KABANATA 27

6 2 0
                                    

Em's POV

Nakapag-apply na ako sa ilang kompanya para makapagstart na ako sa trabaho. I'm just waiting nalang for the confirmations. May sariling restaurant na pinapatakbo ang parents ko, gusto ko rin naman silang tulungan doon but gusto ko muna magkaroon ng experience first since about business naman ang tinapos ko.

Masyadong busy si Iris, hindi ko manlang sya nakakausap. Si Faye at Faith naman ay nagtatrabaho na sa Company nila. Sabi nila, Dad daw nila ang pumili ng kukuhanin nila, well inis na inis si Faye kasi hindi sila binigyan ng pwesto. Ordinary employee lang daw. Pero magbabago pa naman daw 'yon since bago pa lang sila nagsisimula. Isa lang kasi ang Company na pinapatakbo ng Family nila. Ang Dad nila ang President while yung Mom naman nila ang Vice.

Si Vin at Cy naman, mags-start na next week. May posisyon sila sa Hotel Company nila pero hindi pa daw ganoon kataas, kailangan pa nilang makipag compete sa iba para mapromote. Natawa naman ako sa kanila. Si Mich at Keith naman ay kasabay ko nag-apply habang si Kier ay Secretary ng Dad nya. Badtrip sya dahil mukhang trip daw sya ng ama nya, wala naman siyang magagawa.

Si Lili naman, wala lamon pa rin ng lamon. Ilang linggo na lang ay magsisimula na rin sya magtrabaho, kinakailangan nya naman na pumunta sa ibang bansa para doon. Si Marl naman, busy kasi madami daw pinapaayos yung Mommy nya.

Nandito naman ako sa restaurant namin ngayon para tumulong sa pagseserve ng pagkain. Still, waiting pa rin naman ako at hindi naman ako busy kaya dito muna ako tutulong ngayon.

Nakareceive naman ako ng message galing kay Kier na pupunta daw sya dito, agad naman ako nag-ayos. Ilang taon ko na rin crush si Kier sa totoo lang, I admire him so much. Masaya siyang kasama kahit na madalas siyang makulit. Isa pa, gustong gusto sya ng parents ko. Masyado daw magalang and galing sa respetado ring pamilya.

Nakaready na rin ako para sa fashion show na gaganapin ilang araw na lang ang nakalilipas. Madami daw international models ang aattend at sila Iris pala ang mag-aayos para sa event. Ngayon ko lang nalaman na nagstart na pala sya. Suportado naman naming lahat ang isa't isa. Para kaming isang pamilya.

"Alam mo ba, pupunta rin daw si Casey sa event next day."  saad nito, kumakain kami ng Ice Cream ngayon. Tuwang-tuwa naman ang parents ko kasi nandito ang bruho, well masaya rin naman ako. "Casey?" tanong ko dito.  "Yung ipapakasal kay Marl." taka naman akong tumingin sa kanya, bakit parang 'di ko yata alam? Nako.  "Classmates sila before. Gustong gusto ni Casey si Marl. Dahil galing sa mayamang pamilya si Casey, at gusto nito si Marl, nagdesisyon yung Dad nya na ipakasal sila." napamaang naman ako sa narinig. "Alam ba ng girls 'to?" tanong ko dito, agad naman siyang umiling. "Walang plano si Marl na ipaalam sa inyo since ayaw nya makarating kay Iris. Saka alam mo naman 'yon, pag ayaw nya, ayaw nya talaga." tumango naman ako.  "Okay, don't worry 'di ko sasabihin sa kanila." ngumiti naman sya, ngumiti rin ako.

Mabilis lumipas ang araw, nandito ngayon si Kier sa bahay para sunduin ako. Nasa venue na kasi sila Iris at Lili. Maging si Mich at Keith ay nandoon na rin. Si Marl, Kier, Faye, Faith, Vin, Cy at ako na lang ang hinihintay. Nagmadali naman kaming pumunta dahil kalahating oras na lang ay magsisimula na ang show.

Nang makarating kami sa venue, sobrang ganda sa labas pa lang. Halatang ginastusan talaga at binigyan ng oras. Nakasalubong naman namin sa entrance sila Vin, Cy, Faye at Faith. Tanging si Marl na lang ang wala. Hinanapan naman nila kami ng invitation, pagkatapos noon ay pinapasok na kami sa loob. Nandito rin ang mga magulang nina Faye, Vin at Marl. Agad naman naming natanaw si Lili sa bandang unahan, doon rin kami pumwesto.

"Maya-maya magsisimula na. Busy nanay nyo." biro nito saka itinuro si Iris na busy sa pag-aayos ng ilang materials. Naka-upo sya sa isang upuan sa bandang gilid, nakasuot sya ng isang longsleeve na itim at panloob na puti. Nakasuot din sya ng pants na itim at heels na itim. All black si Ate, anong meron? Pero effortless pagkaganda nitong bruha na 'to. Kahit naka oversized shirt or short, pambahay lang, ang ganda nya pa rin. Nakasuot naman kami ng mga formal dress, suit naman sa mga lalaki.

Ang kompanya kasi ni Iris ang nag-ayos ng Venue habang nandito naman ang mga staff ng Parents nila dahil isa ang Food Service sa mga business na pinapatakbo nito. Nandito na sa loob ang mga magulang ni Marl ngunit sya ay wala pa. Maya-maya pa, nakita naman namin itong papasok. Gwapong-gwapo ito sa suot nya ngayon, kasama nya ang isang babaeng mala-ahas kung makapulupot ng braso kay Marl.  "She's Casey." bulong ni Kier, agad ko namang tinignan si Iris na busy pa rin sa pagta-type sa laptop. Maging sila Lili at ang iba pa ay nagulat sa nakita. Malaki naman ang ngiti ng ama ni Marl nang umupo sila sa tabi nila. Nakita ko namang marahang tinapik ni Tito Marco si Marl.

Madaming reporters ang nandito sa loob. Ang karamihan ay nasa labas at nasa likod. Bilang naman ang nasa unahan ang pwesto, mga sikat na kompanya, publishing company para sa magazines.

Nagsimula na magpakilala ang host, maya-maya pa ay nagsimula ng rumampa ang ilang kababaihan at kalalakihan. Ang gaganda ng katawan nila, maging ang kanilang mukha. Huli namang tinawag ang special guest para sa show ngayon na pareho ring mga model. Sila ang huling rumampa para sa unang pasilip.

"Let us all welcome, Mr. Kian Venshiel and Ms. Minari Lim!" agad naman nagpalakpakan ang nasa loob. Sunod-sunod rin ang pagpindot sa camera ng bawat photographer. Maging ang mga reporter ay naghahanda na para sa tanungan maya-maya.

Nakangiti naman akong tumingin sa Minari na nabanggit, maganda sya at kayumanggi ang kulay ng balat. Matangos ang ilong at mapupungay ang mga mata. Maging ang mga ngiti nito ay kasing ganda niya. Ganoon rin si Kian na lalong gumwapo sa suot nya ngayon, kanina pa tili ng tili si Lili sa unahan, kanina pa rin nakasimangot ang katabi nitong si Cy na mukhang konti na lang ay mapipikon na. Seloso talaga.

Tinignan ko naman ang direksyon kung saan nakatingin si Minari, nagulat ako nang makitang nakatingin sya kay Marl habang nakatingin din si Marl sa kaniya na para ba silang nag-uusap. Seryoso si Marl habang nakatingin kay Minari habang nakangiti ngunit malungkot naman ang mga mata ni Minari habang nakatingin kay Marl. Ano 'tong nakikita ko? Anong meron? Agad ko namang tinignan si Iris, nagulat ako nang makitang malungkot itong nakatingin kay Marl. Totoo ba 'tong nakikita ko?

Fearless (Ongoing)Where stories live. Discover now