KABANATA 3

23 2 2
                                    


Iris POV

Ilang oras pa bago kami makarating sa beach na pag-aari ng pamilya nung kambal. Sobrang ganda dito, marami ring tao. Agad naman humawak sa braso ko si Lili. "Thank you, sumama ka"  seryosong sabi nito, natawa naman ako.  "Pasalamat ka na lang, mahal kita" sabay ngisi ko sa kanya, ngumiti naman sya.  "Alam ko 'yun, mahal rin kita" inakbayan ko naman sya.

"Ang ganda mo talaga" bulong ni Cy sa 'kin, agad ko naman siyang inirapan.  "Alam ko na 'yan, matagal na"  sabay ngisi sa kanya.  "Sungit palagi, gusto mo ng Ice Cream? Ikukuha kita sandali" hindi pa ako nakakasagot nang bigla siyang umalis, bruho talaga.

"Tatlong flavor na 'to, anong gusto mo?" nakangiting sabi nito sa 'kin, natawa naman ako sa inasta niya. Parang batang galak na galak. Tinignan ko naman iyong mga hawak nya, agad ko namang itinuro yung cheese flavor.  Agad nya naman akong hinila sa mga upuan saka iyon binuksan sa harapan ko at ibinigay sa 'kin.  "Anong kailangan mo?" diretsong tanong ko dito, agad nya naman akong nginitian.  "Wala"  sagot naman nito pabalik sa 'kin.  "Anong trip mo ngayon? Nauntog ka  ba?" nang aasar na tanong ko sa kanya.

Sa lahat ng kaibigan kong lalaki, sa kanya ako pinaka malapit.  "Sabihin mo na" saad ko dito, agad naman siyang namula.  "Ano kasi...."  nahihiyang sabi nito.  "Gusto ko sanang yayain si Lili lumabas sa susunod, kaso 'di ko alam yung gagawin" natawa naman ako.  "Kaya mo ako kinukulit?" tumango naman siya sa 'kin.  "Bakit sa 'kin ka lumapit, wala akong alam sa ganiyan" natatawang saad ko.  

"Alam kong sobrang daming lalaki na ang sumubok sa 'yo manligaw, saka kayo bang mga babae, anong klaseng panliligaw gusto niyo?" tanong nito.  "Wala, mali ka ng taong pinagtanungan. Madaming nagtangkang manligaw sa 'kin, kaso hindi ako interesado" seryosong sabi ko.

"Bakit 'di ka magtanong kila Vin?" suhestiyon ko dito, sumimangot naman siya. "Pagtatawanan lang ako nun" tinapik ko naman ang ulo niya.  "Bakit ka naman nila pagtatawanan? Kapatid mo 'yun, mga kaibigan mo rin" nakangiting sabi ko dito.

"Ilang taon na tayong magkakaibigan, kung ano yung pagkakakilala mo kay Lili, hindi magbabago 'yon. Saka..."  nginisian ko naman siya.  "Dalawa na naging girlfriend mo, ano ka ba" natatawang sabi ko sa kanya, sinimangutan nya naman ako.

Alam ko namang may gusto sya kay Lili, matagal na. Palagi ko siyang nahuhuling nakatingin dito, araw-araw niyang pinapantasya ang kaibigan ko. Suportado naman ako sa gugustuhin nilang lahat, hindi man halata pero palagi akong nandito for them.  "Salamat dito, tulog muna ako" saad ko.  "Lagi ka namang tulog" natawa naman ako saka umalis papasok sa loob ng hotel.

"Matutulog ka na naman?" tanong sa 'kin ni Em.  "Oo, aga mo akong ginising kanina eh" agad nya naman akong inirapan.  "Pumunta tayo dito para magbakasyon, magrelax. Kung dadayo ka lang pala ng tulog dito, sana dinala mo na lahat ng gamit mo" iritadong sabi nito, masama bang matulog?  "Tara sa baba, swimming tayo" saka ako nito hinila.  "Sobrang init kaya, ikaw na lang" saka ko ibinigay ang buong pwersa ng katawan ko upang mawala sa pagkakahawak niya, saka pabagsak na humiga sa kama.  "Edi dun tayo sa hindi mainit" pagpilit nito sa 'kin. Bigla namang pumasok si Mich at Lili sa kwarto.  "Ayan! Sila yayain mo" natatawang sabi ko dito.

Agad naman siyang lumingon sa dalawa. "Tara sa baba, swimming tayo" saad nito sa dalawa, agad naman silang tumanggi.  "Kakain pa kami sa labas, tatawagin sana namin kayo kasi nandoon na lahat, kayo nalang hinihintay 'no" sabay irap ni Mich. Agad naman akong tumayo at pumunta sa baba. Kakain na lang ako kaysa mag-swimming ng ganito kainit, 'no.

Nakita ko namang masayang naghahanda ng pagkain ang iba pa naming kaibigan.  "Iris!" pagtawag sa 'kin ni Faith.  "Gusto mo dito ka sa tabi ko maupo?" malambing na sabi nito sa 'kin, sasagot na sana ako nang magsalita si Faye.  "No, dito sya sa tabi ko" anong trip nitong mga 'to?

"Nag-aaway pa kayo, dito kana maupo" saad naman ni Vin, sobrang ingay nila grabe.  "Dito ka na lang, tabi tayo" saad ni Cy sa 'kin, napatingin naman ako kay Marl na makangiting nakatingin sa 'kin. Agad naman akong lumapit sa tabi niya saka umupo, mukhang nagulat naman sila.  "Talaga nga naman oh, bakit diyan ka naupo? Ayaw mo na sa 'kin?" tanong ni Cy.  "Ayoko naman talaga sa 'yo, kailan pa kita ginusto?" saad ko dito, sumimangot naman siya.  

Fearless (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon