KABANATA 25

12 2 0
                                    

Marl's POV

Maaga akong nagising kasi aalis si Daddy sa bahay, aattend sya ng meeting sa ibang bansa. Importante daw yun kaya mawawala siya ng isang linggo. Tila naman maganda ang umaga ko ngayon, walang sermon at kung ano-ano. Kakatapos ko lang maligo, sunod-sunod na katok naman ang narinig ko. Agad ko naman iyong binuksan. "Sir, may bisita po kayo sa baba." saad nito, napasimangot naman agad ako. Mukhang masisira ang araw ko ngayon, hindi na ako magugulat kung si Casey ang makikita ko.

Sinadya kong bagalan ang pagkilos, nakatatlong balik na si Ate Vina sa kwarto ko. Napagpasyahan ko naman na bumaba na rin since nahihiya na rin ako sa ginagawa ko. Nagulat naman ako nang si Mommy ang bumungad sa 'kin nang buksan ko ang pinto. Nakataas ang kanyang kilay saka diretsong nakatingin sa'kin. "Tama bang pinaghihintay mo ang bisita mo?" saad nito, napakamot naman ako ng ulo. "Tara na, dali!" masayang sabi nito saka hinila ako pababa. Nanlaki naman ang mata ko nang makita si Iris na nagbabasa ng libro kasama si Rence. Sandali naman akong napatigil.  "Bakit ba?" iritang saad ni Mommy.  "Hindi po ako nakapagpabango." nahihiyang sabi ko, tinawanan naman ako nito. "Wag kang mag-alala, amoy baby ka naman palagi." natatawang sabi nito saka ako tuluyang hinila papalapit sa kanila.

"Kuya!" malakas na sigaw ni Rence saka matalim na tumitig sa 'kin. Tumawa naman si Mommy, mukhang masaya siya sa nakikita nya ngayon.  "Hindi mo sa 'kin sinabi na ganito pala kaganda si Irene. Bagay na bagay kayo." saad ni Mommy, narinig ko namang natawa si Iris. Napakamot naman ako ng ulo. "But Mom, mas gwapo po ako kay Kuya. Mas bagay po kami ni Ate Iris." pagtutol naman ni Rence, agad naman itong sinuway ni Mommy.  "May klase ka pa, baby. Sumama ka muna kay Ate Vina, okay?" nakasimangot naman itong tumango saka ulit tumingin sa 'kin.  "I'm watching you." saad nito saka padabog na umakyat.

"Anong ginagawa mo dito? May problema ba?" bulong ko kay Iris, agad naman siyang umiling. "Alam mo ba anak, palagi kang kinukwento ni Marl sa 'kin. Ang ganda mo daw, mukhang hindi naman sya nagsisinungaling. Ngayon lang ako nakakita ng batang ganito kaganda." ako na mismo ang nahihiya sa sinasabi ni Mommy.  "Ma, 'wag nyo po siya tawaging anak. Nakakahiya."  Halos pabulong na sabi ko dito, hindi nya naman ako pinansin. "Bakit ako mahihiya, gusto ko siyang maging anak eh, pwede naman 'di ba?"  hindi naman kumikibo si Iris. Makitid naman s'yang ngumiti. "Naghanda ako ng pagkain, tara." anyaya nito sa 'min, sumunod na lang kami.

Nakasuot si Iris ng isang kulay itim na dress na lampas sa kaniyang tuhod. Naka-bun ang kaniyang buhok at naka sandals ito. Ang ganda nya talaga palagi. Nagsimula namang magtanong si Mommy, kinakabahan naman ako sa mga itatanong at sasabihin nya. "May boyfriend ka ba?" tanong ni Mommy, alangan namang tumingin si Iris sa 'kin na para bang humihingi ng tulong. "Ah, wala po." nagulat naman ako nang hawakan ni Mommy ang kamay niya.  "Talaga? Imposible. Sa ganda mong 'yan?" lumabas na naman ang pagiging makulit ng Mom ko. "Focus po kasi ako sa pag-aaral since before. Ngayon po, sa trabaho naman po." tumango-tango naman si Mommy.  "So hindi ka pa nagkakaboyfriend?" tumango naman si Iris.  "Kung ganoon, magiging first boyfriend mo pala si Marl? Ikaw anak, kailan mo plano manligaw?" sunod-sunod na tanong nito. Napabuntong hininga naman ako. Sobrang nahihiya ako ngayon, kung pwede lang kainin ako ng lupa kahit ngayon pa mismo.

Natapos naman kaming kumain, hihiramin daw muna ni Mommy si Iris. Hindi sana ako papayag kaso wala na, magkasama na silang dalawa.







Iris POV

Hindi ko inakalang ganito pala kakulit ang Mommy ni Marl. Ngayon ko lang kasi sya nameet since hindi ako mahilig sumama sa gala. Super dami niyang tanong and natutuwa naman ako kasi feeling ko interesado sya sa 'kin.  "Alam mo ba, nagkaroon na si Marl ng girlfriend noon. Siguro Third Year or Fourth Year High School sya that time. Masaya naman silang dalawa, kaso nung namatay yung Kuya ni Marl, timing na umalis yung girlfriend nya. Iniwan sya kasi kailangan nya daw unahin yung pangarap nya." pagkukwento nito, nanatili namang bukas ang mga tainga ko para dito.   "Ilang buwan siyang hindi kumakain, hindi natutulog. Palagi lang siyang nakakulong sa kwarto nya. Bukod sa lagi siyang sinisisi ng ama nya sa maraming bagay, wala na rin yung Kuya nya na nandiyan palagi para damayan sya. Saka, wala na rin yung girlfriend nya na siyang nag-aalaga kay Marl tuwing malungkot sya at nagkakasakit sya." nandito kami ngayon sa isang kwartong mukhang pagmamay-ari niya. "Masayahin ang anak ko kahit na palagi siyang pinagagalitan ng Daddy nya. Kasi kahit anong mangyari, nandiyan yung Kuya nya sa tabi nya. Kaya nung namatay yung Kuya nya, parang namatay rin yung kalahati ng pagkatao nya. Kaya ngayon na nakikita kong bumabalik yung saya nya hindi pa man katulad nung noon, masaya ako. Salamat sa 'yo." saka nya ako niyakap ng mahigpit. 

"Nasabi nya rin sa 'kin na ikaw daw ang tumulong sa kanya nung kailangan nya. Humihingi rin ako ng pasensya kasi trabaho kong alagaan ang anak ko pero ikaw ang gumawa. Maraming salamat talaga." ginantihan ko naman ang mga yakap nya. "Maaari po ba akong magtanong tungkol kay Marl?" agad naman siyang ngumiti at tumango.  "May pagkakataon po kasi noon na umiiyak po siya sa gabi. Takot rin po siya sa kulog o kidlat. Hindi rin po sya mapakali kapag umuulan. Maaari ko po bang malaman kung ano pong nangyari?" niyaya nya naman akong maupo.

"Bata pa lang si Marl, takot na sya sa kulog at kidlat. Hanggang sa lumaki sya, magkasama sila ng Kuya nya sa kwarto. Tabi sila palagi matulog. Kaya naman nagkaroon ng takot si Marl sa ulan dahil umuulan nung namatay yung Kuya nya. Simula noon, takot na sya maiwan. Kaya madalas, magkatabi sila ni Rence matulog. Sabi naman ng mga doctor, maaari daw mawala iyon kaya lang sadyang si Marl lang ang makakagawa nun. Ang mga taong nakapalibot sa kanya ang makakatulong sa kanya para magawa nya 'yun." tumango naman ako, nakaramdam naman ako ng lungkot nang marinig ko ang kwento na iyon.

"Hanggang ngayon, nalulungkot ako dahil deserve ng anak kong maging masaya noon pa. Wala naman akong sinisisi dahil wala namang may kasalanan. Masaya na rin naman ang anak ko ngayon, salamat sa 'yo," saglit nya naman akong tinignan. "Nga pala iha, maaari bang bumalik ka ulit dito kapag may libreng oras ka? Gusto pa sana kita makausap ng matagal." napatitig naman ako sa mga mata niyang tila nangungusap.  "Opo naman po, palagi naman po akong libre." saad ko naman rito saka matamis siyang nginitian.

Fearless (Ongoing)Where stories live. Discover now