35

19 0 0
                                    

"O papa? Saan ka nagparada ng sasakyan, hindi ko narinig na dumating ka."

Hindi nya ako kaagad sinagot at dire-diretsong pumasok ng pinto. Hinubad ang suot na bowler cap at isinukbit ito sa likuran ng pinto kasama ang hinubad ring blouson jacket.

"Nasaan ang asawa mo?" -Sya at binuksan ang ref para kumuha ng inumin.

"..."

"Papa, nakaalis na po. Alas otso pasado na e."

"Napaaga ka po yata? Hindi ka ba mabubukas ng shop ngayon?" -Dugtong ko kasabay ang pagkalas sa buhol ng apron sa aking likuran.

Si papa naman ay naupo sa settee, idinikwatro ang binti pagkatapos kumuha ng home magazines sa mesa.

"..."

"Hindi na muna. Bukas ang operasyon mo, hindi ba?"

Sa katabi nya ako naupo para mas makita ako ng malapitan. May kalabuan na ang kanyang mata pero ayaw nya paring magpasalamin. Ayaw raw kasi nya nang may nakabalandra sa kanyang mukha at hindi sya maka-kilos ng maayos.

"E...opo."

"Nasabihan mo na ba ang asawa mo?"

"..."

"..."

"Opo, 'pa."

Hindi pa.

Hindi pa ako nagkakaroon ng oras at lakas ng loob na sabihin. Kanina ay sasabihin ko na sana pero nagmamadali syang pumasok sa trabaho.

Kahit na alam nyang darating sa buhay ko ang operasyon na iyon, hindi nya alam ang desisyon kong ito. Hindi ko masabi dahil ayaw kong malaman nyang napakababa na ng kakayahan kong mabigyan sya ng anak.

Sa lahat ng frustration na ibibigay ko sa kanya, iyon parin ang hindi ko kayang malaman nya. Sa ngayon... Pinanghahawakan ko yung tatlumpung porsyente na magdalang tao pagkatapos ng operasyon.

Kahit na anong paraan...maibigay ko lamang sa asawa ko ang kakulangan sa relasyon naming iyon. Umaasa akong kung may uuwian rin syang anak mula sa akin...baka mahalin nya rin ako ng buong-buo katulad ng sa dati nyang nobya.

Dahil hanggang ngayon...kahit isipin ko na hindi ako nagkukulang bilang asawa nya...hindi ko maramdamang buo ako dahil maging sya, na nag-iisang taong pinagsisilbihan ko...alam kong hindi kuntento sa sitwasyon namin.

"..."

"O. Heto."

"Buksan mo, sige."

Mula sa aking kanlungan ay kinuha ni papa ang aking kamay. At tsaka ipinatong sa aking palad ang isang puting sobre.

"..."

"A-ano po ito?"

Mabagal kong pinunit ang gilid na selyo ng papel. At pagkatapos ko masilip ng sandali ang nilalaman nito ay mabilis kong inilipat ang nagtatanong na tingin kay papa.

"Para sa operasyon mo iyan."

"Kulang pa iyan...pero malaking tulong na."

"..."

"O---huwag mong tatanggihan. Mapapalo kita." -Ang matandang ito talaga...naku.

"Papa!"

"...Saan po kayo kumuha ng ganito kalaking pera sa loob ng isang araw?!"

Sinuri nya muna ang aking ekspresyon at tsaka tumawa ng mahina at nakakaloko. Ganitong-ganito ang tawa nya noon kapag pinagtitripan nya ako at aasarin dahil alam nyang pikon ako.

"Papa!"

Bago ako sagutin ay inirolyo pa nyang isa-isa ang manggas ng suot. Maya't-maya akong sinulyapan hanggang sa magsimulang bumabaw ang kanyang pagtawa.

"Ipinagbili ko na ang truck sa kakilala ng kumpare ko."

"Matagal nya na ring inaalok na bilhin iyon."

"..."

"O diba? Kahit maedad na ang sasakyang iyon... kita mo at mayroon parin tayong madudukot kapag kailangang-kailangan mo."

"Swerte talaga ako sa truck na iy---"

"---Papa."

"..."

"Papa. Bakit po ninyo ginawa yon?"

Kahit na kuwentuhan pa nya ako kung gaanong perwisyo ang dala sa kanya ng truck na iyon sa tuwing masisira ang makina...kahit isa-isahin nya sa akin ang dahilan kaya kailangang ibenta nya iyon...alam ko at sigurado akong hindi nya bibitiwan ang ala-ala ni mama sa sasakyang yon!

Pero heto ngayon, wala na ang simbolo ng pagsisikap nilang mag-asawa. Noo'y ito ang sumusundo sa akin sa eskwelahan...ngayon nama'y ito ang magtatawid sa aking operasyon.

"Matanda na ang sasakyang iyon, Henna."

"..."

"Isa pa---hayaan mo na at hindi ko naman ipamamana sa iyo iyon dahil maayos ang sasakyan ng asawa mo."

"Pero 'pa... Ala-ala iyon sa atin ni mama."

"O? E bakit ka ba umiiyak dyan?" -Si papa at kinalas sa pagkakakrus ang kanyang mga binti.

"Ang sabi ng bumili ay gagamitin nyang dagdag na attraction sa pinagagawa nyang cafe dahil maganda ang porma para sa antique theme. Hindi raw nya ibabyahe dahil...may kalumaan na talaga."

"Kaya hayaan mo nang mapahinga ang truck na iyon. Sa gayun ay baka mapahinga rin ang lungkot ko nang mawala ang mama mo."

Kailan ba ako huling umiyak ng ganito? Na parang nanghihinayang at inis kagaya noong hindi nya ako pinayagan sa fieldtrip noong high school? Noong hindi sya umattend sa baccalaureate mass ko noong junior high? Noong inuna pa nyang bilhan ng gulong ang truck na iyon kaysa bayad sa PE uniform ko?

Nakakalungkot rin pala kapag ginawa ang sakripisyo para sayo. Nakakalungkot kapag alam mong mahal nya rin ang bagay na iyon pero mas mahal ka nya.

"Ibinigay sa akin ng papa ni Yonghoon yung lumang bisekleta ni Saga...nabubulok lamang raw sa bodega nila."

"Iyon na lamang ang gagamitin ko pagdalaw-dalaw sa inyo."

"Ang mga supplies naman sa talyer...ipadedeliver ko na lamang. Wala ka nang iintindihin, anak, wag ka nang mag-alala pa."

"...Magrelax ka para bukas, at nang gumaling kang mabilis."

"...alam mo naman, gustong-gusto ko na ng apo."

Naramdaman ko ang paghaplos nya sa aking bumbunan, pag-pingot ng mahina sa aking dalawang tainga at ang tawa nya nang mapasinghot ako ng aking sipon.

"Pa...salamat po."

"Hayaan mo at..."

"..."

"...mababayaran ka kaagad namin ni Leedo, doble doble na nga po ang oras ng taong yon sa trabaho e."

"..."

"Kung narito ang mama mo...baka pati ang bahay natin ay naibenta nya, matulungan ka lamang."

"..."

"Kaya Henna, alagaan mo ang pamilya mo."

"Higit sa lahat... ang sarili mo, anak."

Palagi akong binubusog ni papa ng mga salita nya. Noong buhay pa ang mama, isa akong batang prinsesang pinalaki ng hindi mayamang hari at reyna.

Katulad kung paano ako namulyat noon...sa lahat ng paraang alam ko...ang gusto ko lang ay maging mabuting asawa...maging mabuting ina.

Magdesisyon ng pinakang tama para sa sarili kong pamilya kahit ako mismo, kagaya ni papa ay magbigay ng hindi maliit na sakripisyo.

Dahil ganoon maging tao.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now