KABANATA 7

24 1 0
                                    

Iris POV

Maaga akong nagising, tulog pa rin silang lahat. Nakita ko naman si Marl sa bench sa baba, agad ko naman siyang pinuntahan.  "Good morning!" masayang bati ko dito, agad nya naman akong nginitian.  "Maganda ka pa sa umaga" halos pabulong nitong sabi. Ngumiti naman ako. "What if, tayo maghanda ng pagkain natin? Para naman hindi na tayo makaabala sa chef nila Faye na dapat nagpapahinga talaga ngayon" tumango naman sya.  "Sige, kakausapin ko lang sila Ate Viy para tayo na magluto tutal sobrang aga pa naman" sumasang-ayon ako sa kanya, alas-tres pa lang kasi ng madaling araw.

"Pwede na daw tayo pumunta, tawagin na lang daw natin sila pag may kailangan tayo" saad nya, tumango naman ako. "Hindi naman sa pagmamayabang pero, magaling talaga ako magluto" pagmamalaki ko sa kanya. "Talaga?" agad naman akong tumango.

Siya ang naglinis ng mga gagamitin naming karne at isda, mayroon ding mga hipon, crab, pusit at iba pang seafoods habang ako naman ang naghanda ng mga ingredients na gagamitin.

Nang matapos na kami sa unang ulam, tinikman nya naman iyon. Adobong manok ang iniluto kong una, paborito ko kasi 'to. Nanlaki naman ang mata niya nung matikman nya.    "Masarap pa sa luto ng cook namin" halos pabulong na sabi nya, natawa naman ako. "Isusumbong kita kay Ate Lyn ha" pagbibiro ko dito. Sunod ko namang iniluto yung mga seafoods. Natutuwa naman akong nasarapan din sya.

"Busog na busog na ako, paano pa ako kakain?" tanong nito sa 'kin, halos lahat kasi ng niluto ko tinikman nya. "Pasado ba lahat?" tanong ko dito. "Mas masarap ka pa magluto kaysa Mommy" nakasimagot na sabi nito. "Pero, the best pa rin pakbet nya" pagbawi naman nito. "Baka gusto mong magtrabaho sa 'min? Cook." natatawang sabi nya, binatukan ko naman sya.  "Ngayon lang 'to, hindi na mauulit" natatawang sabi ko sa kanya.





Marl POV

Maaga akong nagising, maaga kasi tumawag si Daddy. "Yes po, Dad? Good morning po." magalang na tanong at bati ko dito. "Bakit hindi ka pa umuuwi? May mga pinapaasikaso ako sa 'yo 'di ba? Malapit ka na gumraduate, kailangan mo na pag-aralan paano i-manage 'yung kompanya natin" malamig na saad nito sa 'kin, napalunok naman ako. "Pauwi na rin po ako maya-maya, aasikasuhin ko po agad" kinakabahan na sabi ko.    "Dapat lang. Kung nabubuhay lang sana ang Kuya mo ngayon, bakit sa 'yo ko ipagkakatiwala ang kompanyang pinaghirapan ko?" Agad nya naman pinatay ang tawag. Hindi ko lang alam bakit ganito sya sa 'kin, anak nya rin naman ako. Sadyang paborito nya lang si Kuya.

Maayos naman ang trato sa 'kin ng Mom ko. Si Daddy lang talaga ang laging ganito sa 'kin. Gusto ko rin namang mabuhay ang kapatid ko. Hindi ko pa rin sya maintindihan kung bakit hanggang ngayon ako yung sinisisi nya sa pagkamatay ng kapatid ko.

"Pasado ba lahat?" tanong ni Iris sa 'kin. "Masarap ka pa magluto kay Mommy" nakasimangot na sabi ko.    "Pero the best pa rin yung pinakbet nya" natatawang sabi ko. "Baka gusto mo magtrabaho sa 'min? Cook." biro ko naman dito, nagulat naman ako nang sapukin nya ako.    "Ngayon lang 'to, hindi na mauulit" natatawang sabi naman nito.

"Hintayin mong maging asawa kita, paniguradong mauulit at mauulit ang pagluluto mo" bulong ko habang palabas sa kusina.

Nakahanda na rin ang mesa sa labas kaya inihain na rin namin ang mga niluto nya. Sabay naman kaming umakyat upang gisingin ang mga manginginom. Una naming ginising sila Faye, naghintay ako sa may pinto habang pinapanood si Iris na hinihila sila patayo, natawa naman ako.    "Tulungan mo kaya ako?" saad nito, lumapit naman agad ako. Nakakatakot talaga sya pag seryoso, buti na lang super ganda nya, kahit papaano nakakabawas ng takot.

Nang ayaw pa rin bumangon nung apat, nagulat ako nang kumuha sya ng malamig na tubig sa ref saka iyon iwinisik-wisik sa apat. Sabay-sabay naman sila nagreklamo. Muntik pa sila mag away-away, nang magising nya na yung apat sa kabila naman kami nagtungo. Papasok na sana si Iris nang saraduhan ko sya ng pinto.

Nanlaki ang mata ko nang makitang naka shorts na lang sila samantalang ang naaalala ko pinalitan ko pa silang apat ng damit.  "Gumising na kayo!" sigaw ko sa kanila, agad ko namang inihagis sa kanila yung mga damit nila na nasa lapag na ngayon. Kanina pa kasi katok ng katok si Iris. "May problema ba?" tanong ni Iris, nasa labas kasi sya. "Sandali lang" sagot ko dito, binuksan ko din ang pinto nang makapagbihis na silang lahat. Pasaway!

Fearless (Ongoing)Where stories live. Discover now