KABANATA 11

11 1 0
                                    

Marl POV

"Sira na ba ulo mo? Ano pang tinatanga-tanga mo diyan? Hanapin mo yung bata!" malakas na sigaw ni Dad sa 'kin nang sabihin ko na wala si Rence sa buong bahay. "Opo, hahanapin ko po sya." padabog naman siyang umalis.    "Anak...pagpasensyahan mo na ang Daddy mo. Stress at pagod lang 'yon sa trabaho. Hanapin na natin si Rence, okay?" matamis naman akong ngumiti sa kaniya saka ako lumabas ng bahay.

Naikot ko na ang buong subdivision namin. Nagtataka ako kung paano nakalabas mag-isa ang kapatid ko gayong super daming bantay dito since private property 'to. Kanina pa ako ikot ng ikot, hindi ako mapakali. Nagchat na rin ako sa gc namin since baka nakita nila yun kapatid ko, nagpatuloy naman ako sa paghahanap.

Papunta na sana ako kila Vin para magpatulong maghanap, bigla namang tumawag si Iris at sinabing nasa kanila ang kapatid ko. Nakita nya daw 'tong nakaupo sa labas ng gate nila. Nagmadali naman ako nagtungo sa kanila.

Agad ko namang nadatnan si Rence na masayang masaya habang kumakain, agad nya naman akong niyakap nang makita nya ako. Tinanong nya pa ng ilang ulit kung maaari kaming bumalik dito, nagulat naman ako nang pumayag si Iris. Mahilig nga sya sa bata, hindi halata.

Nandito na kami sa loob ng kotse, nakapagpaalam na rin kami kila Iris. Agad ko naman kinausap si Rence.  "Sa susunod, 'wag kana aalis sa bahay basta-basta, naiintindihan mo?" mahinahon na sabi ko dito.  "Nag-aalala si Kuya, si Mommy saka si Dad." pahabol ko dito. "Yes Kuya."  malungkot na sabi nito. "Masaya bang kasama si Ate Iris?" nakangiting tanong ko dito, agad naman siyang tumango. "Super, Kuya! Ang ganda ganda nya, ang bait pa." nakakatuwang makita yung kapatid ko na naging malapit agad sa kanya sa sandaling oras. Lagi kasing nakakulong sa bahay si Rence, wala siyang kalaro.

Madalas kami lang magkasama saka ilap sya sa ibang tao lalo na't hini nya kakilala kaya naman nagulat ako nang tila ba ayaw nya nang umuwi sa bahay. "Kapag malaki na ako, pakakasalan ko sya! Sabi ni Ate, pag-iisipan nya daw." kinikilig na sabi nito, ngayon ko lang sya nakitang ganito kasaya. "Talaga? Sinabi nya 'yun?" natatawang sabi ko, masama naman siyang tumingin sa 'kin.  "Ikaw kuya, gusto mo rin ba siyang pakasalan?" nagulat naman ako sa tanong nya. Nakasimangot naman siyang nakatingin sa 'kin.  "Oo, gusto-" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang umiyak sya bigla.  "Hindi pwede, Kuya! Ako ang nauna" sigaw nito habang umiiyak. Papatahanin ko naman sana sya nang hampasin nya ang kamay ko. "I hate you, Kuya. Hindi na kita papahiramin ng toys ko." natawa naman ako sa kanya.

Gusto nya talaga si Iris. "Then, hindi mo na makikita si Ate Iris mo. Remember, hindi kana makakalabas ng bahay kung hindi mo ako kasama?" pananakot ko dito, lalo naman siyang umiyak. "I hate you, Kuya! Fine, papahiramin na kita ng toys ko but you should bring me to her, okay?" pasigaw na sabi nito. "Hindi ka dapat nagagalit kay Kuya because of that. In the future, maiintindihan mo rin kung bakit. I'm still your Kuya so don't get mad at me." hindi nya naman ako pinapansin. "Naintindihan mo, Rence?" nakasimangot naman siyang tumango.

Nang makarating kami sa bahay, agad lumapit si Mommy sa 'min. Niyakap nya naman si Rence. "Saan ka ba galing, anak? Nag-alala kami sa'yo. Don't do that again, okay?" nakangiti naman siyang tumango.  "Mom, kailan po ako pwede magpakasal?" tanong nito, nagulat naman ako sa sinabi nya. Tumawa naman si Mommy. "Kapag big boy ka na like Kuya." agad naman tumingin sa 'kin si Rence. "So, pwede na po magpakasal si Kuya?" kinakabahan na tanong nito. "Yes, kapag nagkaroon na sya ng work and money para masustentuhan yung magiging family nya, pwede na siyang magpakasal." bigla naman tumakbo si Rence papunta sa taas.  "No, hindi pwede Kuya!" natawa naman si Mommy. "Mukhang mahal na mahal ka talaga ng kapatid mo ah, to the point na ayaw ka nya maikasal." tumatawang sabi nito.    "No, Ma. Yung babaeng gusto ko, gusto nya rin." nanlaki naman ang mata ni Mommy. "Really? So magkaribal pala kayo ngayon?" Saka ulit ito tumawa. "By the way, who's that girl?" kinikilig na tanong nito. "Hindi mo naman po sya kilala." nahihiyang palusot ko. "If maimpluwensya ang family nila, kilala ko sya syempre." pamimilit nito. "Soon ma, I'll tell you promise." saka ako tumakbo pataas.

Nakakahiya, actually ayokong sabihin kay Mommy since for sure aasarin na naman ako nun. Nagulat naman ako nang pumasok si Ate Mara sa room ko. "Sir, nandiyan na po Daddy nyo. Pinapatawag po kayo" agad naman akong kinabahan, ano na naman kaya 'yon.

"Buti naman bumaba ka na, umupo ka." saad nito, napatingin naman ako kay Mommy na malungkot na nakatingin sa 'kin. Anong problema? Kinabahan naman ako nang magsalita si Daddy. "Uuwi bukas galing States yung anak ni Mr. and Mrs. Castillo. Remember Casey? Kaklase mo sya nung High School." nakatingin lang ako sa kanya. "Gusto kong pakasalan mo ang anak nila, sa lalong madaling panahon." agad naman akong napatayo nang marinig ko ang sinabi nya. "Bakit, Dad? For business na naman? Mukha po ba akong item sa inyo?" galit na sabi ko, agad naman siyang tumayo. "Hindi ka ba tinuruan rumespeto? Ang tapang mo ah. Ginagawa ko lang 'to para sa ikabubuti mo." nanatili namang tahimik si Mommy.  "Para sa 'kin, Daddy? O para sa kapakanan mo?" nagulat naman ako nang suntukin nya ako, shet may pictorial pa ako bukas. "Stop it, Hon." pagpigil ni Mommy dito, lalo naman akong nagalit nang sampalin nya ang Mommy ko, bigla naman umiyak si Rence.  "Sobra ka na, Dad. Masyado ka nang makasarili, dapat iniisip mo rin kami."  saad ko. "Kung nabubuhay lang sana ang Kuya mo, hi-" hindi ko na sya pinatapos at nagsalita na ako. "Hindi ko naman ginustong mawala sya, Dad. Kung papipiliin lang rin naman ako, sana ako nalang yung nawala para hindi ho kayo namo-mroblema." saad ko saka umalis. Agad naman ako nag-impake ng gamit ko, pinigilan naman ako ni Mommy.  "Ma, babalik din ako. Hihintayin ko lang po na mawala yung galit ni Daddy kahit papaano. Ayoko pong nasasaktan kayo dahil sa 'kin." malungkot na sabi ko. "Hayaan mo anak, balang araw makakawala din tayo sa hawla ng ama mo." umiiyak na sabi nito, agad ko naman pinunasan ang luha nya. "Ga-graduate na ako, Ma. Kapag may trabaho na ako, aalis na tayo dito ha?" tumango naman siya.  "Sa condo ko po muna ako, mag-iingat po kayo. Babalik rin po agad ako." nakangiting sabi ko.

Nang makarating ako sa baba, bigla naman nagsalita si Daddy.  "Kailangan ngayong lingo, magkaroon kayo ng time para makapag bonding. Naghihintay si Casey." hindi ko nalang siya pinansin, agad rin akong lumabas para umalis.

Fearless (Ongoing)Where stories live. Discover now