23

17 0 0
                                    

"Hoy! Magsitabi nga kayo dyan! Dyan pa kayo nagharutan at nagpicturan sa daan!"

Idinungaw pa ni Ravn hyung ang kanyang ulo sa bintana para lamang sigawan ang tatlong tao sa daan. Ang isa doo'y babaeng nananabunot ng kasama nyang lalake habang ang yung isa pang lalake ay parang siraulong kinukunan ng litrato ang mga kasama nya.

Hindi pa kami nakakalayo sa Hanyang University kaya't mukhang mainit parin ang ulo nitong si hyung.

"Yun yung babaeng gusto ni Cya, diba hyung?" -Nilingon ko pa pabalik ang babaeng kasama nung dalawang lalakeng sinigawan ni Ravn hyung sa kalsada sa tapat ng coffee shop.

"Anong malay ko?" -Sagot nya sakin.

"..."

"Ang akala ko ba'y mahinhin ang gusto nya? E mukhang mas may toyo pa kay Saga ang isang iyon ah." -Si hyung na akala ko'y walang pakialam sa sinabi ko.

Pero totoo, iyon nga ang babaeng gusto ni Cya. Kaklase nya kasi iyon at madalas ko ring makita ang babaeng iyon noon sa tenement nina Wooshin.

Freshman sya sa kapareho kong course at isa sya sa masasabi kong may potensyal ngayon sa mga bagong estudyante. Malamang iyon rin ang nagustuhan sa kanya ni Cya. Ang pagsasayaw nito o kaya'y ang kakaibang appearance kumpara sa ibang babae.

Ang kaibahan nya kay Saga? Hindi ko sya nakikitaan ng mukha kundi ang mahaba nya't nakakatakot na buhok. Kung tao ba sya, hindi ko pa nasisiguro.

"Saan ba tayo pupunta?" -Ako.

Nakita ko namang may kinakapa ang isang kamay nya sa loob ng kanyang bag. Saglit pa'y ibinato nya ito sa mukha ko. Muntik pa akong mapuwing ng sarili kong pilik-mata nang mahagip nito ang mata ko.

Bakit ba kasi sisilip-silip ako sa kinukuha nya kanina?

"A-ano to, hyung?"

Nakita ko na nga kung ano iyon ay itinatanong ko pa. Ang ibig kong sabihi'y bakit binato nya ako ng puting tshirt. Amoy perfume nya pa at hindi ako sigurado kung labahan nya iyon dahil mabango.

"Ano pa, edi damit ko. Magpalit ka, naka-uniporme ka pa."

"D-dito ako magpapalit, hyung?"

"Saan pa ba? Alangan namang ibaba pa kita sa gasolinahan para lang magbihis."

Tanginang---daig pa nito ang tumandang binata sa init ng ulo ah.

"Wala ka namang suso kaya magbihis ka na dyan.  At bilisan mo na malapit na tayo."

Hindi naman sya ganito ka-suplado kapag kasama ang mga kaibigan namin. Sa totoo lang, isa sya sa mga mababait at galanteng barkada ng asawa ni Henna. Kaya ko lang naman nakilala ang Ravn na ito ay dahil rin sa mag-asawang iyon e.

Sumulyap ako sa paligid ng dinadaanan ng kotse at puro kabahayan lamang ang nakita ko. Halos aanim na minuto pa lamang syang nagmamaneho dahil nasa Seongdong district parin naman kami. Malamang ay narito rin ang pupuntahan namin.

"Sinong pupuntahan mo dito?" -Bumaba ako sa kotse nang masiguro kong bababa rin sya sa maliit na garahe ng condominium na tinigilan ng kotse.

"Sure. Nasa baba na ako."  -Hindi ako ang kausap nya kundi ang tawag sa phone nya.

Sinundan ko si hyung nang sumakay sya sa elevator at pindutin ang second floor lamang.

Saglit pa'y bumukas iyon at saglit na lumakad hanggang nasa tapat na kami ng pintong pinag-bell-an nya.

Mabilis naman ang pag-bukas noon at iluwa ang lalakeng mukhang bagong gising at halos matabunan ng mahabang bangs ang sariling mukha.

"Sino sya?" -Tanong kay Ravn hyung ng lalakeng hubad at kita ang garter ng underwear.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now