58

5 1 0
                                    

"Ano ba kasing mayroon dito, Kuya?"

Parang tanga si Saga na maya't-maya suminghot ng uhog nya. Napaka-uhugin talaga. Ano pa bang iniiyak-iyak nya? Tapos na'ng lahat.

"Basta, pumasok ka na lang."

"Dami mong tanong-tanong, ang sipon mo, isinga mo. Kadiri ka."

Iniwan sa akin ni Dongju ang susi bago umalis kagabi. Hindi alam iyon ng kapatid ko dahil nasa cram school sya. Bumagsak kasi sa English ang gagang bata kaya't napilitang mag-adjust sa pag-aaral.

"E...ikaw na lang ang mauna. Baka kasuhan tayo ng trespassing sa mga pauso mong ito e."

E kung susi-an ko kaya ang tuktok ng baliw na to? Trespassing ba itong si Dongju mismo ang nag-bigay at nag-utos na buksan ko itong bahay nila? Kung wala lamang akong malasakit sa kapatid ko ay hindi ko susundin ang loko-lokong iyon, no.

Aalis na lamang ay ang dami pang ka-artehang ginagawa. Idinadamay pa ako.

"Alam mo palang aalis na sila. Bakit hindi mo sinabi sa akin, Kuya?"

Tsk tsk tsk. Para syang bata kung mag-maktol. Halos magsabong na ang mga kilay nya sa pagsasalpukan ng mga iyon. At ang nguso nyang nagtutulis nanaman. Sabagay ay in-born syang ganoon. At ang boses nyang malapit nang mapaos sa kaiiyak.

"Bakit ko nga sasabihin sa iyo, e ayaw nga ipasabi nung kambal?"

"Si Dongju ang sisihin mo dahil sya ang naka-isip nito. Sasabihin naman dapat ni Dongmyeong sa iyo e. Pinigilan lang nung demonyitong kakambal."

Noong nakaraang buwan ko pa nalaman ang tungkol dito. Sabi nga ni Myeong noong tumugtog kami sa Festival, gagalingan raw nya dahil baka matagal pa bago ulit kami tumugtog ng magkakasama at buong lima. O di kaya, baka hindi na kami maka-tugtog pa.

Nagkaroon ng problema ang kompanya ng kanilang pamilya sa Macau. Ayaw man ni tito ay wala syang magagawa dahil hinahabol nya rin ang panahong makabawi ito. Magtatagal raw iyon ng halos tatlong taon sa kanyang tantya. Kaya naman nagdesisyon syang isama na ang pamilya dahil ayaw raw nitong malayo sa kanila ng ganoon katagal.

Noon pa man ay makailang beses nang umalis si tito para sa mga inaasikasong nasa iba't-ibang bansa. Pero ni hindi iyon tumatagal ng dalawang buwan. Ngayon lamang nangyari ito.

"Sabihin mo sa Dongju na iyan..."

"..."

"... Manigas sya dahil hindi ko sya ime-message sa SNS, no!"

Sus. Manigas raw. Mamaya lamang pag-uwi namin ay magvovoice message na iyan kay Dongju at magsesermon. Tapos, magtetelebabad ng overseas call kay Dongmyeong.

Paano na kaya si Saga ngayong wala na syang kasabay pumasok? Baka lalong tamarin ang batang ito na mag-aral. Lalo pa at parang nawawalan na sya ng interes kay Cya. Hindi ko alam kung paano sya pupursigihing mag-aral.

"Buti naman at nagsilayas na silang dalawa, no?!"

"..."

"W-wala nang..."

"... Manggugulo sa akin. Hmph."

Sige, kunwari ay maniniwala ako sayo, Saga.

"Oo na, sige na. Bilisan mo nang mag-lakad at pasukin mo na iyan."

"May lakad pa ako e. Bagal-bagal mo."

Sinamaan muna nya ako ng tingin bago pihitin ang kaharap na siradura ng main door ng mga Son. Kagabi lamang sila umalis pero para na itong haunted house sa pag-langitngit.

Nilagpasan ni Saga ang living room. Ang kusina. At ang guest room. Nang huli akong pumasok dito noong nakaraang linggo at maka-inuman ang kambal at ang mga papa namin, buhay na buhay pa ang bahay na ito. Ngayo'y kagaya ng bahay nina Henna, naging malungkot ang dating maingay na bahay.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon