19

10 0 0
                                    

"Nandito na ako, Lo. Oops---Daming orders ah."

Iniwasang mabunggo ng babaeng bagong dating ang matandang dala ang may lamang mga plastic wares. Kung hindi ako nagkakamali ay apo sya ng may-ari at sa mismong 2nd floor ng kainan ang kanilang bahay.

"Magsasara na kami maya-maya, hyung. Buti nakaabot ka pa."

Halos kasabay ko si Kanghyun na lumabas ng pinto ng kainan kunsaan sya nagpapart time. Isa-isang inabot sa kanya ng matandang amo ang orders para isalansan sa kanyang sinasakyang motor.

Napadaan lamang ako para sa paboritong kimchi stew ni Solar na dito lamang nya gustong bilhin. Sakto namang narito si Kanghyun at oras rin ng trabaho.

"Bukas pa po kami, tuloy po kayo."

Magalang nyang sabi sa lalakeng estudyang nakatayo sa tapat ng kainan. Pero ngumiti lamang sa kanya ito at tumalikod na rin ng mabilis. Malamang ay kilala rin ni Kanghyun ang lalake dahil uniporme iyon ng kolehiyo kunsaan rin sya pumapasok.

"Kilala mo ba yon?" -Ako at mabilis syang umiling.

"Madalas yun kumain dito. Ang iingay nga ng mga kasama kapag kumakain dito."

"Alis ka na ba? Ingat ka." -Dagdag nya nang makitang kinapkap ko ang susi ng kotse sa bulsa.

"Hm. Ingat ka rin. Overtime ka nanaman."

Pagkapasok ko ng sasakyan ay nauna pang makaalis si Kanghyun sakay ng delivery motorcycle nya. Nagsimula ako sa engine at isinilid ang aking phone sa bulsa bago nagsimulang magmaneho.

Kung pwede lamang ay ibalik ang kotse pauwi sa bahay namin ng aking asawa. Pero hindi.

Hinihintay ako ni Solar .

Hinihintay para magcheck-in sa napili nyang hotel para sa isang gabi naming ngayon nakatakda. Bakit kailangang paghandaan nya ang gabing ito sa isang eksklusibong hotel? Hindi ba't kaya namin gagawin ito'y para sa kaligtasan ng aming anak. Isa pa'y ito ang unang gabing hindi ako uuwi kay Henna.

Anong dapat paghandaan sa mga mangyayari kung parehong hindi maganda ang dahilan at epekto nito?

Kahit na bukas ang fm radio sa loob ng sasakyan ay hindi nakabawas iyon sa tension ng aking utak. Narito parin ang rehistro ng aking asawa kanina bago ako umalis sa bahay.

Ang nakangiti nyang labi pero malungkot na mga mata.

Si Henna.

Inihatid pa nya ako sa sasakyan at ipinaghanda ng damit na bihisan para sa isang gabing ibang babae ang makakasiping ko.

"Mula noon ay hindi ka nagpalit ng perfume."

"Parehong brand parin at hindi ako nagsasawang maamoy iyon mula sa iyo, Mahal."

"Kaya't siguradong..."

"Ganoon rin si Ate Solar kapag naalala nya ang amoy na ito sayo."

Sya rin ang nag-lagay ng pabango sa aking polo matapos iyong isuot sa akin. Ang mga kilos nyang nagpapanggap na maayos ang lahat para sa kanya, alam kong ginagawa lamang nya para hindi na ako mag-alala pa sa mararamdaman nya.

"Hwag kang maglagay nyan."

"Alam mo bang..."

"Kapag nag...tatalik tayo..."

"Mas masarap na laruin ang buhok mo kapag malambot at walang clay?"

Inagaw nya mula sa kamay ko ang hair clay na palagi kong ginagamit at sinuklay lamang ang aking buhok.

"Leedo..."

"Kapag kasama mo na sya..."

"Huwag mo akong intindihin."

"Manunuod lamang ako ng Road to Kingdom habang wala ka at maghahanap ng sure buyers ng mga pinta ko."

Sabi nya nang iabot ang susi ng kotse sa akin.

Sinungaling. Kailan pa sya nahilig sa mga survival shows? Kung inaamag nga ang tv ay baka inamag na yung sa amin dahil halos walang nanunuod. At ngayon...Hindi ko alam kung paano nya iraraos ang isang gabing hindi ako katabi.

"Leedo."

"Kung kinakailangang alisin ito..."

"Para hindi mo isaalang-alang ang nararamdaman ko bilang asawa mo habang wala ka."

"Alisin mo---"

Mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay na syang maghuhubad sana sa suot kong wedding ring. Hinawi ko iyon at hindi hinayaang maalis nya mula sa aking daliri ang simbolo ng aming kasal.

"..."

"Wag na wag mong huhubarin yan sa kamay ko, Kim Henna."

Alam kong nasaktan ko sya ng igkasin ko ang kanyang braso sa pagkakahawak sa aking iyon. Pero hindi nya iyon ininda at tumalikod lamang para ayusin ang salansan ng babasahin sa mesa.

Katulad ng dati, umiiwas nanaman sya na magsalitan kami sa salitang makakapanakit sa amin. Ganito sya bilang asawa, kung pwede lamang na saluhin ang lahat ng bigat sa dibdib ay sinolo nya iyon.

Ako ang lalake pero pakiramdam ko'y ako pa ang pinoprotektahan nyang masaktan ang damdamin.

"...Gusto mo rin bang ipagsaboy kami ng petals sa kama para magpanggap na okay lang sa iyo ang lahat?"

"Kim Henna."

"...Walang babaeng bukal sa loob na magpahiram ng asawa para mag-iwan ng similya sa ibang babae."
.
Isinuko nya ang luha nang lapitan ko sya at ikulong sa aking yakap. Hindi ko matanggap na nasasaktan ko sya ng ganito at alam kong wala akong pwedeng ibang gawin para sa kanya.

Wala akong magawa para sa kanya.

"Mahal..."

"...Huwag ka nalang tumuloy..."

"..."

"..."

"...Hindi ko pala kaya."

Pero hindi ko sya napagbigyan. Dahil nandito ako ngayon para sa ibang babae. Hanggang dito at alam kong hanggang mamaya ay hindi mawawala si Henna sa isipan ko. Lalo na kung paano nya binitiwan ang aking kamay kanina para isuko ako.

Sana ay makatulog na lamang sya ngayon at sa susunod na mulat ng mata nya ay naroon na ako at katabi nya.

Isinandal ko muna ang aking ulunan sa head rest at makailang buntong hininga. Tsaka tuluyang iginarahe ang kotse sa ibabang parking lot ng hotel. Pagkababa sa sasakyan ay kinuha ko sa bulsa ang nagvibrate na handphone at dumiretso sa paglalakad habang nagsusulat ng reply.

What took you so long, Leedo?

Paakyat na ako.

Huling check sa mga messages at ibinalik ko na ulit iyon sa bulsa ng suot kong coat. Alam kong hindi na mag-memessage pa si Henna sa ganitong sitwasyon.

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now