KABANATA 5

13 2 0
                                    

Iris POV

"Mama...."  Bulong ng isang bata. Nagulat ako nang imulat ko ang mga mata ko, nandito ako sa loob ng isang malaking kwarto na mukhang pagmamay-ari ng batang paulit-ulit na umiiyak.  "Mama..."  Saad ulit nito habang nakatingin sa bintana. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito at kung sino ang batang ito na paulit-ulit sinasambit ang salitang
'Mama'.

Masyadong madilim dito sa loob ng silid na ito. Tanging boses lang ng bata ang naririnig ko ng maayos. Masyadong maingay sa labas dahil sa malakas na ulan. Agad naman akong napatakip ng tainga nang biglang kumidlat "Malungkot ako....I'm scared" halos pabulong na sabi nito, gustuhin ko mang lumapit ay hindi ko rin magawa, maging ako ay natatakot at kinakabahan na. Lalo na't wala akong makita.

"K-kasalanan mo kung bakit ako mag-isa!" saad nito, agad naman tumindig ang mga balahibo ko dahil sa malakas na sigaw nya. Kasabay nito ang paglakas lalo ng ulan at pagkulog ng malakas.

Nang imulat ko ang mga mata ko, nagulat ako sa nakita ko. D-dugo.... Mas lalo naman akong kinilabutan nang makitang para bang nakatingin sa 'kin ang bata ngunit siya ay naka-maskara.  "Ikaw......ikaw lang...."  saad nito bago ako iwang mag-isa. Ako lang? Ako lang ang alin?

"Iris! Gumising ka! Ano ba!" sunod-sunod na sigaw ang narinig ko, naririnig ko rin na may umiiyak. Ano bang nangyayari? Dahan-dahan ko namang iminulat ang mga mata ko. Nagulat ako nang makita kong nakapalibot sa 'kin ang mga kaibigan ko. Anong nangyari? Agad ko namang tinignan si Lili na basang-basa ang mukha kakaiyak. "Bakit ka umiiyak?" takang tanong ko dito, nagulat naman ako nang bigla nya akong yakapin dahilan para mapahiga ulit ako sa kama na hinihigaan ko.  "M-may masakit ba sa 'yo? Bakit ka kasi umiiyak! May nararamdaman ka ba?" nag-alalang tanong nito sa 'kin, agad naman ako umiling.  "Anong oras na?" tanong ko sa kanila, agad naman sumagot si Marl.  "8:30 na ng umaga" tumango naman ako, bakit parang ang bilis ng oras.  "20 hours ka kayang walang malay" saad ni Faith, dahilan para hilahin sya palabas ng kwarto ni Faye. Nagtaka naman ako, ano bang nangyari? Wala na naman akong maalala.

"Okay ka na?" pang labing-apat na tanong ni Lili sa 'kin.  "Oo nga, paulit-ulit" sumimangot naman sya.  "Tumawag si Mama kahapon da-".   Hindi nya pa natatapos ang sinasabi nya nang bigla akong magsalita.  "Sinabi mo kay Mama? Anong sabi nya?" kinakabahang tanong ko.  "Hindi. Alam kong magagalit ka sa 'kin kapag sinabi ko" napakamot naman sya sa ulo, bumuntong hininga naman ako.  "Salamat naman, alam kong matalino ka" tinignan nya naman ako ng masama. "Pero, bakit ka umiiyak kanina? May napanaginipan ka ba? May naalala ka na ba? Ano?" sunod-sunod na tanong nito sa 'kin, agad naman akong umiling.  "Weird nga eh, wala akong maalala kahit isa..."  Nakatungong sabi ko.  "Pero may naririnig ako, Mama" kumunot naman ang noo nya.  "Mama?" patanong sa sabi nito, agad naman akong tumango. "Miss na miss mo na siguro si Mama, ilang araw pa lang tayo dito oh" ngumisi naman sya.  "Baka nga, gusto ko na sana umuwi kaso nahihiya naman ako kila Faye" nakatungong sabi ko.  "No need to worry, uuwi na tayo bukas" pagsasalita ng isang babae sa likod, si Faye 'yon.  "Ha? Bakit naman? Dahil ba sa 'kin?" agad naman siyang umiling. "Bruha, hindi. Namatay kasi yung Tito ni Daddy. So need namin pumunta do'n. Well, sabi ko sa iba pwede namang maiwan sila dito kaso uuwi na lang rin daw sila" tumango naman ako.  "Pwede naman tayo magbakasyon sa susunod, kapag okay na talaga" saad naman ni Lili.  "For now, magsaya na lang muna tayo. Tara sa taas!" pag-aaya nito, sumunod naman kami.

"Truth or Dare tayo!" nakangising suhestiyon ni Kier. Agad naman sumang-ayon si Faye hanggang sa sumang-ayon na silang lahat maliban sa 'kin.

Wala naman akong ibang magagawa kung 'di ang makisali sa kanila, kasi alam kong pipilitin din naman nila ako mamaya. Una naman tumapat ako bote kay Vin. "Truth or Dare?"  sabay-sabay na tanong nila. "Truth". Nakangising sabi nito.  "Sa 'ming mga girls, sino ang pinaka maganda?". Tanong ni Faye. "Si Iris" nakangiting sabi nya, nagsimula naman ang asaran.  "ayiii" inirapan ko naman sila. "Ilayag na 'yan" bulong sa 'kin ni Lili na ngayo'y katabi ko.

Sunod namang tumapat kay Mich ang bote. "Truth or Dare?" sabay-sabay ulit nilang tanong. "Dare" agad naman sumimangot ang iba.  "Daya" natawa naman sila. "Titigan mo sa mata si Vin then sabihin mo ang gwapo nya" natatawang sabi ni Em. Agad naman siya tinignan ni Mich ng masama. "Bakit? Hindi mo kaya?".   Nang-aasar na sabi nito, agad naman ngumisi si Mich. Natawa naman si Kier. "Game na" saad pa nito.  "Bukas may something na sa dalawang 'yan".  Bulong ni Lili sa 'kin. Nakatingin naman sa isa't isa si Vin at Mich. "A-ang gwapo mo".  Namula naman ang tenga ni Vin, pagkakasabi pa lang ni Mich nun, natawa agad ako dahilan para mapatingin silang lahat sa 'kin.  "Ang saya mo, 'no?" sarkastikang sabi ni Mich, nginisian naman ako ni Lili.

Sunod naman tumapat yung bote kay Lili.  "Truth or Dare?" tanong nila sa kanya, agad naman siyang sumagot.  "Dare, para may thrill" mayabang na saad nito, ngumisi naman ako.  "Magtitigan kayo ni Cy in 1 minute while magkahawak kayo ng kamay" ngumisi naman sa 'kin si Lili habang si Cy, mamamatay na yata sa kaba. "Ha?" tila nakalutang sya sa kalawakan ngayon, nabingi na yata. "Game na" saad naman ni Lili, natawa naman agad ako.

Nakailang iwas siguro ng tingin si Cy, hindi ko mabilang. Nanginginig din ang mga kamay nya dahilan para magsimula ang asaran. "Ano pre? 'Di mo na ba kaya? Ako na diyan" pang-aasar ni Kier dahilan para samaan sya nito ng tingin.  "Biro lang, ikaw naman" sabay kamot nito sa ulo. Pagkatapos nila, bumalik naman si Lili sa pwesto nya sa tabi ko. "Patay ka sa 'kin" bulong nito. "Grabe, natakot ako" natatawang sabi ko.

Tumapat naman kay Marl ang bote, agad naman siyang tinanong ng iba. "Truth or Dare?" tanong nila, sumagot din naman siya agad. "Truth" seryosong saad nya. Nagulat naman ako nang biglang magsalita si Lili.  "Kung may nagugustuhan ka sa 'ming mga babae, sino and bakit" halata namang naging interesado silang lahat, bigla naman siyang sumuklyap sa'kin. "Si Iris, because she's amazing" diretsong sagot nito habang nakatingin sa mga mata ko.

Nagsimula nang lumakas ang hiyawan nila. Tinutukso si Marl ng mga kaibigan naming lalaki habang kanina pa ako hinahampas nitong mga bruha. "Sabi na may something eh!" malakas na sigaw ni Em, nag-apir naman sila ni Faye habang pulang pula si Faith sa isang tabi. "OMG" kinikilig na sabi nito. Nagpapalakpakan naman si Lili at Mich, bruha talaga.

Fearless (Ongoing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora