KABANATA 26

11 2 0
                                    

Iris POV

Maaga akong nagising, alam kong maganda ang magiging araw ko ngayon. Papunta na ako sa kompanya ngayon na pamumunuan ko, ang sabi naman ni Mama may ilan siyang empleyado doon na tutulungan ako sa mga bagay na hindi ko pa alam. Ilang buwan na rin ang lumipas, parang kahapon lang, kaka-graduate ko lang.

Pormal ang suot ko ngayon, ibinigay sa 'kin ni Mama kanina. Isa itong longsleeve na may pagka-light ang kulay nitong blue, isang kulay puting sando na may kakapalan, pang loob at isang pants. Isang heels din ang ibinigay niya na kapareho ang kulay sa damit ko. Mas handa pa si Mama kaysa sa 'kin. Mukhang ganitong uri na ng damit ang magiging laman ng damitan ko.

Nang makapasok ako sa loob, dumiretso na ako sa meeting area. Nagulat ako kasi sa pagkakaalam ko ay ilan lamang ang makakasama namin sa loob ngunit lahat yata ng empleyado ay nandito. Malaki rin ang meeting area na ito kung saan ginaganap ang pagtitipon ngayon. May mga matatanda rin na babae ang nakasuot ng formal dress at mga matatandang lalaki na naka suit.

"Good morning, everyone. Gusto ko sanang ianunsyo sa inyo na magkakaroon kayo ng bagong Presidente. Ang ilang empleyado dito ay sasama sa'kin sa Light Company para ituloy ang kanilang trabaho."  paninimula ni Mama. Pag-aari nila ni Papa ang kompanyang iyon, bukod doon ay marami pa silang inaasikaso kasama na ang mga negosyong naiwan ng mga magulang ko.

"Let us all welcome, President Irene Isabela Mallari!" nahihiya naman akong tumayo saka lumapit sa unahan. Hindi ko rin alam kung bakit presidente agad yung posisyon na ibinigay nila sa 'kin, kahit wala naman talaga akong karanasan dito. Huwag naman daw akong mag-alala, may tiwala daw sila sa 'kin at may mga makakatulong naman daw ako. "Good morning, everyone." magalang na bati ko sa kanila, binati naman nila ako. "Simula ngayon, I will be the President of M Company. Let's work hard and keep on fighting and be happy!" nakangiti naman ang lahat habang nagpapalakpakan.

Nang matapos ang meeting, agad naman akong pinuri ng ilang ka-negosyo namin. Gandang-ganda sila sa 'kin. Sari-sariling reto rin sila ng kani-kaniyang anak. Hindi naman ako interesado doon. Agad naman akong nagpasalamat bago sila umalis.

Nauna namang umalis si Mama at Papa dahil may kailangan pa daw silang ayusin. Next month daw ay magkakaroon ng interview para sa mga gustong mag-apply ng trabaho dito sa kompanya. Dalawang babae naman ang nag-asikaso sa 'kin at itinuro kung saan ang opisina ko.

"Let me introduce myself first, Ma'am." saad ng isang babaeng naka longsleeve na puti at naka skirt na kulay itim. "Don't call me Ma'am, bata pa ako." nakangiting sabi ko, tumango naman sya. "Okay, Miss Mallari." natatawang saad nito. "Ms. Irene na lang, much better." suhestiyon ko. "Okay, Ms. Irene." saka niya iniabot ang ilang papeles sa 'kin. "I'm your secretary, Jessica. Ako po yung naka-aasign na mag-ayos ng schedules nyo sa loob at labas ng company. Ako rin po ang mag-aayos ng meetings and mag-aasikaso ng papers na ibibigay sa inyo." tumango naman ako, nagsalita naman ang isang babaeng kasama nya rin kanina.

"I'm your assistant, Maven. Ako naman po yung makakasama nyo kapag po may mga event or meetings kayo na pupuntahan." Tumango ulit ako. "Okay. Again, I'm Irene Isabela Mallari. You can call me Miss. Irene, not Ma'am."  Nakangiti naman silang tumango.  "Yes, Miss. Irene." saad ni Jessica, nauna naman siyang lumabas. "Eto po yung mga pupuntahan n'yong meeting mamayang 2PM, sa Shine Hotel po with Mr. Alcantara." Marahan naman akong umupo, nagustuhan ko ang opisina ko dahil mula dito kapag sumilip ka sa bintana, tanaw na tanaw ko ang napakagandang dagat. Puro glass ang wall maging mga pintuan dito, pero may mga kurtina naman. Siguro para kapag gusto ko matulog, pwede. Agad ko namang hinampas ng mahina ang kamay ko, tulog na naman nasa isip ko.

"Okay, paki-remind na lang ulit ako later. Thank you." mabilis naman siyang tumango. "Copy, Miss." saka ito nagpaalam. Napansin ko lang kanina na kakaunti ang office dito sa taas at wala masyadong tao, ito rin ang pinakahuling floor. Napag-alaman ko naman na ang mga opisina na nandito bukod sa 'kin ay ang opisina ng Vice President, Secretary and Assistant. Mayroong pitong silid dito, kung lalabas ako galing sa opisina ko ay nasa bandang kanan ko ang opisina ng VP namin. Sa kaliwa naman ay ang silid ng secretary at assistant ko. May ilang silid pa ang bakante, may dalawang meeting room din dito sa loob. Library, CR at Kusina.

Sa lahat, opisina ko ang pinaka malaki at kumpleto. Mahal na mahal talaga ako ng mga magulang ko. Maganda din ang decoration sa loob. Napag-isipan ko naman na mag-ikot muna para maging pamilyar ako. Sinamahan naman ako ni Maven. "Start po tayo sa first floor, Miss." saad nito, ngumiti naman ako at sumunod.

"Pagpasok nyo po sa Company, makikita nyo po na walang masyadong empleyado. Magkakaiba po kasi ng floor per team. Dito po sa first floor nagreregister lahat ng empleyado sa company natin. Kung anong oras po sila pumasok at lumabas." binati naman kami ng mga empleyado sa baba. Paulit-ulit nila ako tinatawag na 'Ma'am', nasa twenties pa lang ako. Andami pang sinabi ni Maven ngunit isa lang ang naintindihan ko sa lahat ng sinabi nya. Bawat empleyado ay nasa floor kung saang team sya kabilang.

Nandito na kami sa ika-labing lima na palapag kung nasaan ang opisina ko.  "Miss. Irene, nga po pala, iyong opisina po sa dulo ay opisina ng secretary ng M Company. Sya po ang umaattend sa malawakang meeting at nagsusubmit ng report sa President. Makakasama nyo rin po sya madalas. Sya po si Mr. Erwin Alejo." Muli naman akong tumango.  "Nga pala, Maven. Napansin ko lang, bakit bakante ang ibang silid dito?" tanong ko dito. "Yung Vice President po natin is next next week pa po makakapasok. Kaya po bakante yung opisina nya. Sa pagkakaalam ko po, isang linggo lang po sya dito, ililipat din po agad sya sa sister company po ng M Company. Eto naman pong isang ito ay magiging opisina ng secretary nya." muli naman akong tumango.  "Eto po ang meeting area ng officers, mayroon din po kayo ditong kainan at stock ng pagkain in case may ayaw po lumabas or mag o-overtime sa trabaho. Actually every floor po is mayroon." saad nito, nagpaalam naman siyang mauuna at aayusin ang mga dadalhin naming files mamaya.

Wala pa man akong ginagawa ay tila ba napapagod na ako. Iniabot naman sa 'kin ni Maven ang isang document kung saan nilalaman nito ang topic na pag-uusapan mamaya. Agad ko naman iyong binasa.

Ang business namin ay ang maghold ng malalaking event, malalaking event para sa matataas na tao. Photography, Videography, Designing and more. May sarili din kaming magazines na ipinapublish tatlong beses sa isang taon. Same sa house designings like that, maaari silang makipag-ugnayan para sa schedule.

Nabasa ko naman na magkakaroon ng fashion show ilang araw na lang mula ngayon. Napag-usapan na naman daw ito nung nakaraang linggo pa, at nasimulan na rin nila. Ngunit kailangan ko rin daw iyong alamin dahil ako na ang namumuno ngayon.

Naalala ko naman yung fashion show na sinasabi ni Lili, ayon siguro 'yun. Sasama yun walang duda, marami daw kasing invited na international models and kasama si Kian Venshiel. Papahuli ba 'yon.

Fearless (Ongoing)Where stories live. Discover now