PROLOGO

62 4 0
                                    

May nakaraan talaga tayo na gusto nating balik-balikan. Pero paano kung 'yong nakaraan mo, bangungot pala para sa 'yo.

Maraming pangyayari ang gusto nating alalahanin. Pero paano kung sadyang nilimot na s'ya ng sistema mo, anong gagawin mo?

Mga bagay na hindi talaga natin maipapaliwanag, hindi malaman kung paniniwalaan o ipagsasawalang-bahala na lamang.

Kaya mo bang balikan ang lahat? Balikan simula una, balikan ang nakaraan, balikan ang lahat ng bagay?

Paano kung sa kagustuhan mong iyon, ay siyang maging dahilan ng pagkawala ng mga mahal mo sa buhay? Mga taong malalapit sa 'yo, mga taong pinapahalagahan mo.

Gugustuhin mo pa rin ba na balikan lahat ng 'yon? Alalahanin bawat parte ng nakaraan mo? O ibabaon mo na lamang ito sa limot?

Paano? Paano kung kuryosidad mo mismo ang naglalapit sa nakaraan mo na nakabaon na sa limot? Handa ka bang harapin ang lahat nang ito?


-Fearless by eninaaaaaj

Fearless (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon