KABANATA 22

13 2 0
                                    

Marl's POV

Mabilis rin lumipas ang araw, magaling na lahat ng sugat ko. Tumawag kasi sa 'kin si Mommy na nasa bahay na daw sila, wala daw ako. Nagpaalam naman ako kay Iris at nagpasalamat, maaari daw akong bumalik sa kaniya kung kinakailangan.

Nagtaka naman ako nang makakita ako ng dalawang kotseng nakaparada sa tapat ng bahay namin, mukhang wrong timing ang pag-uwi ko. Malalakas na boses, nagtatawanan at nagkukwentuhan, iyan ang bumungad sa 'kin nang muli akong makapasok sa loob ng bahay. Agad naman akong sinalubong ni Mommy saka ako niyakap. Maya-maya pa, malungkot itong tumingin sa 'kin.  "May bisita tayo, anak." bulong nito, paakyat na sana ako sa kwarto nang tawagin ako ni Dad.

"Ang laki na ni Marl, parang kailan lang." pagbati ng isa sa 'kin, hindi ko naman maalala kung sino sya. Hindi ko naman maiwasang pansinin ang nakakamatay na tingin sa 'kin ni Daddy. "Hindi ka manlang ba magbibigay ng galang? Nandito sila para sa 'yo." nakangising saad nito, pilit naman akong ngumiti sa kanila.  "Magandang tanghali po." napansin ko naman ang isang babae na mukhang nasa edad ko lang rin, mukhang eto na si Casey.

"Samahan mo muna si Casey sa garden." utos ni Daddy sa 'kin, blangko ko namang tinignan si Casey. Nagulat ako nang tumayo sya at ilagay niya ang kamay nya sa likod ko. "Tara?" nakangiting sabi nito, hindi ko naman maiwasang bumuntong hininga nalang.

"Ang tagal rin nating hindi nagkita, Marl. Mas lalo kang gumwapo ngayon, mukha kang bituin sa langit." sobrang lawak ng ngiti nya ngayon, umiwas naman ako ng tingin. "Bituin na kahit kailan, hindi mo maaabot." saad ko dito saka binilisan ang lakad. Tahimik akong nakaupo malapit sa pool nang maramdaman kong sumunod din sya, hindi nya ba ako maunawaan? Sadyang manhid na yata sya.

"Ilang oras kitang hinintay nung magkikita sana tayo, nalungkot ako kasi hindi ka dumating." ramdam ko sa boses nito ang lungkot na nadarama nya, hindi ko naman pinansin ang sinabi nya. "May girlfriend kana?" tanong nito, diretso naman akong tumingin sa kanya. "Wala" maikling sagot ko, nakita ko namang pasimple siyang ngumiti. "Pero may isang babae akong nagugustuhan, at patuloy na gugustuhin." tila naman parang bula na unti-unting naglalaho ang malaking ngiti niyang iyon.

"Ayos lang, hindi mo pa naman sya girlfriend." pilit naman nitong binubuo ang pag-asang kahit kailan hindi naman nagkaroon. "Gusto mo ba ako?" tanong ko, sandali naman siyang natigilan saka mahinang tumawa. "Simula noon, hanggang ngayon. Hindi nawala yun, Marl. Actually....habang patagal ng patagal, mas ginugusto kita. Wala naman sigurong masama doon?" nauna naman akong tumayo saka sya iniwan.

Malaki ang respeto ko sa lahat, lalo na sa babae. Pero tuwing naiisip ko na isa si Casey sa mga dahilan kung bakit nagkakaproblema ako, hindi ko maiwasang magalit. Naiintindihan ko kung gusto nya ako o ano, pero sana naman maisip nya rin na hindi lahat ng hinihiling nya, nakakabuti sa iba.

Ilang beses ko tinawagan si Iris pero hindi sya sumasagot, bigla naman akong kinabahan. Agad akong umalis kahit na ipinapahatid pa sa 'kin ni Daddy si Casey. Nakapunta nga sya dito ng wala ang tulong ko, bakit hindi sya makauwi ng sya lang ngayon.

Ibinigay ni Mommy yung susi at ilang gamit ko, nalaman nya rin ang ginawa ni Daddy sa 'kin. Sinabi ko namang babalik ako mamaya para makipag-usap sa kanya pag umalis na si Daddy.

Mabilis naman akong nakabalik sa condo, pero wala doon si Iris. Sinubukan ko rin tawagan si Lili kanina pero wala raw sya sa bahay, kasama nya si Cy. Isang linggo na silang lumalabas ng magkasama, hindi ko alam kung ano nang meron sa kanila.

Nag-iwan naman ako ng message kay Iris, umaasang mabasa nya iyon kasi lubos akong nag-aalala sa kanya. Nagawa ko namang makabalik agad matapos ang pagdaan ng dalawang oras. Nasa company na daw kasi si Daddy.

Agad naman akong pinaupo ni Mommy nang makarating ako sa bahay, napakadami niyang pagkain na inihain kesyo hindi naman daw ako nakakain kanina nang makarating ako. Ipinagluto nya rin ako ng paborito kong pakbet. "Galit na galit ako sa daddy mo nung malaman ko yung ginawa nya sa 'yo. Kung hindi ko lang mahal 'yang ama nyo, matagal ko na iniwan 'yan....gusto kong magkaroon tayo at mabigyan ko kayo ng masaya at kumpletong pamilya." malungkot na sabi ni Mommy. "Paano ka nakatakas kung inilubid at ikinadena ka ng mga tauhan ng malupit mong ama?" tanong nito sa 'kin, alam kong galit si Mommy pero kahit ganoon, 'di nya matiis si Daddy. Kumpletong pamilya ang hangad naming lahat, ang sakit lang isipin na wala dito si Kuya. Siya lang kasi ang kayang magpakalma tuwing galit si Dad.

Agad ko namang ikinwento kay Mommy yung nangyari, makahulugan naman itong ngumiti sa'kin.  "So...sya rin gumamot sa'yo?" tumango naman ako.  "Sa condo nya po ako  nagstay ng almost 2 weeks, Ma. Alam ko po kasing babalikan ako nung mga 'yon. Saka...sya rin po nagdesisyon na manatili ako doon." sabay kamot ko ng ulo. "Gusto ko siyang makilala, after all I think deserve ko namang makilala at makilatis ang future-daughter-in-law ko."  Ipinaghanda nya naman ako ng maiinom. "Gusto mo ba magpacheck-up?" tanong nito sa 'kin, agad naman akong umiling.  "Kapag may kakaiba kang nararamdaman, sabihin mo agad sa 'kin okay?" tumango naman ako saka ngumiti sa kanya. "Nga pala...ayokong magtrabaho ka sa company ng Daddy mo. Alam kong kailangan nya ng tagapag-mana, kaso kailangan ko rin." saka sya ngumiti. "Alam kong pahihirapan ka ng daddy mo sa trabaho, wala pa man ay batid ko na. Saka, plano kang ipasok ni Mrs. Ancayan sa company nila, then later on kapag sanay kana, ipopromote ka daw nila as Vice President since yung anak nilang babae ang hahawak ng company na 'yon" tumango naman ako.

Lumipas pa ang ilang oras, hindi pa rin sumasagot si Iris sa messages ko. Kanina pa ako kinakabahan ng sobra, sana naman ay maayos lang sya. Sinubukan kong tawagan ulit si Lili pero wala daw si Iris sa bahay, may pinuntahan daw at bukas pa uuwi. Saan naman kaya sya pupunta? Hindi manlang sya nagsabi nang masamahan ko sya. Mahirap umalis ng mag-isa, hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa kanya.

Fearless (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon