13

13 2 0
                                    

"K-kanina ka pa ba dyan?"

Kanina pa ba sya roon?

Malamang, Kim Henna. Nakasuot na sya ng pambahay, hindi mo ba nakikita? Nakapagbihis na't lahat yung tao o. Ano bang nangyayari sayo?

"H-hindi kita...napansing dumating." -Napakamot na lamang ako ng ulo at pinilit na harapin sya.

"..."

"A-anong ginagawa mo?" -Hinawi ko ang kanyang kamay bago pa nya ito mailapat sa aking leeg at waring hipuin ako.

"Nilalagnat ka ba?" -Sya.

"..."

"Ngayon mo lang ako hindi sinalubong sa pinto galing sa trabaho..."

"...May problema ka ba?" -Magkakasunod nyang sabi.

Hindi ko parin sya sinagot at nagpatuloy sa pagtutuyo ng plato. Alam nyang may problema kahit na sabihin kong wala. Kilala nya ako at alam nyang pati kaliit-liitang problema ay dinadala ko ng malaki.

At ngayong ang pag-uwi nya na araw-araw kong inaaabangan ay hindi ko manlang napansin, talagang maninibago sya at tatanungin ako kung anong gumugulo sa isip ko.

Anong sasabihin ko gayung ipinakiusap ng dati nyang girlfriend na huwag ipaalam sa kanya?

"..."

"Wala naman. Napaaga ka lamang talaga kaya hindi kita naabangan." -Tumingkayad ako para halikan syang saglit sa labi.

"Sya nga pala, Mahal..." -Putol ko.

"..."

"Hm?" -Hawak nya sa isang kamay ang tinidor at makailang tikim sa inihanda kong hapunan.

"Ah... Pwede ba akong... Pumunta kay papa bukas?" -Pagkasabi'y binalingan nya ako ng tingin.

"...May kukuhain lamang akong gamit." -Dagdag ko.

"..."

"Sige. Susunduin na lamang kit---"

"Hindi wag na. Kay papa na lamang din ako magpapahatid pauwi." -Ako at nakuntento naman si Leedo nang tuluyan syang maupo sa hapag-kainan.

"Parating nga pala si Gunhee maya-maya at kukunin ang enrollment fee nya." -Sya.

Nag-simula akong maghanda ng mesa at maghain.

"...Bakit pinapunta mo ba, gabi na. Sana ay ipinadala mo na lamang. Sa Gyeonggi pa galing ang batang yon."

"..."

"Ayaw nya. Gusto raw nyang makitulog dito."

"Naku, alam ko na kung bakit..." -Ako.

Ganito talaga iyong si Gunhee bago tumanggap ng pera galing kay Leedo. Paraan nya iyon ng paglalambing sa kuya nya. Sila na lamang dalawa ang nagdadamayan kaya't ganoon na lamang ang pakikisama nya rito.

"Kung mag-iinom kayo ay soju na lamang ang nasa ref. Bibili na lang ako ng beer, alam mo namang mahina sa soju ang kapatid mong iyon."

"Binata na yun, hayaan mo syang uminom kung anong nariyan. Wag ka ng lumabas, mahamog na."

"...O baka sya na yan." -Sya.

Si Leedo ang tumayo para pagbuksan ang katok. At wala pang ilang segundo ay umalingawngaw na ang boses ng nakababata nyang kapatid sa buong bahay.

"Hi, Noona." -Mula sa sala ay kumaway sya sa akin sa kusina.

"Magbihis ka na at sumabay ka na sa amin ng kuya mo." -Ako.

"Yun! Sakto. Buti nalang hindi ako nag-fastfood!" -Kung anong preserved ng ugali ni Leedo, kabaliktaran naman iyon ni Gunhee.

Magkasunod na namatay sa sakit ang mga magulang nila. Bago mag-kolehiyo si Leedo ay naulila na sila sa ina, at dalawang buwan lamang ay unti-unti ring nanghina at sumunod ang kanilang ama.

Lahat yata ng part time jobs ay pinatulan ng lalakeng ito nang mawalan sila ng magulang. Isa na doon ang sa talyer ni Papa.

Madalas syang daanan doon ni Gunhee para humingi ng pera. At dahil si Gunhee ang halos ka-edad ko ay mabilis ko rin iyong nakasundo.

Noong una ay bantay lamang si Leedo sa auto & cycle supplies. Pero nakita ni Papa ang sipag at kaalaman nya sa mga sasakyan kaya't tinuruan sya nito sa pagmemekaniko. Mabilis naman nya iyong natutunan.

Nang kunin sya sa talyer ni papa ay doon ko sya unang nakita.

Kuya pa ang tawag ko sa kanya noon.

At bata pa ang tawag nya sa akin.

Madalas may grasa ang kanyang damit at katawan, at iyon ang dahilan kaya gustong-gusto ko syang pagmasdan kapag galing ako sa school.

Iyon rin ang dahilan kaya nagkaroon ako ng ideya kung gaano kaganda ang itim na tinta. Kung sa balat ni Leedo ay naging sining ang itim na kulay ng grasa... siguradong sining rin kapag ginamit ko iyon sa canvas.

Ang pangalan ko... At kung paano ko nakilala si Leedo ay isang sining rin.

Hindi lamang iyon kundi ang buong katauhan nya.

Ang makapal at malalim nyang boses, ang buhok na hindi nya hinayaang lumago kagaya ng sa ibang lalake, ang matipid nyang ngiti at ang pagsusuot nya ng simple at mga komportableng sleeveless kung saan kita ang maugat nyang braso.

Lahat ng iyon, ang sarap pagmasdan.

Pero hindi lang iyon ang dahilan kaya gusto sya.

Katulad ng pag-hanga ko sa aking papa sa pag aalaga sa amin ni mama, ganun rin ang paghanga ko kay Leedo bilang kuya at ama ni Gunhee. Gustong-gusto ko sya. Mahal na mahal noon pa man.

"Noona, masarap ka na talaga magluto. Dati lasang betsin ang luto mo. Ngayon pang-professional house wife na ah."

"Tumigil ka nga dyan at kumain ka na lamang." -Ako.

"Totoo naman diba, hyung?"

Pati sa kuya nya ay gusto nyang magpakampi. Totoo naman talaga. Ni kanin noon ay hindi ko kayang lutuin. Mabuti na lamang at ginusto kong matutunang lahat para sa asawa ko.

"Bakit hindi ka na lamang lumipat dito sa Dongguk at mag-board ka na lamang?"

"Luh, ayoko, no? Dagdag pa iyon sa gastusin, isa pa ang mahal ng tuition, hyung."

"Tsaka, sayang naman yung bahay natin sa Gyeonggi, alam mo namang nandoon pa ang mga multo ni Mama at Papa."

"Walang tumitingin-tingin sayo doon, at least dito sa Seoul ay mababantayan ka namin ni Henna."

"Luh, bat nyo pa ako babantayan? Ayoko hyung, marami akong kaibigan sa Anyang, no."

"Hm, ang sabihin mo... May nililigaw-ligawan ka sa Anyang kaya't ayaw mo---o di kaya ay may girlfriend ka na, ano? Umamin ka." -Ako habang naglalagay ng fillet sa plato ng aking katabi.

"Wala pa, Noona. Pero dadating ako dyan. Medyo nahihirapan pa kasi ako mamili e."

Pagyayabang ni Gunhee at tinaas-taasan pa ako ng kilay. Kaagad naman syang sinaway ni Leedo nang makita syang nakangisi.

"Ang daldal mo, e wala namang nagkakagusto sayo, kumain ka na lang dyan." -Ang kuya nya.

Hindi naman malayo ang agwat ng edad ng magkapatid na ito. Pero dahil pinanindigan ni Leedo ang pagiging responsableng panganay kay Gunhee, ganun na lamang rin ang pag galang nito sa kanya.

Kahit na minsan ay talagang malakas silang magbiruan, nakikita ko ang bunga ng sakripisyo ni Leedo sa kapatid. Dahil katulad nya ay magaling ito sa pag-aaral at hindi nagpabaya ni minsan.

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now