at hinigit sya pababa ng table. Isinukbit ko naman ang headphone sa desktop computer para mag-rest room sandali bago magsimula ang program ko 10 minutes from now.

"Ang sabi ng guard sa guest room gwapo raw talaga yung Tori, magalang at magandang ngumiti"

Bago ko maisara ang pinto ng banyo ay umecho pa ang boses ni Wheein sa pangbubuyo sa akin. Ang gagang iyon talaga, pati sya ay kinikilig sa chemistry umano namin nung Tori na iyon.

Nauna ng tatlong taon sa akin itong si Wheein sa pagiging DJ. Hindi ko alam kung bakit itinago ako ng station sa publiko at hinayaang boses ko lamang ang marinig ng walang anumang clue sa aking itsura.

Hindi naman ako pangit, no.

Kung hindi ko lamang kailangan ng pera ay hindi ako papayag sa alok nila noon. Mahirap ang may itinatago, para kang nagsisinungaling sa napakaraming tao. Pero ayos lang naman dahil napamahal na sa akin ang trabahong ito.

At hindi lang ito ang minahal ko...

DJ Kao, inaabangan ko lang po yung messages ni Tori sayo. Wala po akong hinanakit. Hahaha.

Sana lahat may Tori.

DJ Kao, tagpuin mo na yan si Tori boy habang may awa pa ako sa iyo. Pag ako nainis ako ang hahanap dyan.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon