KABANATA 23

10 2 0
                                    

Iris POV

Nagising ako dahil nakarinig ako ng boses ng batang babae, mukhang kanina nya pa ako ginigising. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako, sobrang lakas pa rin ng ulan sa labas. Nakahiga ako sa luma kong kama, inaalala kung ano ang napanaginipan ko.

Sa panaginip ko, isang matandang babae ang nakita ko pero mukhang hindi ko pa sya nakikita kahit minsan. Mukhang may kausap siyang isa pang babae at isang lalaki, galit na galit ito. Hindi ko maintindihan kung ano yung pilit nilang pinagtatalunan, may narinig din akong mga iyak at kung ano-ano pa.

Napilitan akong bumangon nang makitang patay ang phone ko, buti na lang nakapagpaalam ako kila Mama bago ako pumunta dito. Busy kasi sila sa trabaho, binigyan naman nila kami ng tatlong buwan para makapagpahinga. Pagkatapos niyon, pwede na kami magsimula sa trabaho. Kailangan ni Lili pumunta sa ibang bansa dahil nandoon ang ilang kompanya ng mga magulang nya na siyang patatakbuhin niya. Ako naman, yung negosyo ng mga magulang ko dito sa Pilipinas ang iintindihin ko. Gusto sana ni Mama na sa ibang bansa din ako mag-focus pero tumanggi ako. Mas gusto ko dito sa Pinas, nandito ang buhay ko.

Tila naman tumindig lahat ng balahibo ko nang makarinig ako ng sitsit mula sa labas ng kwarto ko. Madilim dito sa loob ngunit may sapat na ilaw naman sa labas. Natatakot at kinakabahan man ay pilit akong bumangon para tignan kung ano 'yon. Mukhang nandito na naman sya. Hindi ko lubos makita ang mukha nya dahil bukod sa puro sugat at dugo sya, mayroon siyang suot na saklob sa ulo. Palagi rin siyang nakatungo. Marahan kong binuksan ang pintuan saka maingat na inihakbang ang mga paa ko. Pababa na sana ako nang makita ko ang isang batang nakatalikod sa bandang gilid ko. "Huwag kang lalapit! Ano bang kailangan mo?" Tarantang tanong ko dito, palagi niyang bitbit ang isang manikang nakabaliktad ang ulo at putol ang binti. Bigla naman siyang umupo. "Si Kuya Mon, sinasaktan nya po ako. Galit na galit siya sa 'kin." saka ito umiyak. "Kailangan kita, ikaw lang ang makakatulong sa 'kin." Saka ito marahang umikot para harapin ako, nanatili siyang nakatungo. Maputi ang kaniyang balat, tila naman mga alon ang buhok nitong kulay itim. Mala bituwin na kumikinang. Mukha siyang apat o limang taong gulang, nakasuot siya ng kulay puting bestida na may burda sa kanang dibdib na isang bulaklak.

"Bakit hindi ka makatingin sa 'kin?" Matapang na sabi ko dito. Tumigil naman sya sa pag-iyak. "H-hindi ko kaya." Saka ito tumakbo papunta sa direksyon ko, napaurong naman ako ng hakbang nang dahil dito. Mahina niya akong nabangga saka siya bumaba sa hagdan. Hahabulin ko sana siya ngunit nasipa ko ang manikang kanina ay hawak nya. Nanginginig man ay pinulot ko 'to, napapikit naman ako nang biglang kumidlat. "Ikaw lang ang makakatulong sa 'kin." boses iyon nung batang kaharap ko kanina, iniikot ko naman ang paningin ko ngunit wala na sya dito.

Dahan-dahan ko namang inabot ang manikang nahulog nito. Bawat detalye nito ay isa-isa kong tinignan. Ngayon ko lang napansin na ang bestida nang manika ay may burda ring bulaklak katulad ng sa bata. Sa ibaba niyon ay nakasulat ang Jera. Kung ano ang ibigsabihin ng Jera ay hindi ko batid hanggang sa maalala ko ang isa sa mga panaginip ko.

Hindi kaya siya ang bata sa panaginip ko? Bakit kailangan ko siyang tulungan gayong hindi ko naman sya kilala. Ngayon ko lang narinig ang pangalang iyon.

Babalik na sana ako sa kwarto ko nang makitang bukas ang pintuan ng kwarto dati nila Mama, kinilabutan naman ako dahil mag-isa lang ako dito. Kaya papaanong bigla iyong magbubukas samantalang ang pagkakaalam ko ay naka lock ang pintuang iyon? Marahan naman akong naglakad patungo doon, isasara ko na sana iyon nang mapaisip ako kung ano-ano nga ba ang laman ng silid na ito.

Unang umagaw ng atensyon ko ang isang album na may nakasulat na malaking M sa labas, agad ko naman iyong binuksan. Tila naman nanglambot ang puso ko nang makita ko ang mga luma naming litrato. Ako, si Mommy at Daddy. Nagtaka naman agad ako kumng bakit ito nandito. May isang litrato naman akong nakita kung saan nasa likod namin ang isang malaking bahay. Kung saan ito matatagpuan, hindi ko alam.

Sa paghahanap ko, nakita ko naman ang isang puting kahon. Nang buksan ko iyon, samu't-saring mga dokumento. Isa-isa ko naman iyong tinignan. Mukhang mga papel ito tungkol sa mga nagdaan naming kasambahay. Agad ko naman itong kinuha, mukhang kakailanganin ko 'to. Unti-unti nang humina ang ulan kaya napagpasyahan kong umuwi muna sa bahay ko. Naalala ko rin si Marl, sana ay nasa maayos na lagay siya ngayon.

Isa-isa kong inilagay sa kotse ko ang mga gamit na nakuha ko kanina. Napaka dilim sa labas, tanging patak lang ng ulan at mga kulog ang naririnig ko. Nasa gitna na ako ng pagmamaneho nang makita ko ang isang batang naglalakad, agad naman akong huminto para tanungin ito. "Bata, umuulan pa oh. Gabi na, bakit nasa labas ka? Magkakasakit ka." nagulat naman ako nang humarap ito sa 'kin, wala na siyang saklob pero puno ng putik ang mukha nito. Kinilabutan naman ako nang ngumiti ito. Hindi ako pwedeng magkamali, sya yung bata kanina! Maging ang kaniyang damit ay katulad na katulad sa batang si Jera. Tanging itim na itim na mata at mapupulang labi lamang ang napansin ko sa kanya. Hindi ko mabatid ang tunay niyang itsura dahil sa sobrang dumi nya ngayon.

Nang bumaba ako sa sasakyan ko, nagulat ako nang mawala siya sa pwesto kung nasaan sya kanina. Nagtayuan naman ulit ang balahibo ko nang makaramdam ako ng malamig na kamay mula sa likuran ko. Mariin akong napapikit saka humarap, seryoso itong nakatingin sa 'kin. "Babalik ako." saad nito saka siya tumakbo, rinig na rinig ko naman ang malakas nitong pagtawa. Nababaliw na yata ako.

Mabilis akong nakarating sa bahay nang mapansin kong bukas ang ilaw sa labas, napaisip naman ako dahil ang alam ko ay hindi ako nagbukas ng ilaw nang dumaan ako dito. Agad naman akong pumasok at dumiretso sa kwarto ko para magpalit, nabasa kasi ako kanina. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina, maging ang nakakadalang halakhak nito ay nagpapaulit-ulit sa isip at tainga ko.

Akala ko naman ay hihimatayin ako nang buksan ko ang pinto ng kwarto ko, anong ginagawa nya dito? Agad naman akong napairap nang hilahin ako nito. "Na miss kita." saad ni Amy, kapatid ni Aden. "Anong ginagawa mo dito? Saka paano ka nakapasok dito? Paano mo nalamang nandito ako?" sunod-sunod na tanong ko, bumuntong hininga naman sya saka ako hinila malapit sa upuan.  "Kakakuha ko lang ng bahay dito sa building na 'to. Kaibigan ko kasi yung isang staff sa baba, hindi ko sinasadyang makita yung list ng mga nakatira dito. Tinitignan ko kasi kung ano nalang yung available dito. Nakita ko yung pangalan mo so...." saka sya tumingin sa 'kin habang nakangiti.  "Ayaw nya ibigay yung spare key para makapasok ako kaya sya nalang pinagbukas ko. Sinabi ko kasing best friend kita." saka ito tumawa, nasapo ko naman ang noo ko. "Walang pwedeng makaalam na nandito ako, naiintindihan mo? Kahit sino, kahit si Aden." matalim ko naman siyang tinignan, agad siyang tumango at sumimangot.  "Oo na, saka tinignan ko lang naman kung nandito ka. Hindi na mauulit, promise" inirapan ko naman sya.

Fearless (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon